bc

I'm Not An Ordinary Girl ( COMPLETED )

book_age16+
2.0K
FOLLOW
6.0K
READ
badgirl
powerful
witch/wizard
mystery
moon goddness
magical world
another world
superpower
like
intro-logo
Blurb

Ako at Siya ay Iisa, ngunit siya ay naiiba.

May alam siya, ngunit ako ay wala.

Mas pinili nila akong saktan at maniwala sa Propesiya,

At hindi inisip kung anong posible kung maramdaman.

Hindi sila naniniwala sa'kin, sapagkat mas pinili nilang burahin ang lahat sa'kin.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, tahimik habang nagbabasa ng libro. Wala naman kasi akong ginagawa rito sa loob ng bahay, kaya nagbabasa nalang ako pampalipas oras. Bigla naman akong napatigil sa pagbabasa at napatingin sa pintuan ng kwarto ng may biglang kumatok. "Sino 'yan?" "Princess?" narinig ko naman ang boses ni kuya galing sa labas ng kwarto ko. "Pasok po Kuya!" matapos kong sabihin 'yon ay bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto. "Bakit po Kuya?" tanong ko sa kanya, habang siya ay lumalakad papalapit sa akin. "Hmmm, I think, ang gwapong mukha ng Kuya mo ay hahanap-hanapin mo!" Bigla ko naman tinaas ang isa kung kilay dahil sa sinabi niya. Ano bang klaseng pagbuo ni na Mama sa kanya at ganitong hangin ang nasa loob ng ulo niya? "Do you have a problem?" Ngumisi naman siya sa sinabi ko kaya napa iling nalang ako bago tumayo para tignan kung may lagnat ba siya, pero wala naman hindi naman siya mainit. "Ang bata mo pa para problemahin ang gwapo kong mukha." Bigla niya naman kinuha ang kamay ko sa noo niya at binaba. "Ako bata? Ikaw gwapo? Do you have a brain problem Kuya?" Napangiwi naman siya sa sinabi ko. "Oo na, hindi kana bata pero wala talaga akong problema sa utak." Napatango naman ako sa sinabi niya. "Ano ba kasi ang pinunta mo rito?" "Wala naman, basta ang alam ko lang mamimiss mo talaga ang gwapo mong Kuya!" Bigla naman siyang humiga sa kama ko at tumingin sa kisame. "Kuya!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Lumabas kana! Diba may trabaho pa kayo? Kaya tumayo kana d'yan!" Sinipa-sipa ko naman siya para malaglag sa kama ko at makaalis nasa silid ko. "Oo na, ito na nga tatayu na!" Bigla nalang siyang umupo sa kama at humarap sa'kin. "Mag iingat ka Princess, I know you can do it!" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya at umalis na sa kwarto ko. Anong nangyayari sa kanya? "Bahala na!" Tumayo naman ako para mag pahangin muna sa labas. Nakarating naman ako sa Park, malapit lang ito sa bahay namin kaya ok lang na lakarin kahit mag isa. Wala naman kasi akong boyfriend para magkaroon ng kasabay sa paglalakad katulad ng ibang nandito. Para kasi sa 'kin mas maganda pa rin na single ka, in short walang problema sa 'yo pa lahat ng pera. "M-maawa kayo! H'wag n'yong kunin ang p-pera ko!" Napatigil naman ako sa paglalakad at tinignan kung nasaan nanggaling ang isang boses. Boses ng isang babae, matandang babae. Lumakad naman ako sa isang malaking puno, walang may pumupunta rito. Kaya alam kung dito ko narinig ang boses ng isang matandang babae. "Pakawalan niyo na ako!" Huminga naman ako ng malalim ng makita ko ang limang lalaki, habang pinag tutulungan ang isang matandang babae. Maaga pa para sa ganito. "Bakit naman namin gagawin 'yon?" Lumakad naman ako papalapit sa kanila. "M-maawa kayo, kailangan pa ako ng Apo ko! " nakita ko naman si Lola habang namimilipit sa sakit, dahil sa pag hawak sa kanya ng isang lalaki. "Bibitawan ka lang namin, pag nilabas mo ang pera mo at ibigay ng kusa sa'min!" Pero umiling lang ang matanda. "K-kailangan 'to ng Apo ko kaya hindi ko ibibigay sa inyo!" Bigla naman akong napa urong ng sikmuraan nila ang Matanda. "Hindi mo talaga ibibigay!" Hinawakan naman nila ang buhok ng Matanda. "Saan mo tinago ang Pera!" Hindi naman umimik ang Matanda, hanggang sa may isang kutsilyo ang pinalabas ng lalaking kaharap ng Matanda "Hinding-hindi ko sasabihin, kahit mamatay pa ako!" Nakita ko naman ang pag-galaw ng kamay ng lalaking may hawak ng kutsilyo. "Madali kaming kausap!" Bago niya pa masaksak ang Matanda ay kinuha kona kaagad ang cellphone ko sa bulsa at binato sa kamay niyang hawak-hawak ang kutsilyo. "May naligaw na isang dilag, Gusto mo bang sumama sa'min pupunta tayo sa langit?" Ngumiti naman ako sa sinabi niya. "Hindi tumatanggap si San Pedro ng Demonyo sa langit!" Nakita ko naman ang pag tataliman ng mga mata nila, habang nakatingin sa akin. "Aba, Ang bastos kausap nito!" Sabi ng isang lalaking may hawak sa isang braso ng matanda. "Alam ko, mana lang talaga ako sa mga Ninuno namin!" Nakita ko naman ang pag titimpi nila dahil sa sinabi ko. "Umalis kana!" Sigaw sa akin ng lalaking tinapunan ko ng cellphone sa kamay. "Paano kung tamad ako? May magagawa kayo?" "May magagawa talaga kami!" Bigla naman nilang binitiwan ang Matanda at lumapit sa'kin. "Mag papaligaya mona tayo!" Bigla naman akong napangiwi ng hawakan nila ako sa dalawang braso. Tumingin naman ako sa Paligid. Wala bang lalaking dadaan diyan? Tapos ililigtas ako? 'Yong tinatawag nilang Knight in Shining Armor? Kahit Panget man lang, wala talaga? Bigla naman namanhid ang sikmura ko ng suntukin ako ng lalaking kaharap ko. Masakit palang masikmurahan? Napa tingin naman ako sa Matanda na ngayon ay nasa tabi ng puno habang tinitignan ako.  Nakaramdam naman ako ng paghihilo ng mukha kona ang sinuntok nila. "Hoy! kayung mga Unggoy, akala niyo palalampasin ko to!" Sigaw ko sa kanila kahit na naliliyo na ang paningin ko. Ngumisi naman ako ng malasahan ang sarili kung dugo. "Sige mag laban kapa, tutal hindi ka naman makakawala sa amin!" Bigla naman akong may naramdamang kamay sa binti ko. "Ready kana ba?" Sabi niya sa akin habang patuloy sa pag taas ang kamay niya sa binti ko. "Always!" Naramdaman ko naman kung papaano umiba ang kulay ng isa kung Mata at kasabay noon ang pag hangin ng malakas. Binalanse ko naman ang katawan ko at tumalon, kasabay ng pagtalon ko ang Pag-sipa sa lalaking kaharap ko. Umikot ako sa ere hanggang sa nabitawan ako ng dalawa pang lalaki na dahilan ng kanilang pag luhod habang hawak-hawak ang mga braso nila. Bigla naman akong lumapag sa lupa pero napaluhod ako ng bigla akong nahilo. Pumikit naman ako hanggang sa Naramdaman ko naman ang pagtayo ng tatlo kaya napa mulat ako ng mga mata at tinignan ko sila, Napa kunot naman ang noo ko ng bigla nalang sila tumakbo kasama ang dalawang hindi man lang sila tinulungan kanina. "Ining, salamat talaga sa pag ligtas sa'kin!" bigla naman akong napatingin sa nag salita at nakita ko doon ang isang matandang babaing, papalapit sa akin. "Yuri po, Lola!" Tumayo naman ako at pinunasan ang dugo ko sa labi. "Isa kang mabuti kang bata, Kaya utang namin ng Apo ko ang buhay namin sayo, Yuri!" Bigla naman siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Kung wala ka paniguradong wala nadin ako!" Bulong niya sa akin. "Ano po ba ang nangyari sa Apo niyo?" Tanong ko sa kanya, kaya kumalas siya sa pagyayakap sa akin at tinignan ako sa mga mata ko. "Isang linggo ng may sakit ang Apo ko, pero 'diko man lang siya nadadala sa Hospital dahil kapos kami sa pera" "Ganun po ba!" Kinapa ko naman ang bulsa ko at kinuha ang Hospital Card namin. "Ito po tanggapin niyo kunting tulong at dalhin niyo na po ang apo niyo sa mismong Hospital, para gumaling na" Sabay abot ko ng Hospital card. "Isang tandag ang Hospital na ito at wala kaming pera pangbayad sa ganitong Hospital!" Umiling lang ako sa sinabi niya. "H'wag po kayong mag-alala ako ng bahala sa lahat na gagastuhin niyo!" Sabi ko sa kanya habang naka ngiti. "Maraming Salamat Yuri, hindi kita makakalimutan" "Sige po Lola mauna napo ako, mag iingat napo kayo hah!" Tumango naman siya sa sinabi ko, kaya umalis na ako sa lugar na iyon baka hanapin pa ako sa bahay. Gagamutin ko pa naman ang sugat na natamo ko, bago pa nila makita at mapagalitan ako ng subra. "May mabuti kang Puso, pero kinalulungkot kung sabihin na nasa muli nating Pagkikita sa hinaharap, ay may lungkot nasa puso mo!" Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Anu po 'yun?"Napalingon naman ako kung nasaan siya kanina pero wala akong may nakitang tao doon. Saan siya pumunta? Nandito lang siya kanina, Imposible namang tumakbo siya dahil alam kung masakit pa ang sikmura niya, dahil sa ginawa sa kanya kanina.  Wait? Hindi pwede! "Wahhhh multo!" Kumaripas naman ako ng takbo para lang makalayo sa lugar na'yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook