Hindi maintindihan ni Issay ang sarili bakit hinahayaan niya na ganito ang gawin sa kanya ni Ellion samantalang siya itong kumpleto ng pangangatawanan. Tsaka walang kapansanan at maaaring labanan ito kung kinakailangan. Mahirap kasi sa babae iyong kayang sindakin ng lalaki. Pero hindi naman siya nito pinwersa heto at tila ba nasisiyahan pa siya sa ginagawa nito. Imbis na pinigilan ang halik nito, tumugon pa siya sa halik ng lalaki na hindi naman dapat. Panay din ang daing niya dahil sa tindi ng sarap na kanyang nalalasap. Anong nangyayari sa kanya? Mukhang nahypnotismo siya ng lalaki dahil napapasunod siya nito ng kusa. At iyan ang kinainis niya. Bakit nga ba hinahayaan niya ang lalaking ito na gawin ang mga bagay na ito sa kanya. Lalo na at wala naman itong karapatan, mali iyon eh