A Present

1557 Words
Dahil sa request nang mga magulang nang batang si Kelle. Hiniling ni Elizabeth kay Dr. Soo na payagan silang magkaroon nang maliit na party para sa kaarawan nito. Pumayag naman ang Doctor at ganoon din ang head doctor nang Pediatric ward. Sa tulong ni Sophia at nang ilang nurse nag set up sila nang isang birthday party para sa bata. May ilang mga bata din sa pediatric ward na tumulong sa kanila na mag-ayos. Ginawa nilang decoration sa venue nila ang mga origaming ginawa nila. “Ito na ba ang pinagkakaabalahan niya ngayong nasa Pediatric ward siya?” Tanong ni Summer nang mapadaan sila ni Lemuel sa hospital cafeteria at makita si Elizabeth at Sophia katulong ang ibang nurse at doctor nang department. Nakita nilang masaya si Elizabeth at mukhang kasundo ang mga nurse at doctor sa department na iyon. “Look at her smile.” Wika ni Lemuel na nakatinngin sa dalaga. “I must say this is the first time that I saw her smile like that. Nang nasa ER siya. She hardly smiles probably because DR. Alexander is being hard on her.” Wika pa nito. Napatingin naman si Summer at Margarette sa binata. Hindi naman sila tutol sa sinabi nang binata kaya lang napatingin sila dito dahil sa tono nang boses nito parang hangang-hanga ito sa dalaga. “What are they doing? It that even her task. She is so busy doing unnecessary things.” Wika ni Summer. “Narinig kong she is organizing a birthday party for a patient sa Pediatric ward. Hiniling iyon nang bata bago siya operahan.” Wika ni Margarette habang nakatingin sa dalaga. “I guess, she really is fit to be in that department. Narinig kong maging ang mga magulang nang mga pasyente doon ay pinupuri siya. If you will not do your best tiyak na mapag-iiwanan na kayo ni Elizabeth. I’ve heard from Dr. Erika na kasama siya sa mga mag-aassist sa operation. This is a big break for an intern. Especially that you will be working with hospital’s top doctor.” Wika pa ni Margarette. Napatingin naman si Lemuel at Summer sa babae dahil sa sinabi nito. Ang totoo may naririnig na sila mga usap-usapan tungkol sa bagay na iyon. Pero wala namang pinangalanan kaya hindi na nila binigyan nang pansin. Kung hindi pa sinabi ni Margerette hindi pa nila malalaman na si Elizabeth pala ang tinutukoy sa mga kwentong naririnig nila. “Ano namang ginawa niya para mapasali siya sa isang major operation? Kung skill lang din ang pag-uusapan. We are better than her.” May halong inis na wika ni Summer. Wala naman siyang makitang mabubuting bagay na ginawa ni Elizabeth para mapasama ito sa isang Major operation. Kahit sinong intern, gustong-gustong maging bahagi sa isang majot operation. Ilang buwan palang sila sa hospital na iyon. For the part months ang nakita lang nila sa dalaga ay mga clumsy na kilos nito at nag parating pag pun ani Alexander sa mga ginawa niyang mali. At sa isang iglap ay magiging party ito nang major operation after moving to a different department. Masyado naman yatang mabilis ang mga nangyayari. Habang nakatingin sila sa dalaga at sa mga kasama nito. Nakita nila ang head doctor nang pediatric department na lumapit sa dalaga na tila kinakumusta ang progress nang ginawa nito. Nakita nila ang masayag ngiti ni Elizabeth sa lalaki. Napansin din nila ang paghawak nang lalaki sa balikat nang dalaga. Kilala ang head doctor nang pediatric department sa Charisma nito. Unlike Alexander, he is seen to be more engage sa mga nurse at doctor. Malapit siya sa mga nurse at doctor maging sa mga pasyente dahil sa pagiging malambing nito. Alam din nang lahat na magka kompetensya ang doctor nang pediatric department at si Alexander. Narinig nila mula sa mga nurse na noong resident doctor's pa ang dalawa madalas na mag bangayan ang mga ito dahil sa mga hindi napagkakasunduang gawin. “I think I know why.” Biglang wika ni Summer. Napatingin naman si Lemuel at Margarette. “I don’t think so.” Wika ni Margarette na tila na hulaan ang gustong sabihin ni Summer. “Dr. Mendez, if friendly and caring. He smiles a lot and cares about his doctors. He also takes care of all his doctors. Don’t misunderstood him.” Wika ni Margarette. “We better go. Baka hinahanap na tayo ni Dr. Alexander.” Wika pa ni Margarette saka tumalikod. Hindi naman agad na sumunod sina Lemuel at Summer napatingin lang sila sa dalaga habang abala ito sa mga ginagawa. Mukhang naging Mabuti para dito ang paglipat nang department. Unlike nang nasa ER ito. They would normally see her running aroung doing all sorts of task. Kahit ang break nito ay hindi rin nasususnod dahil sa dami nang mga ginagawa. Ganoon din naman sila. They can’t help but think na masyado naman yatan siyang maswerte para sa isang intern. Nang magsimulang maglakad si Lemuel papalayo sa cafeteria wala namang ibang nagawa si Summer kundi ang sumunod dito. **** Happy Birthday!” masiglang wika nang mga nurse at doctor nang pediatric department nang dumating si Kelle at Elizabeth sa bahagi nang cafeteria kung saan sila nang set up nang maliit na party para dito. Kasama nang bata ang mga magulang niya. Nang dumating ang mga ito. Tinakpan pa ni Elizabeth ang mat anito habang inaalalayan na maglakad. Nang makalapit sila tinanggal ni Elizabeth ang piring sa mata nang bata. Sabay ang pagpapasabog nang confetti mula sa party poppers na wala hawak nang nurse at doctor. Hindi naman maitago sa mukha nang bata ang labis na gulat at saya dahil sa natanggap sa kaarawan niya. Napatingin din ito sa decoration doon at napansin niyang ang mga ginawa nilang origami ang nandoon. Napayakap ang bata kay Elizabeth dahil sa labis tuwa at maging sa mga magulang nito. Inakay ni Elizabeth ang bata sa unahan para masimulan nila ang celebration. May mga games na inihanda ang mga nurses para sa mga batang nandoon. Dalawa sa nurse ay nag custome na clown para magbigay aliw sa mga bata. Isa naman sa doctor doon ang nag perform nang mga magic trick na labis na ikinatuwa nang mga bata at ni Kelle. Hindi naman maitago nang mga magulang ni Kelle ang labis na kasiyahan at pasasalamat sa mga doctor dahil sa ginawa nila para sa batang babae. Panay ang pasasalamat nila kay Dr. Mendez dahil sa pagpayag nito na bigyan nang party ang batang babae. “Dr. Soo!” masayang wika nang batang babae nang makitang dumating si Dr. Soo at Alexander. Lahat naman napatingin sa bagong dating. “Happt Birthday.” Masayang wika nang doctor saka lumapit dito at iniabot sa bata ang dalang regalo. Masaya namang tinanggap nang bata ang regalo saka napatingin kay Alexander na nakatingin sa decoration sabay tingin kay Elizabeth. Nang mapansin ni Elizabeth na nakatingin sa kanya ang binata bigla siyang natigilan. “Dr. Soo who is he?” tanong nang bata na nakatingin kay Alexander. “This is my Friend Dr. Alexander. He will help me with your operation.” Nakangiting wika nang doctor sa bata at ipinakilala si Alexander. Napatingin lang ito sa binata. Nang mapansin ni Alexander na nakatingin sa kanya ang batang babae napatingin siya dito at simpleng ngumiti. “Happy Birthday! This one is for you.” Wika ni Alexander saka iniabot sa bata ang isang music box na yare sa kahoy na may dalawang paru-paru na tila lumilipad. Napatingin si Elizabeth sa ibinigay ni Alexander sa bata. Nakita niyang namangha nag batang babae sa ibinigay nang binata. Ilang sandali itong nakatingin sa box bago tinanggap saka napatingin kay Alexander. “I think my gift is timely looks like you like butterflies.” Wika nang binata na muling napatingin sa decoration. Minsan na niyang nakita si Elizabeth na gumagawa nang butterfly na origami kasama ang batang babae. Kaya naisip niyang baka Magandang gawin regalo ang music box na iyon. “Thank you.” Wika nang batang babae. Inakay sila nang batang babae para makisalo sa kanila. Matapos nilang kantahan nang birthday song ang batang babae. Inilabas naman nang mga magulang nito ang birthday cake para sa bata. Matiim na ipinikit nang batang babae ang mga mata niya bago hipan ang kandila sa cake niya. Masigabong palakpakan naman ang ibingay nang mga bata sa kanya. Habang kumakain ang mga bata. Naglakad si Elizabeth patungo sa isang piano na ipinaset up niya kay Sophia at sa butler niya. Nagawa niyang mapapayag si Doctor Mendez na makapag set up sila nang piano doon. Nang magsimulang tumugtog si Elizabeth biglang napatingin ang lahat sa dalaga at natigilan. Hindi nila maiwasang hindi humanga sa dalaga. Hindi nila akalaing may itinatago pala itong talento sa pagtugtog nang Piano. Habang nakatingin si Alexander sa dalaga hindi niya maiwasang hindi maalala noong nasa Costa Estrella pa sila bilang volunteer Doctors. Elizabeth would usually offer a song sa mga batang sa charity house. Tuwing dumadalaw ag royal family sa mga bata sa hospital or charity house she would play a song for them. Mukhang hanggang ngayon dala dala parin nang dalaga ang ugaling iyon. He just can’t take his eyes off from her. Her music is soothing. For the first time after Elizes death, he feels at peace. Parang Nawala ang mga worry niya at gumaan ang loob niya habang nakikinig sa musika nang dalaga.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD