Phone call from Philippines.
"Yes kuya, bukas ng tanghali ang lapag ko. May ipagbibilin kapa ba?"
"Nothing bro just checking, by the way bahala kana sa office. Maaga pa akong aalis bukas see you next week."
"Saan ang lakad mo anak, bakit may dala kang maleta?"
"Pinauuwi ako ni kuya, at kailangan bukas ng tanghali ay nasa opisina na ako."
"May problema ba ang kapatid mo na hindi namin alam?"
"Wala namang nabanggit mom, basta he need me asap. H'wag kayong mag alala ni dad tatawag agad ako."
"Sige anak, mag iingat ka sa byahe."
"Sige po mom'dad i'll got to go now, please take good care bye."
Palabas ng bahay ay nadaanan ang kapatid.
"It's early kuya where are you going and what is that?"
"Pauwi ng Pilipinas, bakit?" walang ganang sagot sa kapatid.
" Wala naman, so take care then," at humalik pa ito sa kanya.
-
Fourtee hours, ganon kahaba ang byahe ni Lander. Pumasok sa rest room para maghilamos at magtoothbrush. Nang masigurong maayos ang itsura ay bumalik na sa kanyang upuan.
Pagkatigil ng plane tumayo agad at inabot ang bag sa compartment para mag ready sa paglabas. Dumiretso sa immigration at matapos ay sa luggage claim area. Pagkakuha ng maleta ay mabilis na lumabas at nag tuloy na para mag abang ng taxi.
Hindi siya mahilig magpa sundo sa driver. Sumakay ng taxi at matapos ibigay ang address ng mansion ay sumandal para ma relax habang nakatanaw sa labas. Normal climate ang pilipinas kaya naman masarap talagang manirahan dito. Isang reason kung bakit ayaw ng kakambal iwan ang bansa.
Pagdating nila sa guard house ay ipinakita niya ang kanyang id.
Nagtatasaang pine tree ang kanilang dinaraanan. Hanggang tumigil sa tapat ng malaking gate ang taxi na sinasakyan.
Isang busina at lumabas ang guard ng mansion nila.
"Kumusta sir Lander?" pagbati nito sa kanya.
"Okay naman ho, kayo kumusta dito si nanay Ising nandyan ba?"
"Ayos lang sir nasa loob siya, pumasok na ho kayo at ako na ang bahala sa luggage mo."
Matapos magpasalamat sa gwardya ay nagtuloy na agad siya sa loob.
Isang mahigpit na yakap ang salubong ni nanay Ising. Miss niya ang isa sa kambal na si Lander.
"Tumuloy kana sa kitchen at ipaghahain kita ng tanghalian. Siguradong gutom na gutom ka sa tagal ng byahe mo."
Alam na alam talaga ni nanay ising na hindi siya kumakain sa loob ng plane.
"Thanks ho."
Habang kumakain panay tanong ng matanda sa kanya.
"Ang mommy at daddy mo maayos ba ang kalagayan doon?"
"Don't worry nanay they fine. How's kuya here, bakit bigla na lang nag disisyon na umuwi sa hacienda? any problem there?"
"Wala naman, gusto lang daw na asikasohin ang mga bagong tanin na mangga. At ewan ko nga ba diyan sa kakambal mo. At bigla-bigla na lang naisipang pumaroon sa probinsya."
"Aakyat na ho ako at h'wag na ninyo akong gisingin gusto kong makabawi ng tulog. Oh by the way nanay wala bang ibinilin si kuya?"
"Wala naman iho basta ipinaalam lang sa akin na parating ka daw."
Nag shower lang si Lander at humiga na subrang pagod sa byahe. Ilang minuto pa at banayad na ang paghinga nito tanda na masarap na ang tulog.
The next day maagang nagising at nag ready na para pumasok sa opisina.
"Iho nakahanda na ang almusal mo lakad na at lalamig ang paborito mong soup." Inakbayan ang matanda at iginiya din papasok sa kusina.
"Upo kana nanay at sabayan mo ako." Sabay kindat na ikinatawa lang nito.
Isang katangian ng kambal ang pagiging malambing. Kaya naman everytime na aalis o mata-travel ang mga ito. At palaging miss na miss niya ang magkapatid.
"Iho bago ko makalimutan may babae'ng tumatawag dito. Hinahanap ka Tisay ang pangalan."
Napasimangot lang si Lander habang umiiling.
"Don't mention her nanay iniiwasan ko nga iyan dahil parang linta palaging nakadikit."
"Hindi mo ba gusto at iniiwasan mo? Anak hindi na kayo mga bata. Dapat nagpa plano na kayong magkapatid mag pamilya."
"Nanay wala pa sa isip ko iyan saka hindi pa ipinapanganak ang babae'ng naka tadhana para sa akin."
Sabay kindat na nakapagpalakas ng tawa ng matanda.
"Hala sige na at late kana humayo kana at mag ingat sa pagmamaneho."
Dala ang ilang folder at tuloyan na siyang nagpaalam sa matanda.
Mabilis lang narating ang opisina.
"Good morning," bati niya sa secretary ng kanyang kuya Lance.
"G-Good morning s- sir," anong masamang hangin at mabait yata si sir monster ngayon?
"Bea! Sabay silip sa pinto, "paki dala dito ang mga folder from accounting office."
"Huh! Malambot yata ang dila ni bos monster," 'ops bos Lance pala. Dati pag tinatawag siya nito ay talagang napaka tigas ng pronounce. Talo pa ang bisayang taga bukid.
Hindi maka move on si Bea, "what the heck, bakit mabait yata si sir? Habang iiling-iling itong papasok sa office.
"Here sir," inabot agad ang hawak dito. Mabilis din na lumabas, talagang naninibago siya sa lalaking ito.
Tumunog uli ang intercom, "bea give me my schedule." At ibinaba na agad nito ang tawag.
Dala ang tablet at nagtungo na sa pinto ng opisina para lumabas. Bumalik sa kanyang table na lutang parin ang isipan.
"Excuse me," tawag ng isang maputing babae.
"What can i do for you ma'am?"
"Lance is there right?"
"Ah," naputol ang pagsagot sana ni bea ng tabigin siya nito.
"Go! h'wag kang humarang sa dadaanan ko!" at diretsong pumasok ito sa loob.
Nakatungo si Lander habang busy ito "ah bea anong schedule ko? Natigilan ng hindi ang secretary ang nakatayo sa harapan.
"Hi darling bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Kunwaring tampo nito at akmang hahalikan siya. Kaya mabilis na tumayo at umiwas, sino ba ang babaeng ito?"
Parang nanibago naman ang babae sa ikinilos ng kaharap. "I'm sorry darling kung naistorbo kita na miss lang talaga kita."
Hindi nakaiwas si Lander ng yakapin nito. Pero ng hahalikan siya sa labi ay mabilis na lumayo dito.
Muntik ng mapahagalpak ng tawa si Bea na kanina pa nakatingin sa kanila. Two points for my bos and zero for sexy".
"Bea tell me, what my schedule?" Sabay dilat ng mata niya sa kanyang secretary.
Lumapit naman ito "sir you have lunch meeting. The Italian restaurant with Mrs. Buena Vista at sa anak nito. The new investor around 2PM and you have dinner meeting with someone."
"Who's that darling?" lapit nito sa inaakalang Lance.
Alam ni bea na galut na ang kanyang bos. Dahil sa mga kilos ng kanyang sir. Pero imbis na makisimpatya ay natutuwa pa siya dito. First time niyang nakita na umiiwas ito sa babae. Kaya nakapagtataka talaga.
"I'm busy, did you see it?" baling ni Lander sa babae'ng nangungulit sa kanya. Gusto na nitong ibuking ang kakambal kaya lang hindi pwede. Iyan ang isang secreto nila na hanggang maari ayaw ipaalaman sa iba.
"But darling, i want you to be with me. And i really miss you lance, hindi mo ba ako na miss?"
Hindi niya pinansin ang babae, tuloy lang siya sa ginagawa.
"Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko at anong gusto mo ang maghintay ako? Kung kailan mo ako maisipang tawagan? No way Lance! kilala mo ako kung anong kaya kung gawin.
Sa subrang inis ay umalis na lang, mabilis na sumakay ng private elevator. Napaaga tuloy ang pakikipag meeting niya.
Tinawagan ang kakambal.
"Yes bro kumusta ang byahe mo?"
"I'm not in the mood kuya.!"
"Something wrong Lander?"
"Yes! it's because of you! ang aga aga ng babae mong mang bwesit. Ayon iniwan ko siya sa opisina. Bakit kaba nag kagusto sa ganong klase'ng babae?"
Pero tinawanan lang siya nito "relax bro bakit ano bang ginawa sayo?"
"She seducing me f**k! akala niya ako ikaw!"
Lakas ng tawa ni Lance "hindi ko naman yan gusto ah! siya lang ang sunod ng sunod sa akin."
"Ang hirap kasi sayo kuya kahit sino pinapatos mo basta babae! Pasalamat ka at hindi kita ibinuking. Kahit ang secretary mo sa halip na tulongan ako eh ayon ngingiti ngiti lang. Habang pinapanood kami ng babae'ng makulit na yon."
"Relax bro masyado kang high temper, pasinsya na."
Ano pa nga ba ang magagawa niya, kaya tahimik na ini-off tawag.
Pagkatapos ng lunch meeting ay tumuloy si Lander sa isang co-meeting nito. Pero tika sino yong someone na ka dinner meeting niya?
Tinawagan niya ang secretary.
"Bea who is my dinner meeting?"
"Ah, sir sorry po wala po kayong dinner meeting. Sinabi ko lang ho iyon dahil para hindi kayo kulitin nong chiks mo."
"Oh thanks," at ibinaba na niya ang tawag. Kahit papaano pala ay nakikisimpatya din ito sa kanya.
Si Bea naman ay hindi makapaniwala. Marunong pala magpasalamat ang bos nitong monster. Naiiling na tumayo na din at dumiretso sa kanteen.
Mabuti na lang at hindi naman masyadong nagtagal ang ka meeting. Hindi na siya babalik ng opisina mas mabuti na tawagan ang kaibigang si Ivann. Medyo matagal na din ng huli silang magkita.
"Hey pare whats up? Kumusta pareng Lander kailan ka dumating?"
"Yesterday tinawagan ako ni kuya."
"Nasaan ka ngayon?"
"Malapit sa mall kakatapos lang ng meeting ko, ikaw kunusta ka naman?
"Wala namang bago sa akin, pasyal ka sa bar mamaya."
"Okay, sige."
Si Ivann ang kaisa isa nilang kaibigang magkapatid. Kaya naman sa tuwing nadito siya sa pilipinas ay ito ang kanilang ka bonding. Madami din silang kaibigan pero iba si Ivann. Maasahan ito at hindi sila tatalikoran. Kaya nga pag wala ang kakambal ay ito ang kanyang iniistorbo.
"What happen to you bessy ilang araw na hindi kita ma kontak?
"H'wag ka nga mag panic bessy buhay pa naman ako." Pabaliwalang tugon niya sa best friend na si Nicole.
"Papaanong hindi ako magkakaganito. One week na wala akong balita sayo. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung okay ka lang. Tingnan mo yang sarili mo akala mo ba hindi ko napapansin na may inililihim ka!"
"Okay! suko na ako." Nakataas ang dalawang kamay na naglakad patungo sa sofa at naupo doon.
"May mga bandidong kumidnap sa akin. Pati na ang ibang mga kagaya ko na passenger ng bus na yon. Mabuti na lang nakatakas ako at may tumulong sa akin. Kung hindi siguro hindi na tayo magkikita!"
"Oh god, ayos ka lang ba? Anong ginawa nila saiyo?"
Mahigpit siyang niyakap ni Nicole at halos maiyak ito sa nangyari sa kanya.
"Sigurado ka bang hindi ka nila sinaktan?"
"Hindi, dahil tumakas nga ako nong gabi. Pero nahulog ako sa banging mabuti na lang may tumulong nga sa akin."
"So you need to go the police para makapag file ka ng kaso. Then after report mo na din ang lahat ng cards mo na nawala. At least ma hold muna ang mga bank accounts at C.C mo."
"Sige bessy, pasinsya kana nag alala ka pa tuloy sa akin.
Ganon nga ang ginawa nila magkasama sila ni Arriane na inasikaso ang lahat.
"Bessy kain muna tayo," hila niya sa kamay ng kaibigang si Arriane .
Tahimik lang ito na sumunod sa kanya, alam niya na may something na nagyari sa kaibigan. Hindi naman ganito ang mga kilos at pananalita dati. Sigurado siya na may iba pang nangyaring hindi maganda.
"Ayos ka lang ba Arriane?"
"Ha? Ahm, O- okay lang naman bessy."
"Hindi ka okay! Alam ko may hindi ka sinasabi sa akin."
"Please ayaw ko munang pag usapan, later sasabihin ko din naman sayo."
"Sige ikaw ang bahala, basta i'm your best friend. Lagi akong nadito para sayo, handa akong makinig."
"Syempre naman, hindi naman ako maglilihim sayo. Sa ngayon gusto ko muna mag isip, masyado pang magulo."
Pansamantalang isinaisang tabi muna ang mga isipin sa kanyang kaibigan. Matapos makapag order ay iniba na niya ang kanilang usapan.
"After natin dito, saan mo gustong pumunta?"
"Kahit saan, gusto mo ay manuod na lang tayo ng movies?"
"Sigurado kaba na iyan ang gusto mo?"
"Yeah, para kahit papaano makalimutan ko ang mga nangyari."
Sana lang hindi ganon kabigat ang problema ng kanyang bessy. Isipin pa lang niya na napakamak ito kinkilabutan siya.
Habang naglalakad sila patungo sa parking ay palihim minamasdan ang kaibigan. Sigurado siya na may pinagdadaanan ito ngayon. At ayaw lang ipaalam sa kanya.
---