Isang katok ang nag padilat ng mata ni Lander, walang ingay na binuksan ang pinto pero bago yon inayos niya ang pagkakakumot ni Nicole. “Dad where is Mom? Kanina ko pa siya hinahanap at hindi ko siya makita, nag aalala na ako sa kanya baka kung....” “Ah, eh...anak, natutulog ang Mommy mo.” Saka nilakihan niya ang bukas ng pinto para makita nito. “Ops! Sorry Dad, nakangiting tumalikod at lumingon sabay kindat niya sa Ama. Masyadong smart si JB, may pagkaluko din ito pero makikita sa kilos at pananalita nito ang isang mapagmahal na anak. Malakas talaga ang dugong Montemayor, nangingiting isinara uli ang pinto. Bumalik sa natutulog na si Nicole at niyakap lang ang dating asawa sobrang miss na miss niya ito. Ito lang din ang babaeng iniyakan niya ng matagal na panahon. Ang kaisa-isang ba