“Hey Mom, are you mad?” “Hindi anak, bakit ganyan ang tanong mo?” “Talaga po?” Saka sinilip ang mukha ng Ina, “hmn...bakit namamaga ang mata mo umiyak ka na naman?” “Hindi anak, ano bang sinasabi mo? Kumusta pala ang pagbobonding ninyo ng D-daddy at kapatid mo?” “It's fine Mom, he's awesome at pati na ang mga kaibigan ni Daddy, mabait naman po sila.” Naramdaman ni Nicole, na yumakap sa likuran niya ang anak. “Are you still angry at my dad?” Hindi sumagot si Nicole, akalain ba niyang iyon ang itatanong ng anak niya. “H-hindi na anak, napatawad ko na ang Daddy mo.” “Do you know about Nicolai mom? I love him. I feel he is my real brother , unlike Eunice.” “Who is Eunice?” Anak din ba iyon ng Dad mo? Bakit hindi mo ba feel ang isang yon?” “Yeah, they said, but I met her yesterd