Chopper na ang sinakyan nila pabalik ng Manila at sa dating bahay sila nagtuloy sa gentlemen village na-renew na rin ang card ni Nicole pati si JB ay may sarili din itong card key. “Honey gusto mo ba na may ipa-renovate ka sa bahay na ito? Ikaw na ang bahala kung ano man ang naisin mong ipa bago.” Yumakap si nicole sa asawa, “thanks hon. Sige dahil marami akong babaguhin dito saka itatapon na gamit. At isa na ang kama sa guest room, lahat ng kama na hinihigaan ng mga naging babae mo ay pakilagyan ng note. Alam ko na dito mo tinira ang babae mo hanggang nanganak siya.” Hindi nakakapagsalita si Lander, ayaw niya ng salungatin ang kaniyang asawa. Kahit naman magpaliwanag siya ay hindi basta paniwalaan nito. “Ang kama ba sa master bedroom ay nahigaan ng babae mo?” Hindi rin siya naka sag