Malawak ang pagkakangiting nakatanaw si Isabel sa dalampasigan na kahit hindi masyadong maliwanag ang ilaw doon. Pero natatanaw pa rin niya ang banayad na alon ng dagat na natatamaan ng sinag ng buwan. Nakakarelax ang mabining paghampas ng alon sa dalampasigan at ang tunog na nililikha niyon. May ilaw din naman sa kinaroronan niyang resort pero hindi katulad ng mga karatig resort na todo talaga ang liwanag. Masaya pa rin ang mga karatig resort, napakaingay pa rin ng mga guest doon. May mga nagvi-videoke pa, mga nag-iinom, at panay din ang kantahan ng mga grupo-grupong guest. Masaya din talaga ang makihalubilo sa maraming tao, gaya na lang ng grupo na tinatanaw niya sa kabila. May nagkakasiyahan, nag-aasaran, at nagtatawanan pa nga ng malakas. Hindi katulad niya na mag-isa lang na