Isang linggo ang matuling lumipas. Sa loob ng isang linggo na iyon ay todo iwas si Isabel kay Ellion, nag-uusap lamang silang dalawa kapag oras ng pagkain at oras ng pag-inom ng gamot nito. Pero kadalasan ay mas gusto niyang manatili sa loob ng kanyang silid o kaya ay magtungo sa dalampasigan para magmuni-muni. Mas ini-enjoy niya ang kanyang sarili kahit na mag-isa dahil naiilang siya na mapalapit muli sa kanyang boss. Simula kasi ng may mangyari sa kanilang dalawa ay minabuti niya na ilayo na ang sarili dito. Lalo na at inaasahan pa nito na muli silang magkausap tungkol sa bagay na iyon, na kesyo magmamakaawa siya dito na gawin nila ang bagay na iyon. Mahina kasi ang panlaban niya sa lalaki kapag gano'n bagay na, hindi talaga niya inakala na magiging mahina siya pagdating sa isa