Hay naku! Napakadali talaga magbago ng mood. Kanina okay na okay pa lamang ito, napakaganda pa nga ng ngiti sa kanya. Tapos ngayon bigla-bigla ay galit na naman ito at heto, sinisinghalan na naman siya. Kalalaking tao ay mukhang pinaglihi ito sa sama ng loob ng mommy nito. Kinilig pa naman siya ng very slight lang kanina sa ngiti nito sa kanya. Tapos ngayon napalitan na naman ng pagkainis sa lalaki. Sarap batukan sa totoo lang, lalo na ngayon na hindi na naman maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Eh ano bang magagawa niya kung talagang hindi naman siya marunong magluto sinabi na niya dito pero hindi pa rin naniniwala. Siguro para sa iba ay napakadali lang lutuin ng gano'n, madali lang para sa iba ang proseso pero siya hindi nga niya alam kung paano lulutuin. Kaya