"Anak dumito ka lang sa bahay wag kana ulit pupunta dun sa company naintindhan mo, kailangan mong magpahinga pasukan mo sa lunes naintindhan mo ba"
"Nay pwede bang sumama na lang ako saiyo promise di ako manggugulo saiyo, oh iwan mo na lang ako kay ninang Roda"
"Anak wag ng matigas ang ulo wag kung saan saan nagpupunta wag na wag mo ng uulitin yun baka mapaano ka, saka bakit ayaw mong mapirmi sa bahay"
"Kasi po nay"
"Kasi Danie naboboring siguro yang anak mo dahil laging walang tao sa bahay mag isa lang siya naiiwan" sabad ng ina Danie.
"Anak kung naboboring ka gumawa ka ng paraan wag yung umaalis ka sa bahay magsulat oh magbasa ng mga libro malapit na pasukan niyo"
"Isama ko na lang po mga libro ko nay basta sasama ako"
"Anak dika naman ganito dati ah ano bang nangyayari saiyo"
"Naku syempre naglalambing lang yang anak mo nagbibinata na eh at lumalaking gwapo sige na ako bahala sa kanya pumasok kana, siya nga pala anak may pera ka ba diyan kahit limang daan lang may bibilhin lang ako sana"
"Nay kabibigay ko lang sainyo kahapon ng limang libo ni wala nga makitang pinamili niyo para sa bahay ako pa ulit bumili para sa kailangan dito"
"Sige anak kahit limang daan lang"
"Magsusugal lang nay"
"Naku kung ayaw mong mamigay di wag ang damot anak"
"Nay!"
"Naku porke wala akong trabaho pagdadamutan mo na ako"
"Oh eto ang dami niyo ng sinabi, anak dito ka lang ha wag kang aalis sige aalis na si nanay"
"Nay!!" naiiyak na sabi ni Tantan.
"Sige na anak ako na bahala sa anak mo, tumahimik ayaw mong masaktan"
"Aray ko po lola" kinurot nito ang kanyang tagiliran.
"Halla maglinis ka sa loob at magluto sa susunod na nag iinarte ka sa nanay mo malilintikan ka sa akin. Dika kakain hanggat dimo natatapos ang gawain dito, pagkatapos niyan. Magtinda ka ng sampaguita at bigay mo sa akin ang pinagbentahan mo sa akin dahil kulang itong binigay sa akin ng nanay mo bilisan mo ginagalit mo ako eh bwisit kang bata ka hmm"binato niya ang hawak nitong plato at tumama sa likuran ni Tantan, kahit nasaktan ito di na pinahalata dahil di lang yan ang aabutin sa lola pag nagkataon.
Matapos niyang gawin lahat ng trabaho nagugutom na si Tantan kaso wala siya makain dahil pinagbawalan siyang kumain ng kanyang lola. Kaya lumabas ito para magtinda ng sampaguita at makabili man lang ng makakain.
"Uyy Tantan saan ka pupunta tanghaling tapat ah, teka magtitinda ka nanaman akala ko ba tumigil ka na niyan"
"Magagalit kasi si lola pag di ako nagtinda"
"Grabe yang lola mo ang sama ng ugali bat dimo na lang kasi sabihin sa nanay mo ang ginagawa ng lola mo saiyo"
"Wag malulungkot ang nanay ayaw kong mag away sila ni lola mahal na mahal ni nanay si lola"
"Pero kaysa naman ganyan minamaltrato sabihin mo na kung ayaw mo ako ang magsasabi"
"Kuya Alan wag hayaan mo lang kaya ko naman eh"biglang tumunog ang tiyan nito dahil wala pa kasi siya kinakain mula kaninang umaga.
"Oh ayan di ka nanaman pinakain ng lola mo anong oras na"
"Sige kuya Alan magtitinda lang ako para makabili ako ng pagkain gutom na ako"
"Teka sumakay kana sa taxi, ihahatid kita kung saan ka magtitinda, sakay na bilis"
"Salamat po kuya Alan"
"Ayan may pagkain diyan paghatian natin dipa ako kumakain tara na dun na tayo kakain sa may park"
Pinaandar ni Alan ang taxi at umalis silang dalawa.
"Dito tayo kakain, may park diyan sa likod ng simbahan na yan halika na"
"Wow tamang tama maraming tao dito makakapagtinda ako ng sampaguita"
Tumakbo si Tantan sa maraming tao para makapagtinda.
"Teka lang mamaya kana magtinda kakain na muna tayo tutulungan kita mamaya"
"Sige lang kuya Alan baka mamaya mawala ang mga tao sayang ang mapagbentahan"
"Grabe talaga ang batang to oh napakasipag kabata bata pa, sige na nga tulungan na kita para mabilis"
"Sampaguita kayo diyan mura lang at fresh bili na" sigaw ni Alan.
"Bili na po kayo sampaguita po kayo diyan bili na po ale!"
"Uy ang enjoy pala magbenta lalo na't nabenta natin lahat" natutuwang sabi ni Alan dahil nabenta nila ang mga sampaguita na paninda ni Tantan.
"Kain na tayo kuya gutom na ako"
"Halika na umupo tayo doon"
"Sige po"
"Dito tayo kakain gutom na din ako"
"Umupo sila sa ilalim ng puno para dun kumain"
"Teka may natira pa sa paninda mo akala ko nabenta mo ba lahat".
"Oh, eto may pag bibigyan po ako nito"
"Kanino, may crush kana ba?
" Bata pa po ako para sa ganyan"
"Oh sige kain na nga kumain na nga tayo"
"Kuya Alan pagkatapos natin kumain pwede bang samahan mo ako mamaya ihatid natin tong sampaguita"
"Saan?"
"Basta ituro ko saiyo mamaya"
"Oh sige kumain na muna tayo"
"Salamat sa pagkain kuya Alan"
"Wala yun basta ikaw kumain ka marami yan wag ka nagpapagutom magagalit si binibini sige lagot ka doon"
"Malalagot po ako pag isumbong niyo ako"
"Oo na kilala ko naman nanay mo eh sige kain na"
Pagkatapos nila kumain umalis na sila.
"Anong ginagawa natin dito sa libingan ng mga bayani?"
"Kuya hindi libingan ng mga bayani, libingan ng mga mayayaman yan"
"Ah ganun ang sosyal naman ng mga bahay ng mga patay dito, anong gagawin natin dito"
"Dadalawin ko yung bago kong kaibigan tapos bibigay ko tong sampaguita paborito niya kasi to"
"Diyan nakatira yung bago mong kaibigan?"
"Oo kuya"
"Aba'y matapang yang kaibigan mo, teka paano tayo makakapasok diyan may mga guard"
"Okay lang naman kuya nakita naman na nila ako kahapon dito halika na"
"Sige na nga"
"Magandang tanghali po, ibibigay ko lang po tong bulaklak"
"Oh ikaw yung kasamang bata ni boss kahapon ah"
"Opo ako po yun"
"Sige boy pumasok kana"
"Salamt po, halika na kuya Alan"
Pagkapasok nila sa loob, binuksan agad ni Tantan ang pintuan, saka dumaretso sa puntod ni Clarence sinabit niya agad doon ang sampaguita.
"Hello po, para sainyo tong bulaklak na to, nagustuhan niyo po ba?"
"Wow grabe ang ganda dito pangmayaman talaga, asan pala yung kaibigan mo"
"Siya ang kaibigan ko"
"Saan wala akong makita?"
"Nasa harapan mo na nga"
"Yang puntod na yan, yang nasa malaking picture diyan. Yan ang kaibigan mo akala ko pa naman buhay ang kaibigan mo yun pala patay na"
"Oo, kapatid siya ni doc pogi kaya kaibigan ko na rin siya"
"Hay nakung bata ka, kakaiba ka talaga pati patay na kaibigan mo rin"
"Diba ang gwapo niya kuya"
"Oo ang gwapo niya sayang lang dahil kasama na niya si lord"
"Ano sa tingin mo kuya kamukha ko ba siya?"
"Pinagsasabi mo diyan, teka oo nga may hawig ka sa kanya magkamukha kayo oh siya ba tatay mo?"
"Hindi po kapatid siya ni doc pogi"
"May hawig ka sa kanya eh, ah teka tumatawag si kuya baka hinahanap na ako nito."
"Sige lang po, ano nga ba pangalan niyo? teka nga tignan ko dito Clarence pala pangalan niyo babalik po ulit ako dalhan ko kayo ng sampaguita ulit, sige mauna na ako iwan na kita"
"Halika na Tantan hinahanap na ako sa bahay sige po kuya Alan uwi na tayo"
Pagkauwi ni Tantan sa bahay nadatnan niya ang lola nitong nagaabang sa kanya.
"Bat ngayon ka lang kanina pa kita inaantay ah!"
"Aray ko lola masakit po"
"Anong oras na nagsimula na yung mga kumare ko dun hanggang ngayon wala ka pa, akin na yung pera malilintikan ka sa akin eh"
"Eto po"
"Eto lang bakit limang daan lang to dapat eight hundred pesos to asan yung iba"
Kinapkapan niya ang bulsa ni Tantan pero wala siyang makita.
"Wala na po lola yan lang"
"Impossible nakwenta ko na lahat yun bago ka nagtinda asan yung iba"
"Pinambili ko pa ng pagkain ko"
"Diba sabi ko saiyo dika kakain bw***t kang bata ka!"
"Lola tama na po masakit na po ang katawan ko tama na"
"Malas, sana namatay kana lang lumayas ka dito layas!!!" pinagbabato sa kanya ang mga nahawakan niyang mga bagay kahit natatamaan na ang bata tumakbo palabas si Tantan.
Kahit ganun pa man ang nangyari sa kanya di parin niya nagawang umiyak kahit nasasaktan na to. Tumakbo lang siya ng tumakbo palayo, malayo sa kanyang lolang malupit.
"Doc may tawag ka!"
"Who?"
"Diko maintindihan doc ang ingay sa loob parang nagsasayawan"
"What! give me my phone"
"Eto doc"
"Jhony, can you get that medicine and bring to my office"
"Yes doc"
"Hello, hello!"
"Dude help!"
"Louise! whats happening to you, hello Louise hello!! damn this idiot"
Agad siyang tumakbo papasok sa kanyang office para mabihis at kinuha ang susi, tinawagan niya agad si Alex.
"What" sagot ni Alex.
"Louise is in trouble!"
"What! ano nanaman ang pinaggagawa ng taong yun kaya pala nanahimik ng ilang araw may ginagawa nanaman kagaguhan nasaan daw siya"
"I will try to track his phone, oh I know it nasa West bar siya"
"Dun pa talaga siya sa kalaban nagpunta sige magkita na lang tayo dun"
"Oh sige" mabilis na binaba ni Clayton ang kanyang telepono.
Mabilis siyang lumabas ng kanyang office.
"Doc aalis na kayo?"
"Yes Jhony ilagay mo na lang yan sa loob babalik ako mamaya"
"Sige doc"
Habang mabilis siyang naglalakad nakasalubong niya si Jewel.
"Clayton can we talk?"
Pero dare daretso parin ang paglalakad ni Clayton.
"Clayton wait please let's talk kahit saglit lang Clayton" inis na lumingon ito sa kanya.
"Stop it Jewel, your annoying me I'm have important things to do stop doing this kind of things it's make sick"
Saka siya tuluyang umalis, di nakaimik si Jewel at para bang napahiya ito sa mga kapwa niyang doctors na nakatingin sa kanya.
"What are you looking for!" sigaw nito sa kanila inis siyang tumalikod.
Sinunadan siya agad ni doctor Solomon.
"I told you, your nothing to him pag nakaaligid ang babaeng yun sa kanya.Di siya mapapasaiyo,ano nakapag isip isip kana ba na kumampi sa amin para makuha mo lahat ang gusto mo"
"Stop following me, leave me alone!" sigaw ni Jewel sa kanya.
Mabilis na nakarating si Clayton sa west bar kung saan naroon si Louise.
"Your here!" na biglang lumabas si Alex sa kabilang pintuan at sumabay siya kay Clayton lumakad.
"Kanina ka pa dito?"
"Ngayon lang halos nagkasabay lang tayo, are you ready, I miss the gang pag may ganap na ganito so fun and exciting" nakangiting nasabi ni Alex.
"Yeah before, but now they have their own family at eto tayong dalawa nanahimik pero may isa pang natitirang pahamak sa barkada akala ko si Aldrin lang ang mas baliw sa atin pero parang may mas malala pa sa kanya this idiot wala ng ginawang tama"
"Ganyan lang siguro ang spoiled sa barkada saka bunso pa" natawang sabi ni Alex.
"Dito pa talaga sa balwarte ng kalaban siya nagkalat I hope he still alive"
"I hope so na buhay pa siya let's go, baka di natin siya maabutan ng buhay"
Saktong pagpasok ng dalawa sa loob mismo, nadatnan nilang magulo ang loob mg bar. Wala ng mga costumer kundi mga tauhan lang ng may ari ng bar ang andito. Saka marami rin ang nakahandusay na mga tao sa gilid halatang katatapos lang ang riot sa loob.
Lumapit si Clayton at Louise malapit sa isang taong nakaupo sa silya sa gitna na lupaypay ito at puro sugat ang mukha.
Natawa si Alex ng makita niya na si Louise.
"What the hell! this bastard he still breathing, kahit sobrang lasing nagawa niya parin magpatumba"
"What a crazy idiot, at proud ka pa buti yan lang naabot niya, gumagalaw pa ang lokong to" inis na sabi ni Clayton.
"Mukhang wala na ata sila iniwan naman siyang ganyan saka yang mga napatumba niya na mga walang malay asan kaya sila?"
"Kami ba hinahanap niyo?" isa isang nagsilabasan ang mga tauhan ng nag mamay ari ng bar.
"Did you miss us, kamusta matagal din tayong di nagkita, long time no see mukhang si Louise lang ang nagawi dito at yun nga sinalubong namin siya ng magandang pag welcomed sa kanya pero nagawa niya parin patumbahin ang mga ibang tauhan ko dito mismo sa pag aari ko" sabay tumawa ito ng malakas.
"Uyyy Kangul wala ka parin pinagbago you still a traitor, dimo parin kayang lumaban ng patas look at him his drunk but he still manage to crumple your people mahina ka parin yan lang ba ang kaya mong patulan yung dina makabangon sa kalasingan" ngumising sabi ni Alex sa kanya.
"Kaleb ang pangalan ko hindi Kangul"
"Kangul your name suit to you, stop doing this we are not going to fight you gusto lang namin iuwi itong kaibigan namin!" sabad ni Clayton.
"Stop calling me Kangul! bakit parang iba na ata ang mga nasa harap ko ngayon mukhang umurong ata mga buntot niyo dahil ba wala yung pinagmamalaki niyong mga kasama niyo nakakatawa maganda to, para makabawi man lang ako sainyo kahit kayo lang diko parin makakalimutan ang ginawa niyo sa isa kong daliri ngayon ganyan din ang mangyayari saiyo ngayon"
"Baliw pala to eh, anong akala mo sa amin mahina kahit wala yung tatlo bakit dimo subukan, para malaman mo si Louise na nga lang na di makatayo muntik pa kayong pulbusin lahat kami pa kayang matino, nagpapatawa ka ata Kangul"
"Ginagalit niyo ako hindi Kangul, Kaleb ang pangalan ko" galit na sigaw nito
"Kangul we don't want to fight with you, we only here for Louise thats it" paliwanag ni Clayton.
"Alex get him" utos sa kanya ni Clayton.
Saktong lalapit si Alex mismo kay Louise pero hinarangan siya ng mga tauhan ni Kaleb.
"Kunin niyo kung kaya niyo" sabay tumawa ito.
Panay pa ang tunog ng telepono ni Clayton at sa hospital nanggagaling.
"Just give him to us Kangul, we are busy person" inis na sabi ni Clayton.
Tinanguan ni Clayton si Alex para kunin si Louise.
"Try it, hindi na ako kagaya ng dati, saka teritoryo ko to akala niyo ba makakalabas kayo ng matino dito"
"What the fvck, you keep talking para kang babaeng putak ng putak,Thats make me annoyed"
Mabilis na sinipa ni Alex ang kinauupuan ni Louise patungo sa gilid.
"s**t! ang bigat mong damuho ka" sabay din ng pagsipa niya sa mga taong nakapaligid kay Louise. Mabilis si Clayton kumilos para makuha si Louise agad niyang hinila ito sa kinauupuan niya at yumakap agad si Louise kay Clayton na sobrang lasing.
"Do--ctor andito ka pla" hinawakan pa niya ang mukha nito saka tinangka pa niyang halikan si Clayton.
"Fvck you Louise I will kill you stop it!" inis na sigaw nito.
"Doc, dude buti andito kana"
"s**t pahamak ka talaga"
Dahil sa kalasingan nito, kung saan saan na nakahawak si Louise at matumba tuba na silang dalawa hirap siyang makipag suntukan sa mga kalaban dahil nakayakap ito kay Clayton. Samantala si Alex na ang humarap sa mga kalaban nila.
"Sige patayin mga yan wag niyo silang palabasin ng buhay"
"This crazy Kangul" inis na sigaw ni Alex na mas lalong kinagalit ni Kaleb.
"Can you please stop moving Louise" patuloy parin siya sa pagpapakawala ng suntok at mga tadyak.
"Oh whats this!" nakapa ni Louise ang matigas sa tagiliran ni Clayton kaya agad nitong kinuha walang kamalay malay si Clayton.
"Ohhh--- ma--y kar--ga--da ka pa--la eh pina--pa--hira--pan-- mo pa sa--ri--li mo, lea--v-e it too--mee-!!" pautal utal nitong sabi. Sa inis niya kay Louise binitawan niya na lang siya at nakipag palitan na lang siya ng suntok sa nga kalaban nito ganun din si Alex.
Walang alinlangan na kinasa ni Louise ang baril saka pinagpuputok pasuray suray siyang pinagbabaril ang mga ang sino mang makita niya.
"What the hell! how can he get my gun" buti na lang nakailag ito sa bala na sanay tatama sa kanya.
"This bastard he will going to kill us" sabi Alex na lumapit kay Clayton.
"Woohhhh!!" sabay tumatawa na parang baliw si Louise habang pinagbabaril ang mga makita niya nagsitakbuhan pa nga silang lahat may mga nabaril siya pero parang alam niya ang ginagawa niya dahil puro hita at braso lang naman ang tinatamaan niya.
Nilabas din ni Alex ang kanyang baril.
"What are you doing parang gusto mo rin siyang barilin"
"Babarilin ko talaga ang baliw na to pag nabaril niya ako"
"Wow wa--la na luma--bas- kayo mga du--wag!!" pautal utal na sigaw ni Louise.
"Louise watch out!!" sigaw ni Alex agad na nahawakan ni Clayton ang baril sa kamay ni Louise at pinutok kay Kaleb nahulog ang hawak ni Kaleb na baril dahil yun ang natamaan.
"Wow ni-ce sho---tt dude" sabi nito.
Pinaputukan rin ni Alex ang gitna ng kanyang hita sa takot napaupo at naihi na itong si Kaleb.
"Such a crazy bastard takot ka pala"
"Nextime sa noo mo na yan tatama be careful Kangul pumunta kami dito ng maayos pero ikaw nauna, don't let me see you again or else papasabugin ko tong lugar mo kasama ka!" sabay kinuha niya ang baril saka tinago.
"Let's go" sabi ni Clayton.
"Halika na pahamak ka talaga eh" inis na hinila ni Alex si Louise paalis sa lugar na yun kahit matumba tumba na siya sa kalasingan.
"Te--ka--Ba--ba--ri--lin ko--yang tuk--mol-- na yan" sigaw ni Louise.
"Let's go idiot, this is your fault" nang makalabas na sila sa bar, agad na sumakay sa kotse si Alex at siya na ang nagdrive. Patulak na pinasakay ni Clayton si Louise sa loob ng kotse.
"Pasok, fvck this crazy bastard"
"Saan natin yan dalhin baka sa hospital mo na lang para mahimasmasan"
"No bring him at my place ako na bahala sa kanya babalatan ko siya ng buhay" inis na sabi ni Alex. Nakarating na silang tatlo sa condo pinasan siya ni Alex kaya hirap na hirap ito nakatulog na kasi siya.
"His so heavy s**t I want to throw him out in this building"
"I'm speechless to this crazy idiot"
Agad na binuksan ni Clayton ang pintuan nagtaka ito dahil di nakalock.
"Wait!"
"Anong nangyari Clayton, bilisan mo nga nangangawit na ako"
"Sigurado akong nakalock ito nung iniwan ko pero bakit di nakalock"
"Baka may nakapasok, oh si Jewel"
"No imposible pinalitan ko na ang password nito"
"Baka nakalimutan mo lang isara, pumasok na nga tayo" mabilis pinasok ni Alex si Louise sa loob at binagsak sa sofa. Pero si Clayton nagtataka ito sinara niya talaga ang bahay niya bago umalis kanina. Kinuha niya agad ang kanyang baril.
"Clayton what are you doing" saway sa kanya ni Alex.
"Shshsh wag kang maingay may nakapasok. Dahan dahan itong pumasok sa kanyang kwarto doon kasi ang may ilaw kaya dahan dahan siyang pumunta doon na hawak ang kanyang baril.
Di naman nakasarado ng buo ang kanyang kwarto. Wala naman siyang makita na tao sa kwarto nito.
"Ano mayroon ba" sabi ni Alex na sumusunod sa likod ni Clayton.
"Shshsh, someone inside the blanket"
Kaya parehas silang lumapit, mabilis na hinila ni Clayton ang kumot.
Sabay tinutok ang baril sa taong nakatalukbong dito.
"What the heck is that a kid!" gulat na sabi ni Alex.
"Tantan!!" agad na tinago ni Clayton hawak niyang baril.