Cheaters!

1444 Words
Napatili ako sa tuwa ng hiniwa ko ang p*nis cake na ipinakita at binigay sa akin ng aking mga kaibigan sa aking bachelorette party. Bukod pa don, may suot akong headband na puno ng glitters at cutouts na p*nis din. May suot akong shirt na may words na, ‘I like it long and hard’, at talagang nag-eenjoy ako lalo na nang makatanggap ako ng lap dance mula sa isang macho dancer na nagngangalang, Raul. Yes! Ito ang gabi ng aking bachelorette party at kinabukasan ay ang magaganap na wedding of the century! Of course ako ang bride! Ako at ang aking fiance ay nagdesisyon na beach party ang gagawin namin kaya nandito kami sa Santa Monica, California na may magandang beach. Thankful ako sa aking bestfriend na siyang nag-organize sa party. Nawawala ang aking stress para sa aking big day! Si Julia, na isa sa aking malapit na kaibigan, katulong sa aking cosmetic business, ay inabutan ako ng glass of champagne at nag toast kami habang kinakain na namin ang cake at parang mga batang napa hagikgik. “Hindi ako makapaniwala na ikakasal ka na!” sabi niya sa akin. “Tanda mo pa nung high school tayo, sinabi mo na hindi magpapakasal hanggat hindi ka thirty?” "Yeah I did... But plans change. Sino ba namang babae ang hindi magpapakasal kay Matthew? Super crush na natin siya ng makilala natin siya noong college tayo. Lucky ako at naging boyfriend ko siya and magiging future husband,” sagot ko sa kanya. "Yup! Ang pinakasikat na guy at isa sa mga millionaire bachelors sa LA! Talagang baliw siya sayo eh noh?” Nag-flip naman ako ng aking hair at ngumisi. "Of course, I am a goddess afterall!" Mayabang kong sabi at nagkatawanan kaming dalawa. "Alam ba niya na malibog ka sa kabila ng pagka inosente mo, girl?” Tukso niya at pinalo ko siya sa kanyang braso. "Ano ka ba Julia! Secret lang natin ‘yon, hindi ba? At malalaman niya kung gaano ako ka inosente sa honeymoon namin. Tsaka, mahal ako ni Matt kaya nga willing siyang maghintay. That's why, gagawin namin yon after ng aming kasal,” nakangiti kong sabi at uminom ng wine. "I know! You're so lucky Xin, I'm so happy for you. Magkakasama na kayo ng lalake na pinapangarap mo forever. Congrats!" Tuwa niyang sabi at nagyakapan kami. "Thank you Juls... I'm hoping na makakahanap ka rin ng lalake para sayo. You're so dedicated and loyal as a friend,” masaya siyang binati ulit ako at tinuloy ang pagkain ng cake. Tumingin ako sa paligid at hindi ko makita ang isa ko pang kaibigan. “Speaking of friends, nakita mo ba si Rebecca? Kanina ko pa siya hindi nakikita,” nagtataka ko na sabi sa kanya. "Oh! Sabi niya babalik siya sa suite natin para kunin ang surprise gift niya. Pero kanina pa yon,” taka na rin niyang sabi at tumingin rin sa paligid. "Weird... Hahanapin ko siya at para makapag pasalamat na rin sa masayang party na inorganize niya.” At nagsimula na akong lumakad. "Okay, I'll take care of the other girls here." Nagpasalamat naman ako. Lumabas na ako sa event room na nirentahan ng mga kaibigan ko. Lumakad ako patungo sa elevator at bumukas yon ng pinindot ko ang down button at pumasok na ako. Habang papanhik ang elevator sa 7th floor kung saan ang suite namin na tatlo, parang may masama ako na naramdaman. Tinitigan ko ang mga numbers, hanggang sa nakarating na ko sa floor. Lumabas ako, at lumakad palapit sa suite. Hanggang sa tumigil ako ng may naririnig akong ungol na nagmumula roon. Kaya pala natagalan ang babaeng ‘yon dahil may kalandian! Napangisi ako, nilabas ko ang aking phone at ni ready ang camera. Nilagay ko ang keycard sa slot at dahan-dahan na binuksan ang pinto, tapos ay tahimik na pumunta sa kwarto niya. "Oh Matt! Sige pa!" Natigilan ako sa aking narinig at nagtaka. Matt? Nakipag hookup ba siya sa isang guy na nagngangalang Matt? Bigla akong kinabahan, nabalutan ang isip ko ng pagdududa. Sumilip ako sa siwang ng pinto at nawasak ang mundo ko, ang puso ko! Si Matt! Si Matthew! Ang walanghiya ko na fiance ay nasa ibabaw ng bestfriend ko! Kasalukuyan niya itong kinakantot na walang pakundangan! Napuno ng galit ang dibdib ko, napakuyom ako ng palad. Pinigilan ko ang aking luha dahil hindi siya worth it! Bigla akong pumasok at kinuhanan ko sila ng pictures. Pareho silang nagulat sa flash ng aking camera. Namilog ang mga mata ni Rebecca ng makita niya ako! Agad nilang tinakpan ang kanilang hubad na katawan. Tumingin ako sa bestfriend ko na pinagkatiwalaan ko, na sumuporta sa akin! Pero all this time, may affair sila ng lalake na pakakasalan ko bukas! Bukas! God! This must be a very bad dream! Bakit nagawa nila sa’kin ito?! "Le-Lexine... I'm sorry..." mahina na sabi ni Rebecca. Nilapitan ko siya at binigyan siya ng isang malakas na sampal sa kanya mukha, tapos ay sinabunutan. Mahigpit na hawak ang kanyang buhok, hinila ko siya palabas ng kwarto at hinagis sa sahig na parang basura. Ang kapal ng mukha niyang humingi ng tawad sa akin! After what she had done! What a slut! Sinara ko ang pinto at hinarap ang marupok kong fiance! Wait, ex fiance na pala! Ang tanga ko naman kung pakakasalan ko pa siya. Sa rami ng babae, ang bestfriend ko pa ang pinatulan niya! Pinaningkitan ko siya ng mga mata, pinipigilan ko ang sarili ko na huwag patayin ang lalake na nasa harapan ko. Ang lalake na minahal ko mula pa noong college, hanggang ngayon! "Sinabi mo dapat sa akin," matigas kong sabi sa kanya. "Kailan pa? Kailan pa toh nagsimula?!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga siya at sinuklay ang pawisan niyang buhok na para bang naiinis sa confrontation namin. Ang kapal ng mukha niya! Siya pa ang may ganang mainis! “Hindi mo magugustuhan ang sagot ko,” kalmado niyang sabi habang nagsusuot na siya ng kanyang damit. “Gago ka! Sabihin mo na!” Inis kong sabi. Tumawa siya at hinarap niya ko. Parang proud pa siya sa ginawa niya. Sino ang taong toh? Parang hindi na siya ang lalake na minahal ko? Sa harap ko ay isang walanghiyang lalake, na walang pagsisisi sa kanyang ginawa, na lalo pang winawasak ang aking puso. “Halos isang taon na,” sagot niya at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Isang taon?! Paano nila ginawa? Bakit hindi ko man lang napansin?! Naguguluhan kong sabi sa aking isip. “Nakakatawa nga, eh, na madali lang naming nagagawa ‘yon. Busy ka sa work, and I easily f*cked her. She’s willing naman. Kung binigay mo lang sa'kin ang sarili mo sa una pa lang, hindi sana magkakaganito! Pero dahil sa paniniwala mo sa isang walang kwentang sacred relationship na yan, mas gusto mo na maghintay hanggang sa ikasal tayo! God Xin! It’s 2022! Lalake ako hindi ako santo!” Umiling ako tapos ay sarcastic na tumawa dahil sa aking narinig mula sa kanya. Really? Ganito siya kababaw?! Bakit hindi ko ito nakita? Akala ko isa siyang matinong lalake na nirerespeto ako! Isa pala siyang malaking bobo at mahilig sa higad! At ang tanga ko! Galit ako na lumapit sa kanya at walang sabi-sabing tinuhod ko siya sa gitna ng kanyang mga hita. Napahawak siya doon at impit na napaungol sa sakit. “Huwag na huwag ka ng magpapakita sa’kin hayop ka!” Tinanggal ko ang aking engagement ring at binato sa kanya. “Magsama kayo ng higad na yon!” Pagkasabi ‘non, lumabas na ako at nadatnan ko na nan’don pa rin si Rebecca. Kalmado akong lumapit sa kanya, pero puno ng pagtitimpi ang buo kong katawan. “Thank you ah, at pinakita mo sa’kin ang tunay na kulay ng lalake na pakakasalan ko sana. Deserve niyo ang dalawa, kayo na ang magpakasal bukas,” ngumiti ako at tuluyan na akong umalis. After that confrontation, tuluyan na akong umalis sa lugar na yon. Tinawagan ko si Julia at nagkita kami sa bahay ko. I told her everything at hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nagdesisyon akong mag-out of the country. Pinagkakatiwalaan ko siya na mag-manage muna sa aming company dahil ayoko pang mag-stay sa lugar na toh. Parang lahat ng kasiyahan na natamasa ko sa mga nakaraang taon ay puro lies lang! Pinakiusapan ko din siya na wala siyang sasabihin, lalo na sa family ko na excited pa naman na ikakasal ako. Nag-iwan ako ng letter para ibigay niya sa kanila. The next day, I book a first class flight at sa araw ng kasal ko ay ang pagdating ko sa Italy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD