Madilim na Umaga
Isang napaka busy na araw para kay Jennie ang araw na ito. Nagtatrabaho kasi siya sa isang malaking kompanya ng Real Estate. Isa siyang team leader sa kanilang grupo. Isang tahimik, simple ngunit marunong makisama sa mga katrabaho si Jennie. Lahat halos ng mga katrabaho niya ay kaibigan niya. Simula sa gwardiya, mga maintenance at mga staff sa kanyang pinagtatrabauhan na kompanya ay kaibigan niya. Busy si Jennie sa trabaho nya ngayong araw na ito, ngunit naisisingit pa din nya ang magbukas ng kanyang account sa isang social media platform. Scroll siya ng scroll hanggang may mabasa siya na post ng isang kaibigan na hindi naman ganun ka close sa kanya. Nakaramdam si Jennie ng awa sa lalaking ito. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman niya bakit may awa at may kaba sa dibdib nya. Likas na maawain kasi si Jennie. Naawa siya sa kaibigan niya na nagpost ng status ng mabasa niya ito. Noong una gusto na lang nya na wag pansinin ang nabasa, pero hindi maipaliwanag ni Jennie kung bakit malakas ang kabog ng dibdib niya. "Bakit may tugs tugs? " Napaisip siya at nagtataka sa naramdaman nya.
Oo nga hindi naman sila gaanong close ng kaibigan niyang yun o kakilala. Bakit naman siya magpapaapekto sa kanyang nabasa?
Ilang oras ang lumipas ng mabasa niya yun at ipinagpatuloy ni Jennie ang kanyang gawain sa kanyang trabaho. Naghanap ng mga prospect buyers sa isang platform, nag update sa mga kliyente ,nagsulat , tumawag at nag assist ng kliyente. Ngunit sa kanyang pag upo at paghawak ulit ng kanyang cellphone, dumaan ulit sa newsfeed niya ang post ng kaibigan niyang yun. Yun na yung oras na hindi na napigilan pa ni Jennie ang hindi mag message dito privately. Nabasa kasi ni Jennie na gusto na daw mawala ng lalaki na yun. Gusto na niyang mawalan ng buhay. Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Mikhael. Isang moreno, chinito at matangkad na lalaki. Hindi sila ganun ka close ni Mikhael pero minsan may pagkakataon na nagkakasama sila at nagkakausap dahil sa ibang mga kaibigan. Naisip ni Jennie na imessage ito. Ang aga pa kanina, ngunit ang bumungad na sa kanya ay isang malungkot na post sa social media. Nasabi tuloy nya sa kanyang sarili , " Umaga pa lang pero ang dilim na"
Noong una nagpigil pa siya na huwag na lang isipin at huwag na makisali pa sa problema ng lalaki, pero ng mabasa niya ulit, hindi na ito nagdalawang isip pa. Baka nga siguro kailangan na niyang imessage ito at baka makatulong sa kaibigan na sa palagay niya ay may malaking problema.
" Musta po? Kung kailangan niyo po ng kausap, andito lang po ako, huwag po kayo mag iisip ng hindi maganda sa sarili niyo po. Madami pa ang nagmamahal sayo, kung ano man ang problema mo. Chat mo lang ako" yan ang laman ng mensahe ni Jennie kay Mhikel. Ilang sandali ang lumipas at nabasa na ito ni Mhikel. Sumagot naman ito ng , "Salamat ate, hindi ko na kasi kaya" , Ate ang tawag nila kay Jennie dahil mas matanda ito ng ilang taon sa kanya. Si Mhikel ay isang maintenance sa pinagtatrabauhan ni Jennie. Madalas niya iyong makita , at minsan nakakasama niya dahil sa ibang mga kaibigan. Ngunit hindi sila ganun kalapit sa isa't isa.
"Sensya kana hindi ko kasi natiis yung post mo, nag alala ako sayo" reply ni Jennie kay Mhikel.
"Pasensya kana teh nag alala ka pa" reply naman ni Mhikel.
"Kung kailangan mo ng kausap, andito lang naman ako, basta chat ka lang" reply naman ni Jennie.
" Salamat ulit ate" sabi naman ni Mhikel.
Yung mga oras na yun, hindi pa malinaw kay Jennie ano ba talaga problema ni Mhikel, bakit gusto na niyang mawala. Pero ayaw kasi ni Jennie na mag usisa pa ng husto, baka kasi hindi pa ready si Mhikel na magkwento. Naisip nito na siguro sa ibang pagkakataon, maitatanong niya din kung bakit?
Atleast kahit papano siguro naman gumaan gaan na ang pakiramdam nito.
Pag uwi ni Jennie sa bahay, nagluto, kumain at nagpahinga na ito. Hawak na naman niya ang kanyang cellphone na malimit na ginagawa niya kapag nakahiga na ito. Scroll na naman ng scroll. Hanggang naisip niya si Mhikel. Kumusta kaya siya? Ngunit naisip din niya na baka okay na siya tutal, nandun siya at umuwi sa kanilang probinsiya dahil naka off ito sa kanyang trabaho. Baka ano pa isipin ni Mhikel kung magchachat na naman ito. Yun nga lang, nagtatanong si Jennie sa kanyang sarili, bakit naman kaya ganun na lang ang pag aalala nito sa lalaking yun, gayung hindi naman sila ganun kaclose? Masyadong nahihiwagaan si Jennie sa kanyang sarili. "Naaawa lang siguro ako" na tila kinukumbinsi pa nito ang kanyang sarili.
"Alas diyes na pala ng gabi, bakit hindi pako makatulog, eh ang aga ko nagising" tanong nito sa kanyang sarili ngunit sa isip lang niya. "Imposible namang may epekto na sakin yung kape hahaha" Naisip nito habang nagpapahid ng liniment oil sa kanyang ulo. Nakasanayan na kasi niya ang magpahid ng liniment oil, narerelax kasi siya at nakakatulog pagkatapos . Kahit tinutukso pa siya na parang matanda na at panay pahid na at kaskas ng liniment oil ,yun lang kasi makakatulong sa kanya para makatulog. Bago tuluyang makatulog, nagdasal ito at pinasalamatan ang maykapal at lumipas na naman ang buong araw ng maayos at lubos niya itong pinagpapasalamat. Naisama din niya sa panalangin niya yung mga tao na may problema at dumadaan sa pagsubok, lalo na si Mhikel na kahit hindi pa niya alam ang problema nito, palaisipan kasi sa kanya kung bakit gusto nito ang mawala na sa mundo. Yung iba nga nag iistruggle sa buhay at pilit lumalaban lalo na yung may mga sakit. Nalungkot din siya dahil naisip niya din ang dating naging sitwasyon niya sa buhay. Yung mga panahon na nahihirapan siya dahil sa naging problema nito sa kanyang kalusugan. " Bakit kaya naiisip nila ang mawala, samantalang ako, natakot ako na mawala" ? Yun ang naisip niya sa mga oras na yun. Hindi kasi makwento si Jennie, pili lang mga pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Pero kung may isa o dalawa man siyang pinagkakatiwalaan, maswerte sila dahil sobrang mapagbigay at mabait ni Jennie bilang kaibigan. Mas inuuna nito ang iba lalo pag mahal niya at importante sa kanya. Ulila na kasi siya sa ina. Nag asawa naman ng iba ang kanyang ama.Malungkot din ang naging buhay niya dahil hindi niya nakasama ng matagal ang kanyang ina.Bata pa lang kasi si Jennie nung nagtrabaho sa ibang bansa ang kanyang ina. Matinding pagsubok talaga sa buhay ang naranasan nito. Kaya siguro masasabi niya sa kanyang sarili na siya ay isang "strong woman". Araw araw din siya noon na umiiyak. Araw araw nagdadasal at nagtatanong, bakit yun nangyari sa kanila? bakit sa dami ng masasamang tao, bakit nanay pa niya ang kinuha? Kung kelan gusto na ng nanay nya na umuwi ng Pilipinas para makasama sila ng kanyang nag iisang kapatid? maraming mga bakit sa kanyang isip, maraming mga tanong na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang mga sagot. Pinilit niya maisurvive lahat, kaya apektado siguro siya kapag may mga nababasa siya na may mabigat na problema, lalo na yung mga taong gusto ng mawala sa mundo o yung mga tao na naulila ng kanilang mga mahal sa buhay. Kaya ganun na lamang siguro siya kaapektado, dahil maraming beses na din siyang sinubukan . Maraming pagsubok na din ang sa kanya ay dumaan.
Napatingin ulit siya sa oras sa kanyang cellphone. "Hala ! 11:30 na po ng gabi, self matulog kana, dry na yung balat mo oh, tapos ang laki pa ng eyebags mo" "Bukas panibagong pakikibaka na naman, bukas bagong umaga na naman ,bagong pag asa , sana hindi na madilim ang umaga, ang dilim kasi kanina , nakakalungkot kaya" Yun yung mga naiisip ni Jennie nung gabing yun. Libangan kasi niya mag isip pag mag isa lalo pag gabi. Masyado pang busy ang kanyang utak. Aktibo yata ng husto lalo pag mag isa siya at kapag gabi na. Ayaw na niya ang mag overthinking, ngunit hindi niya naiiwasan kapag siya ay mag isa at tahimik ang gabi.
Habang hindi pa siya dinadalaw ng antok , nag patugtog muna ito sa spotify. Makikinig muna siya ng mga old love songs habang nag iiscroll sa isang social media app. Yun na yung oras na narealize niya na may iba pa lang gamit na account si Mhikel? friend pala niya ito sa dalawang magkaibang account? Pumunta siya sa original account nito, ito yung unang account kung saan madami silang mutual friends ni Mhikel. Nagbasa siya ng mga post nito. Walang nakalagay o nakapost na malulungkot doon. Hanggang makita niya ang mga larawan nito. " Hmmm, ang gwapo pala niya, gwapo ba siya o talagang masyado lang ako attractive sa mga chinito?" Nakangiting tanong nito sa sarili. Bakit ba ko masyadong nahihiwagaan sayo? Hindi na ito tama, sambit nito sa sarili ngunit hindi pa din matanggal ang ngiti nito sa kanyang mga labi. Parang ang sarap lang sa pakiramdam, nakakangiti siya kahit mahapdi na ang kanyang mga mata at marahil pagod na ang mga ito , ngunit hindi ang kanyang isip na kahit gabi na ay busy pa din.
Ala una na ng madaling araw ng maalimpungatan si Jennie. Biglang bagsak kasi ng kamay niya. Hawak hawak pa pala niya ang kanyang cellphone. Madalas itong mangyari sa kanya. Nakakatulugan na kasi niya ang magbasa at makinig ng mga paborito niyang old love song. Sa kanyang edad na 30, hopeless romantic pa din siya. Iniimagine pa din niya si Romeo. Naghahangad pa din na isang araw maranasan niya ang umibig ng totoo at lubos. At maiparamdam sa taong mahal niya kung paano magmahal si Jennie. Yun ay wagas at totoo. Kung magmahal kasi siya lubos, kahit sa pamilya niya at sa mga kaibigan nito. Hindi kasi siya madamot, hindi lang sa materyal na bagay. Pati sa oras ,sa pang unawa at pagmamahal, lubos lubos ito magbigay. Siguro hindi lang talaga siya sinwerte sa pag ibig na pinapangarap niya.
" Hay naku, Jennie, matutulog ka na nga lang, nag deday dream kapa? " naisip nito, " Ah siya, sige na nga matutulog nako" Good night self, nakangiting inoff ang wifi sa kanyang cellphone.
"Aaagh.. hala alas siyete na pala " sambit ni Jennie sa sarili, late na siya nagising. "May pasok pako, lilipad na naman ako neto" naisip nya. Dali dali siyang nagkape kahit late na, dahil coffee is life sa ating bida. Kahit hindi na siya kumain basta makapag kape lang siya buo na araw niya. Hindi nga mabilang kung ilang beses siya magkape sa isang araw. Siguro isa din yan sa dahilan kung bakit late na siya nakakatulog, pero nakakapagtaka lang kasi hindi din siya makatulog kung hindi siya nagkakape ng gabi. Ganun na ba talaga siya kaadik sa kape? Minsan pinagtatawanan na lang siya ng kanyang mga katrabaho kasi pag dating palang niya sa office magtitimpla na siya ng kape, isang oras lang ang pagitan ,magkakape na naman siya. Oh diba kasosyo na yata siya ng may ari ng pagawaan ng kape at ng azucarera he! he. Sabi nga ng iba " Food is life" pero "Coffee is life" pagdating kay Jennie. Kahit walang kain kain yan basta may kape, buhay ang dugo nya.
"Wow ang galing naman, hindi pako late kuya , muntik lang no? " sambit niya sa guard sa building, nakangiti namang sumagot ang gwardya, "Opo mam, konti na lang po" sagot ng gwardya. " Nasa akin pa pala kasi yung bato kuya, hindi ko pa nasosoli " patawang sagot ni Jennie sa gwardya. "Nakapag Darna pako, huwag ka maingay kuya ha? " pabirong tugon nito sa kausap. At nagtawanan sila. Ganun kasi siya sa mga katrabaho, kahit malungkot siya madalas, nagagawa pa din talaga niya magbiro. Ayaw na ayaw din kasi niya yung pakiramdam na parang naiilang sa kanya yung mga katrabaho niya, gusto niya iparamdam sa mga ito na madali lang siya mapakisamahan at mapatawa. Sa ganung paraan, nakakatulong din sa kanya yun para hindi siya makaramdam ng lungkot. Sa sitwasyon kasi niya, totoo sa kanya yung mga kasabihan ng mga komedyante, na ang mga komedyante daw sa totoong buhay ay malungkot. Nagpapatawa sila at nagbibigay ng kasiyahan pero sa totoong buhay, napakalungkot ng kanilang buhay.
Habang siya ay nagkakape, naisip na naman niya si Mhikel. Kumusta na kaya yung tao na yun? Sana nasa mabuti siyang kalagayan. Sana okay lang siya. Naisip niya na ichat sana o tawagan ngunit ayaw nito ang makaabala o kaya naman baka hindi lang sagutin ang kanyang tawag at baka malungkot lang ito kapag nangyari yun. Lumipas ang ilang oras, uwian na naman. "Parang ayoko pa umuwi" naisip nya. Tawagan ko kaya si Gina? " Si Gina ay matalik na kaibigan ni Jennie.Sa iisang kompanya sila nagtatrabaho, magkaiba lang ng department. Si Gina na simula dalaga pa lang hanggang makapag asawa ay kaibigan na ni Jennie. Siya ang nagturo nagpakilala kay Jennie kay Gin , yung iniinom at nakakalasing na alak. Minsan kapag nagkakaayaan napapainom din ng alak si Jennie, ngunit konti lamang at bonding lang talaga ang gusto nila. Nagiging dahilan lang ang alak sa kanilang mahabang kwentuhan . Madalas naman ay puro pagkain ang kanilang inaatupag. Mahilig kasi sila pareho sa pagkain. Kaya pareho silang sexy. Bibilugin ang hugis ng katawan ni Jennie, ngunit hindi mo naman masasabi na mataba siya dahil may hubog pa din ang kanyang katawan lalo na pag nakasuot siya ng fitted na jeans at blouse. Ma-aattract pa din naman sa kanya ang mga lalaki. Si Gina naman, simula mag asawa, napasarap na yata lagi kain niya. Ngunit sabi nga ng kanyang asawa, kahit tumaba ka pa, mahal pa din kita. Ang sarap naman pakinggan ng mga ganun na salita lalo na galing sa mahal mo. Yun ang pinapangarap ni Jennie, ang magkaroon ng tunay at wagas na pag ibig. Ayaw na niya ang laging nag sasabi ng sana all. Ayaw man niyang aminin ngunit yun pa din ang gusto ng puso niya. Ang magkaroon ng tunay at wagas na pag ibig.
Hindi pa niya nadadial ang numero ni Gina sa kanyang cellphone ng tumunog ito. Si Gina tumatawag. Dali daling sinagot yun ni Jennie. " Hello, Problema mo?" wika ni Jennie kay Gina, sabay tawanan silang dalawa. "Punta ka samin" ang sagot ni Gina. "Bakit ano meron? " wika naman ni Jennie. "Bahala ka, ayaw mo, eh di wag?" ang pabirong sagot naman ni Gina. Agad namang sumagot si Jennie ng, "Basta may isaw ha? " Sabay tawa ng dalaga. Makalipas ang tatlumpong minuto, nagkita na ang dalawang magkaibigan. Nandoon din ang asawa ni Gina at iba pang mga kaibigan nila. Nagbibiruan na siguradong may magpapakain na naman ng pato sa kanila. Biro lang nila yun sa isa't isa, may pagkakataon kasi na nasosobrahan sila sa inom ng alak ,kaso hindi sila mga sanay kaya madali sila mahilo at magsuka. Hindi naman sila nagpapasobra, siguro gawa din ng mas marami pa yung kain kesa alak. Hindi din kasi umiinom ng alak si Jennie ng walang juice. Hindi niya mainom ito at parang napakapait sa kanyang panlasa. Alam naman niya na hindi maganda ang alak sa katawan ng tao kapag nasosobrahan, sadya lang sigurong madali siyang tamaan dahil hindi siya sanay. Sabi nga nila, maganda din sa katawan natin ang paminsan minsang pag inom ng alak. Kailangan din natin ng alcohol sa katawan, ngunit in moderation lang. Sa kanilang mag kakaibigan naman, bonding time nila ang ganun na eksena. Nakakapagkwentuhan kasi sila, nagtatawanan at nakakapagluto din ng mga pagkain na gusto nilang kainin. Madalas na request nila ay isaw ng manok, adobong paa ng manok na sweet and spicy at syempre ang all time favorite nila ang sisig .
Habang busy at nagkukwentuhan ang lahat. Maya maya ay may dumating. Sumilip sa pintuan at may dalang alak. Nakangiti ito na nakatingin sa amin at pasulyap ko ding tiningnan. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sakin. Bakit ganun? parang nanlalamig ako. Para akong kandila na mauupos na kahit kakasindi pa lang? Pasok ka Mhikel, sabi sa kanya ng isang kaibigan. Sabi naman niya, "Sige sa susunod na lang, dumaan lang ako at napag utusan lang. Naglaba kasi ako ng mga damit ko. Kaso sabi ng kasama ko sa bahay, bili daw ako ng pampatulog. Eto bumili ako ng maliit. Para sakto lang na makatulog. Pagod na naman kasi kanina at dami naming ginawa" sagot nito . Hindi naman nakakibo si Jennie at parang napanganga pa ito. Hindi kasi niya inaasahan na may biglang darating at si Mhikel pa yun. Bakit ganun? bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? bakit ako kinakabahan? tanong nito sa sarili ngunit sa isip lamang. Maya maya ay binigyan siya ng kaunting alak sa maliit na baso , pagkatapos ay umalis na ito. Ngunit tila naiwan si Jennie na tulala at nakangiti. Iba talaga ang dala nitong saya sa kanyang labi. Na nakita naman ni Gina at tiningnan din siya na nakangiti. Mabuti at hindi ito nanukso. Ilang oras ang lumipas, naubos na ang pagkain, parang hindi naman talaga iyon inuman, kundi foodtrip lamang. Nauna kasi naubos yung mga hinanda na pulutan kesa alak. Ganyan talaga silang magkakaibigan. Sabi nga nila mga kung fu fighter sila, kung fumulutan wagas. Mahilig sila sa pagkain. Hindi naman kasi halata.
Alas otso ng gabi hinatid na si Jennie sa sakayan ng tricycle. Medyo malayo pa kasi yung bahay nila . Pero dahil gabi na at wala namang gaanong traffic kapag ganung oras , 20 minutes lang ang biyahe pauwi sa kanila. Dali dali siyang naligo ng half bath. Baka kasi maamoy siya ng kanyang tyahin at tiyak masesermonan na naman siya. Sa kanyang edad, napagsasabihan pa siya ng kanyang tyahin. Matandang dalaga kasi ang kanyang tita. Marahil ayaw lang nito na mapahamak ang kanyang pamangkin. Ngunit sa edad ni Jennie, alam na nito ang tama at mali sa kanya. Marahil ay yun lang naman ang way nila para makapag relax paminsan minsan sa maghapon na pagod sa kani-kanilang trabaho. Bonding time nilang magkakaibigan.