Vincenzo led me to his jet ski at inalalayan niya ako na sumakay. Pumwesto ako sa kanyang likod habang yakap ko ang aking beach bag, holding my hat on my other arm at sinuot ko ulit ang aking shades. Pinakapit niya ako sa kanyang bewang, nawala na ang hiya ko at napalitan ito ng kaba. I mean this is not the first time na sumakay ako ng jetski, I have a house near a beach at may sarili akong ganito. Kinakabahan ako dahil pumayag ako na samahan siya sa kanyang yacht and I don’t know kung anong mangyayari sa’kin doon.
Ang rupok ko diba? Kakakilala pa lang namin and here I am, my arms on his waist at nag-eenjoy habang gumagalaw ang jetski patungo sa kanyang yacht. I feel a lot safer with him though, than going back to the hotel. Baka sugurin pa ako ng mga babaeng matalim ang tingin sa akin kanina habang nag-uusap kami. Grabe! Ang tigas ng ABS niya, masarap himasin. Hindi nawala ang aking ngiti habang nakayakap ako sa kanya.
Isang lalake ang tumulong sa amin na makaakyat sa yacht, wala itong sinabi sa akin. Agad din itong umalis sakay ng jetski at naiwan na lang kaming dalawa. Napakagat labi ako at pinakalma ko ang aking sarili dahil kung anu-anong lewd thoughts ang pinapasok ng slutty inner goddess ko sa aking isipan. There was a mini pool sa deck at umupo kami sa reclining chairs na naroon.
“Do you want me to put sunblock on your front?” Nakakatukso niyang tanong sa akin at namilog naman ang aking mga mata.
“Thank you, but I can manage,” agad kong sagot sa kanya at ngumisi lang siya. Sumisigaw naman sa isip ko ang aking inner goddess na ‘OO’, pero hindi ko siya pinakinggan. Baliw na toh! I just run away from my wedding, iniwan ko ang cheater kong ex-fiance and this is what I am doing. Eh single ka na din naman! Sigaw ng isipan ko na gusto ko na talagang sampalin.
Habang naglalagay ako ng lotion sa buo kong katawan, lumitaw siya mula sa lower deck at may dala na siyang mga inumin. Binigay niya sa akin ang malaking baso ng lemonade na may mint at tubig lang naman sa kanya. Nagpasalamat ako at masaya ko ito na ininom.
“Did you travel here all alone? No boyfriend?” Tanong niya habang nakahiga na siya sa katabi kong reclining chair. His body is glistening at para lang siyang nagsho-shoot ng isang commercial sa itsura niya.
“No boyfriend, I want to have time for myself. My life in Cali has been just too stressful for the past few days.”
“Hmm? Are you not scared travelling alone?” Humiga na rin ako at tinakpan ko ang aking hita gamit ang aking sarong.
“I’ve been independent since I got out of college. I own a successful cosmetic company and I have traveled to a lot of places. I can be on my own,” sagot ko with so much confidence.
“An independent woman… That’s kind of rare.” Nagtataka akong lumingon sa kanya but his eyes are close. And I think he's enjoying the good weather. “Women this days just stick to a man with a lot of money just to get what she wants.” Bahagya naman akong natawa at naisip na tama ang kanyang sinabi.
“I guess I am one of those rare independent woman…” Bingyan niya lang ako ng tipid na ngiti. “Ikaw? Did you have women at your side just because your rich?”
“A lot…” Tipid niyang sagot at napataas ako ng aking kilay.
“Wait, inisip mo rin ba na ganon akong babae kaya niyaya mo ako dito sa yacht?” Inis kong sabi sa kanya. Mabilis siyang bumangon at agad siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha at matiim niya akong tinitigan.
“Carina, I never thought of that about you. I invited you here to have a normal conversation and not just flirt around. And those kinds of women are not my type.” Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata.
“What is your type then?” Curious kong tanong. Ngumisi lang siya at hindi sinagot ang aking tanong.
“Wanna go for a swim?” Hindi na niya ako hinintay na makasagot at hinila ako para ako ay tumayo. Tinanggal niya ang suot ko na hat at shades at hinila ako ulit papunta sa likod ng yate kung saan may flat surface doon na pwede kang sumampa pag magswi-swimming ka sa dagat.
“Wala ba tayong kasama rito?” Tanong ko sa kanya na’ng nasa dulo na kami. Basa na ang aming mga paa dahil sa tubig dagat na nagwe-wave doon. Hindi siya sumagot at bigla niya na lang akong binuhat. Napatili ako ng tumalon siya sa tubig. Napamura ako nang umahon ako sa tubig at narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa. Hinanap ko siya, nakita kong lumalangoy na siya palayo sa’kin. Hinabol ko siya at napatili ulit ako nang sabuyan niya ako ng tubig.
Para kaming mga bata na naglaro sa tubig, we tease each other, we laughed, nagkwentuhan at minsan may flirting na nagaganap. Hindi din namin maiwasan na magkalapit ang aming katawan. Minsan kumakapit ako sa kanyang braso, hinahapit niya naman ako sa bewang. Magkahawak kamay kaming lumalangoy na lalong nagpapatindi sa aking kilig. Hindi namin namalayan ang oras at tanghali na pala. Umahon kami at bumalik sa upper deck. Kinuha ko ang aking towel para patuyuin ang aking katawan tapos ay tinali ko ang aking sarong na parang ginawa ko na dress.
Dumating na naman yong lalake kanina pero sa isang speed boat na siya nakasakay. May inabot siya kay Vincenzo na mga plastic bags na naglalaman pala ng mga pagkain. Ang sabi niya sa akin, galing daw ito sa hotel.
“I thought you were going to cook for me?” Tukso kong sabi sa kanya.
“Next time, carina, and if you stay with me longer, I can always cook for you.” pabulong niyang sabi malapit sa tenga ko at hinipan pa ito. Nanginig naman ako sa kanyang ginawa at dumistansya sa kanya. May pilyong ngiti siya sa kanyang mukha at hinanda na niya ang mga pagkain namin. Grabe siya! Ang lakas ng epekto niya sa’kin and I’ve never felt this way before with my ex. Merong kilig noon lalo na ng nagsisimula pa lang kaming mag-date. Pero hindi ganito katindi katulad ng kay Vincenzo. Just his stare, deep voice and smile makes me full of desire. Am I really this attracted to this man?
Kumuha ako ng cutlery sa cabinet at nilagay ito sa mesa. Magkaharap kaming kumain ng lunch pero ngayon tahimik lang kami na dalawa hindi kagaya sa tubig kanina na para kaming couple na masayang-masaya. Natigilan ako nang hawakan niya ang aking kamay at pinisil ito. Napatingin ako sa kanya habang patuloy lang siyang kumakain. Lihim akong napangiti at in-enjoy ko din ang masarap na food.
Nang matapos kaming kumain, tumambay ulit kami sa labas. Umupo kami sa edge ng maliit na pool at nilagay ang aming mga paa sa tubig. Nagkwentuhan kami ulit at hindi ko na natiis at sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit nandito ako ngayon. I don’t know, I just felt that he needs to know. Kailangan ko lang ng may masasabihan para mabawasan ang sakit sa nangyari sa akin. Feeling ko nga ang duwag ko dahil tinakbuhan ko sila. I just don’t like to embarrass myself, and for the media to take advantage. Pag nando’n ako, sigurado na hindi nila ako titigilan, and my parents will be so troublesome especially my mother. I’ve lose my confidence just because the man that I thought who would be my forever would cheat on me because we haven’t had s*x! Ang tanga ko lang talaga at nabulag ako sa sweet words at gestures niya. Oh well, magsama na sila ng malandi kong bestfriend, isaksak niya sa baga niya!
Napabalikwas ako ng bangon nang makitang nakahiga na ako sa kama. Nakasuot na rin ako ng malaking tshirt na kaamoy niya at boxers shorts. Napakagat ako ng aking labi at tumingin sa buong kwarto. Nasa cabin ako ng yacht at mukhang natulugan ko ang date namin ni Vincenzo. Date talaga Lexine?!
Bumaba ako sa kama at pumasok sa bathroom na naroon. After doing my business there, lumabas ako ng cabin. Pumanhik ako sa upper deck at nakita ko siya na nasa railings at umiinom ng beer. He is wearing a white button down polo shirt na nakabukas halfway kaya kitang-kita ang kanyang chest at black sweatpants. It was dark out already at mukhang napatagal ang pagtulog ko. We were supposed to hang out pero tinulugan ko pa siya.
“Hey,” sabi ko at lumapit sa kanya. Humarap naman siya sa akin at bahagya siyang ngumiti sa akin. “I’m sorry at natulugan kita.”
“It’s okay Xin, you need it. You’ve been through a lot so I understand. To tell you the truth, I had time to calm myself. I would have flown to Cali to beat up your ex for what he’d done to you.” Napansin ko ang paghihigpit ng hawak niya sa kanyang beer.
“You don’t have to V, I broke his balls so I feel a little better.” Saglit siyang natigilan sa sinabi ko tapos ay malakas siyang tumawa.
“That’s my girl…” Sabay hawak niya sa aking kamay at binigyan ito ng isang halik.
“I guess I need to go now. Hindi mo naman kasi ako ginising para makapag-bonding pa tayo. I feel much better now after kong sabihin sayo lahat ang troubles ko. I am glad you listened to a broken hearted woman.”
“I will always listen to you angel… I want you to stay though…” Napailing ako at pinisil ang kanyang kamay.
“I… I can’t stay V, I don’t want to do something that I might regret. I just ran away from my own wedding. And I don’t think-” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang hapitin niya ako sa bewang at hinila palapit pa sa kanya.
“Dinner and you can go, carina…” garalgal ang boses niyang sabi habang nakatitig siya sa akin. It feels like his silver eyes are drawing me in and once again, I accepted his offer.
Dinner with him was amazing and very romantic. I mean may candlelight dinner pa siyang hinanda and he told me na siya ang nagluto ng masarap na food na kinakain namin ngayon. The red wine is exquisite and I know it’s a fancy and expensive kind of wine. Binigyan niya pa ako ng bouquet of red roses. It seems like hinanda niya lahat ng ito habang natutulog ako. Nang matapos ito, agad na akong nagpaalam sa kanya that made his mood a little irritable. Hindi na niya ako inihatid, sumakay na lang ako sa speed boat at binalik ako ng isa niyang staff sa hotel.
Pagkapasok ko sa aking suite, malalim akong napabuntong hininga. Suot ko pa rin ang kanyang shirt at hindi ko maiwasan na amuyin ito. Hindi na ako nag-abalang magbihis pa pero nagpadala ako ng alak sa aking kwarto. I started to drink the hard liquor because I am regretting now for leaving him behind. Parang may hollow part na ngayon sa puso ko na ayaw kong pansinin. I was getting drunk then I heard a knock on my door. Somehow, umasa ako na si Vincenzo ‘yon. Pero nang bukasan ko ang pinto, isang middle aged man ang naroon na nakasuot ng hotel staff uniform. Bago ko pa siyang matanong kung anong kailangan niya, he knocked me up at pareho kaming tumumba sa sahig.
I tried to scream pero tinakpan niya ang aking bibig. I was struggling so hard to fight him off dahil na rin sa kalasingan ko. He was looking at me with pure malice and lust. Pinunit niya ang suot kong shirt at bago pa man niya magawa ang balak niya sa akin, may malakas na humablot sa kanya palayo. Napayakap ako sa aking katawan. Napaiyak na lang ako nang makita ko si Vincenzo. Agad niya akong nilapitan at niyakap and I just cried feeling weak and pathetic.