"Nay kailan po ako lalabas dito inip na inip na po ako dito"
"Malapit na anak isang linggo na lang makakalabas kana, excited kana ba?"
"Ang layo pa nay okay naman na ako"
"Anak konting panahon na lang konting tiis na lang. Kailangan gumaling ka ng husto para makapasok kana sa school"
"Sige po Nay"
"Konting tiis pa ha, kaya mo yan ikaw pa malakas ka eh"
"Siyempre saan pa nga ba ako magmana kundi saiyo"
"Hala sige may pasok pa ako, ah andito pa pala lola mo gusto ka raw niya dalawin, siya muna makakasama mo ngayon anak sinabiban ko na ang nurse na ang lola mo muna ang magbabantay saiyo magpakabait ka sa kanya ah"
"Nay okay lang ako kahit di ako bantayan ni lola okay na po ako kay nurse Riza nay"
"Anak okay lang yun namiss ka lang ng lola mo, sige alis na ako anak pakiss nga si nanay, babalik ako mamaya pag labas ko ng trabaho"
"Sige po nay mag ingat po kayo"
Salamat sa diyos malaki na ang pinagbago ng kalusugan ng anak ko bumabalik na siya sa dati.
Malaki ang pasasalamat ko sa taong nagbigay ng pangalawang buhay ng sa aking anak.
"Sino kaya siya sana makilala ko man lang para makapagpasalamat, napakamisteryoso niya sana balang araw makikila din kita"
Maaga akong pumasok ngayon dahil marami kaming trabhong gagawin ni sir Alex. Ilang linggo na rin na diko nakausap at nakita si Doc Clayton pagkatapos ng tagpong yun pag naalala ko sobrang naiinis talaga ako.
"Arayy!!"
"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo parang lumilipad yang isip mo papunta kay Clayton" ng marinig ko ang pangalan niya napalingon agad ako sa taong nakabangga sa akin at nainis.
"Hindi ah, pinagsasabi mo diyan"
Natawa siya at yumuko papalapit sa akin.
"Di nga, kitang kita sa mukha mo you like him I am right ang cute mo mag deny"
"Hindi nga, sir Louise ang aga aga nang iinis kayo" inis akong humakbang papunta sa office ni sir Alex pero sinundan niya parin ako para asarin.
"Wala bang trabaho tong tao na to at andito ang aga-aga" sabi ko sa isip isip ko, para kasing siya lang ang walang trabaho sa kanilang magkakaibigan.
"Okay lang mag deny pero kitang kita naman sa face mo na may gusto ka sa kanya"
"Sir Louise!!"
"Wooh your scary than him, fine dont be angry I'm just kiding, siya nga pala dimo ba alam na ex girlfriend niya si doctor Jewel?" napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya inis ko siyang nilingon.
"Sir Louise kung wala na kayong sasabihin mauna na ako, saka wala akong pakialam kung ex niya yung matapobreng doctor na yun"
"Are you sure okay sabi mo eh, sasabihin ko kay Clayton na wala kang pakialam kaya pwede ko na siyang ipakilala sa model kong kilala patay na patay yun kay Clayton, siya nga pala ako andito yayain ko si Alex para samahan namin si Clayton sa blind date niya mamaya sige bye Danie mauna na ako saiyo"
"Wait mas matanda ako saiyo kaya ate Danie ang tawag mo sa akin kahit mayaman ka magbigay galang ka sa nakakatanda saiyo hmm, kainis saka wala akong pakialam kahit sino pa ang ka date niya, saka bakit mo sinasabi sa akin anong kinalaman ko"
"Wala lang gusto ko lang sabihin saiyo" saka siya naunang pumasok sa loob ng office ni sir Alex.
"Aba, iniinis talaga ako nitong taong to ah, teka bat ako maiinis wala pala akong pakialam" sumunod din akong pumasok.
"Goodmorning sir" bati ko kay sir Alex.
"Goodmorning Danie"
"Hi Good morning Danie nice to see you again"
"Loko, loko talaga ang taong to"
inis na sabi ko"
"Danie preapare the things we need, may meeting tayo sa labas"
"Sige po sir, sir Alex matanong nga kita?"
"Ano yun Danie?"
"Sir wala bang trabaho yang kaibigan niyo?"
"Ah si Louis ba tinutukoy mo"
"Oo sir siya nga ang aga aga nandito na kasi sa company"
"Wala, wala siyang trabaho isa siyang PT" natawang sabi ni sir Alex.
"What are you talking about at saka anong p.t na pinagsasabi mo"
"Kaya nga sir ano yung p.t?"
"Isa siyang palamuning tamad" natawa ako sa sinabi ni sir Alex.
"Are you serious I'm not like that I'm only in holiday I have work"
"What work, yung holiday mo one year ano ka senior citizen"
"I'm going to work with Clayton hospital"
"Anong trabaho mo dun panggulo, naku sabi ko saiyo pag nagtrabaho ka sa kanya, ayaw ko na lang magsalita good luck saiyo"
"Tingilan mo nga ako Alex, basta sasama ka mamaya sa blind date ni Clayton"
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa.
"Blind date, paki ko" pabulong na sabi ko.
"Danie, are you done? let's go"
"Yes sir tapos na"
"Wait Alex pumayag kana"
"Bigyan mo ako ng rason at bakit papayag ako malaki na yung tao hayaan mo na siya na makipag date kaya niya na yun wag ka ng istorbo"
"Kailangan kita alam mo naman baka gawin nanaman niya yung mga weird na gawain niya paano siya magkaka girl friend niyan gusto mo bang maging single siya forever kagaya mo"
"Alam mo Louise pansin ko masyado ka ng nakikialam sa mga buhay namin bakit di mo pakialam ang buhay mong ewan"
"Kaya nga sir masyado na siyang nakikialam sa buhay ng may buhay"
"Halika na Danie"
"Yes sir"
"Basta antayin kita mamaya"
"Whatever"
Inirapan ko pa siya bago kami lumabas ni sir Alex sa office.
"You want to join us later Danie" tanong ni sir Louise sa akin habang nakasunod siya sa likuran namin.
"No thanks" nginisian niya lang ako.
"Dont mind him Danie"
"Sige sir"
Umalis kami si Alex para sa meeting namin sa mga ibat ibang mga investors.
Hapon na ng matapos kami sa mga meeting pagod kami ni sir Alex.
"Let's eat for dinner Danie, di ako nabusog sa mga foods kanina"
"Sige sir ako rin kanina di nabusog gutom na nga ako"
"Okay lets go pili ka ng restaurant kung saan mo gusto"
"Kayo na lang bahala sir"
"Okay lets go gutom na ako"
Pumunta kami sa restaurant para kumain dipa nga kami natatapos kumain may tumawag na sa kanya at halatang inis na inis ito.
"What! I'm eating pwede ba wag kang istorbo"
Tinitignan ko siya habang kumakain ako.
"What the hell, where are you now" tumayo siya agad.
"Fine I'll be there, Danie let's go kakain tayo ulit mamaya"
"Ha, nanaman dipa ako busog"
"Mamaya na halika na emergency" hinila na lang ako at wala na akong nagawa.
"Ano ba yan ang hihilig manghila tong mga magkakaibigan na to"
Mabilis kaming sumakay sa kanyang kotse at mabilis siyang nag drive.
"Sir Alex dahan dahan naman sa pag da drive baka madisgrasiya tayo niyan"
"Don't worry akong bahala"
"Sir Alex wait lang!!!"
Mamaya pa nakarating na ata kami sa pupuntahan namin, nakapikit lang kasi ako habang yakap yakap ko ang inuupuan ko.
"Lets go Danie open your eyes now we're here bilis"
"Teka sir parang lalabas ang bituka ko"
"What come on"
"Ahhhhh!! sir Alex naman" Binuhat ba naman ako palabas ng loob ng kotse.
"Okay na ako baba mo na ako sir"
"It's fine, bubuhatin na lang kita namumutla kana eh"
"Okay lang sir"
"Don't move stay still"
Dina lang ako nagsalita at hinayaan ko na lang na buhat buhat ako nahihiya ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa loob ng bar, pero nahihilo talaga ako dahil sa mabilis na pagpatakbo niya kanina.
"Okay seat down here, wag kang gagalaw para di ka lalo mahilo, I will get you some drinks to make you feel better"
"Okay sir wag kang mag aalala"
"Your not okay just seat down and relax"
"What happened to her, bakit buhat buhat mo siya parang nasa movie na niligtas mo ang prinsesa sa kapahamakan"
"Tumigil ka nga diyan kasalanan mo to" kung di mo ako tinawagan di sana siya ganyan"
"Oh sorry diko alam"
"So what's your problem then, akala ko ba may di magandang nangyari kay Clayton nasaan siya"
"Sa totoo lang wala naman talaga nangyari sa kanya gusto ko lang na pumunta ka rito, okay siya masamang nakatingin nga siya sa atin mukhang kakatayin niya tayo"
"Damn you Louise! I want to kill you"
"Relax gusto ko lang naman na pumunta ka rito eh"
"Look what you done halos paliparin ko na ang kotse ko papunta dito akala ko may nangyari na, wala pala, tignan mo yang secretary ko gawan mo yan ng paraan para mawala yung hilo niya kung hindi wawasakin kitang hinayupak ka"
"Oo na sorry naman relax ka lang dude" nilapitan niya ako.
"Danie este Ate Danie sorry nadamay ka pa, don't worry I will bring you some drinks para maginhawaan ka"
"Sorry mukha mo! pahamak ka talaga"
"Sorry ate, do you need something tell me I get it for you"
"Umalis ka sa harapan ko" inis na sabi ko hilong hilo parin ako hanggang ngayon.
"Aalis daw ako sa harap niya sabi niya" narinig kong sabi niya kay sir Alex.
"Then gumawa ka ng paraan para gumaan ang pakiramdam niya" inis na sabi ni sir Alex sabay umupo siya sa tabi ko na nagaalala ang kanyang itsura.
"Okay fine just wait tatawagin ko lang yung isa dun kanina pa nakatingin sa akin" sabi ni sir Louise nahagilap ko din si doc Clayton andito pala siya na titig na titig sa akin habang may hawak ng inumin. Mamaya pa bumalik na si sir Louise na may dalang maiinom.
"Drinks this a warm water para gagaan pakiramdam mo"
"Salamat" agad na sabi ko.
"Are you feeling okay now?" tanong ni sir Alex sa akin.
"Medyo okay na sir"
"Try this, amuyin mo sigurado magiginhawaan ka"
"Ano yan?" tanong ko sa kanya.
"Para sa nahihilo"
"Eh inhaler yan eh, bakit may asthma ka ba?" inis na sabi ni sir Alex.
"Puro ka kalokohan Louise"
Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa taong to.
"Mas mabuti pa siguro uuwi na lang ako sir para makapagpahinga"
"Oh mas mabuti pa nga" sabi ni sir Alex.
"Ihatid na lang kita" agad na sabi ni sir Louise.
"Naku wag na kaya ko na sarili ko magtaxi na lang ako"
"Drink this para mawala ang hilo mo"
Familiar ang boses na yun kaya unti unti kong inangat ang aking ulo.
"Wag okay lang ako"
Di na siya umimik tinapon niya na lang ang gamot sa sofa na kinauupuan ko saka wala siyang imik na tumalikod at umalis.
"Hey dude saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Alex.
"I'm going back now, wala akong oras sa kalokahan ng baliw na yan" sabi nito kay sir Louise.
"Hoy inaalala lang kita concern ako saiyo tumatanda kana pero hanggang ngayon single ka parin"
"Manahimik kana nga diyan Louise, dude uuwi kana isabay mo na lang si Danie"
"Sir okay lang ako kaya kong umuwing mag isa" ng tignan ko siya wala na umalis na.
"Ihatid na lang kita Danie, halika na"
"Sir okay lang talaga ako"
"It's fine Danie tutal kasalanan ko naman to at bat naniwala ako sa baliw na yan"
"Ano bakit ako nanaman"
"Let's go Danie"
Inalalayan ako ni sir Alex tumayo dahil nahihilo parin ako.
"Oh wait are you Mr Davies you here, are you going back now?"
"Oh mr Tan, nice to see you here yes I need go back now"
"Oh is she your?"
"No she's my secretary"
"Oh I see, bakit uuwi na kayo let's drink it's my treat lets celebrate our collaboration for our company"
"Sorry mr Tan but I need to go"
"Sayang naman tutal andito na kayo lets enjoy"
"Sir okay lang dito na kayo ako na bahala sa sarili ko"
"Dude ako na maghahatid sa kanya pagbigyan mo na si mr Tan, halika na Danie hahatid kita"
"Naku okay lang ako kaya ko na sarili ko"
"Dimo kaya halika na wag ka ng umangal"
"Aray dahan dahan naman"
"Sorry ate sorry"
"Oh sige Danie sumama ka na kay Louise siya na maghahatid saiyo, get my key drive her safely"
"Of course ako na bahala sa kanya, lets go ate"
Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya dahil iba talaga pakiramdam ko parang gusto kong sumuka.
"Get in, in my back" biglang sabi niya sa akin.
"Ako!" sabi ko.
"Yes you may iba pa dito tayo lang naman ang andito I will carry you in my back para di ka masyadong mahilo ako ang nahihirapan sa paglakad mo eh"
"Kaya ko pa sarili ko"
"Ayyy napakatigas din ang ulo mo eh"
Napatili ako dahil sa pagpilit niyang pagkarga sa akin sa kanyang likuran.
"Sabing okay lang ako eh ang kulit mo"
"It's fine para di ka mahirapan"
True naman ang sabi niya nahihilo talaga ako ng husto. Papunta na kami sa parking lot papunta sa kotse ni sir Alex. Bigla na lang may mabilis na kotse ang bumalandra sa harapan namin.
"Aba lokong driver to ah, gusto ata niya tayong sagasahan teka nga!" inis na sabi ni Louise.
"Wag na hayaan mo na lang para walang gulo" sabi ko.
"No di pwede sa akin to anong problema niya baki----t tarantado talaga ang taong to" natawa siya bigla.
"Sir kilala mo siya"
"Oo malapit na kaibigan parang gusto na niya tayong patayin sa selos"
"Hah diko kayo maintidhan"
"Lets go para maihatid na kita"
Nagulat ako ng busina ng busina ang kotse na yun na dedma lang si sir Louise na kanina lang galit na galit sa driver ngayon tumatawa na lang siya.
"Don't mind him ate Danie nababaliw na yan wag kang mag aalala lalapit yan tignan mo" umandar ang kotse ulit at tumigil na mismo sa tapat namin.
Nagbukas ang pintuan ng kotse.
"Doctor Clayton?" gulat na sabi ko.
"Sabi ko saiyo eh, namamatay na selos yan kaya ganyan itsura niya"
"Anong problema mo dude akala ko ba umuwi kana bat andito ka pa, are expecting some one here"
"Bring here down" utos niya kay Louise.
"Why i need to do that, kailangan niyang mag pahinga ihahatid ko siya"
"Wag mo akong ibaba malalagot ka sa akin tara na"
pabulong na sabi ko sa kanya.
"I said bring her down!" ulit na sabi niya.
"Fine, mabilis lang naman akong kausap"
"Aray ano ba!" napasigaw ako ng bigla ba naman akong iabot patakikod kay doctor Clayton. Inis na tinignan ko si Louise.
"Ihahatid kana lang niya ate Danie, masama ang tingin niya sa akin, baka turukan niya ako ng pampatulog sige mauna na ako"
"Hoy Louise teka wag mo ako iwan dito bumalik ka rito"
"Pasensya kana ate siya na maghahatid saiyo bye"
"Kainis!"
"Bakit ayaw mo akong maghatid saiyo"
sabi niya, kanya pairap ko siyang tinignan saka ako tumayo pero muntik na akong matumba.
"Magmamatigas ka pa dimo na nga kaya ang sarili mo" dina ako nakaimik. Binuhat niya ako at pinasok sa kanyang kotse. Wala na akong angal dahil masama talaga ang pakiramdam ko.
Pinaandar niya ang kanyang kotse, pumikit na lang ako dahil umiikot talaga ang buong paligid ko.
"Hmmmppp!" unti unti kong minulat ang mga mata ko. Napainat pa ako sa mga braso ko, ang sarap ng gising ko at ang ganda ng pakiramdam ko.
"Goodmorning!" napalingon ako kaagad sa tabi ko.
"Hah nurse" gulat na sabi ko napatingin ako sa buong paligid ko, nasa hospital pala ako.
"Bakit ako nandito"
"Dinala kayo ni Doc Clayton dito kagabi na walang malay at nilapatan kayo ng lunas dahil mahinang mahina po kayo kagabi, hanggat sa nagsuka kayo ng nagsuka at tuluyan na kayong nakatulog at eto nga nagising na rin kayo"
"Hah dinala niya ako dito"
"Oo, sobrang nag alala si doc saiyo, alam mo ba na ngayon ko lang siya nakita ganyan sa mga babae, di siya mapakali kagabi, kaalis lang niya dito sa room mo mayat maya kasi sinisilip ka niya"
"Oh ganun ba asan pala siya?" pumunta siya sa ibang pasyente kamusta pala pakiramdam mo"
"Okay na ako, okay na okay na"
"Kung okay kana pwede kanang lumabas mamaya"
"She's not going out!" napalingon kaming parehas ng nurse sa may pintuan.
"Oh doc diba kalalabas mo lang"
"May nakalimutan lang ako"
"Ganun ba doc sige mauna na akong lumabas may pupuntahan pa akong mga pasyente sige doc"
Napatingin ako sa kanya, habang hawak hawak ko ang aking dibdib.
Ang lakas ng t***k ng puso ko, para nagwawala sa loob.
Lumapit siya sa akin para tignan ako.
"Are you feel better now?" Di ako agad nakasagot sa kanya.
"I guess your not okay, are you sure your okay bat ka pinagpapawisan"
"Hah ehh okay lang ako" hinawakan ko agad ang mukha ko pawis na pawis nga ang lapit kasi niya sa akin kahit hininga niya naamoy ko.
"Are you sure your okay, your blushing at saka ang lakas ng pintig nito" sabay nilapat niya ang ang kanyang kamay sa tapat ng aking dibdib. Napatingin ako sa kanya, diko magawang magsalita para akong nanigas sa kinauupuan ko, habang nakayuko siyang malapit sa akin. Seryoso siyang nakatitig sa akin, at diko na kayang tumingin sa mga mata niya para na akong natutunaw.
"Okay lang ako" sabay hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa dibdib ko para tanggalin, pero hinuli lang niya ang aking kamay.
"Are you nervous, your hand is cold"
Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa paghawak niya pero mahigpit niyang hinawakan.
"Bitawan mo ako" mahinang sabi ko sa kanya.
"Danie" mahinang bulong niya sa mga tainga ko, kaya biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko para akong nakuryente sa pagbulong niya sa akin.
Unti unti siyang humarap sa akin pero halos maglapat na ang mga labi namin.
"Can I kiss you?"
Nagulat ako sa sinabi niya, sa paggalaw ko ng aking mukha naglapat na ang aming mga labi.
"I will not kiss you, until you agree" mahina niyang sabi kahit nararamdaman ko na ang kanyang labi. Di ako makaimik parang gusto ko magsalita pero parang umurong ang aking dila.
"Please!"
"Si--" magsasalita palang sana ako ng biglang nagbukas ang pintuan kaya nagulat ako at lumayo ako sa kanya. Pero siya di parin umalis sa kanyang pwesto at ganun parin ang posisyon niya pero halatang galit na siya.
"Doctor Clayton!"
"Fvck you Jhony, I will kill you!"
"Doc may sinasabi ka? galit ka ba doc"
"Shut up get out!" galit na sigaw nito.
"Do---cc!! galit ka nga pasensya kana pinapatawag ka kasi ng mga board director sa akin"
"Diba sabi ko saiyo always knock the door, bakit ba pasulpot sulpot ka!"
"Pasensya na doc dina mauulit!"
"Damn!" inis siyang lumabas ng kwarto, pero bigla siyang bumalik.
"Danie we are not done yet" sabay umalis na siya.
"Anong problema nun bat galit na galit parang gusto niya na akong bugaan ng nagbabagang apoy para siyang dinosaur nakakatakot, Danie alam mo ba anong problema ni doc"
"Hah! diko alam, wala akong alam"
"Lagi na lang siya galit, saka bakit ganun pala itsura niya kaninang nadatnan ko"
"Ah yun ba, ine examine niya kasi ang mata ko"
"Oh ganun ba eh bakit kung magalit parang gusto na niya akong patayin diko talaga maintindihan si doc, siya nga pala okay na ba pakiramdam mo?"
"Oo okay na ako lalabas na nga ako ngayon"
"Ah ganun ba lalabas kana pala, sinabi na ba ni doc na lalabas kana ngayon"
"Oo sinabi niya"
"Oh sige ako mag asikaso ng paglabas mo"
"Sige salamat"
"Sige iwan na muna kita tatawagin ko si nurse Ana para may mag assist saiyo"
"Sige sige doc salamat" buti na lang lumabas na siya at nakahinga ako ng maluwag. Agad akong kumilos para mag ayos para makauwi na ako, baka kasi madatnan niya pa ako dito, nahihiya na tuloy akong makita siya.