Boss's POV
Nakaharap ako sa floor to ceiling glass wall ng aking penthouse habang nakaupo ako sa leather armchair, at nakatitig sa dagat ngayong gabi. Hawak ko ang isang baso ng alak, ininom ko 'yon lahat, pilit na pinipigilan ang galit ko sa aking sarili. Nagsama na naman ako ng babae rito and I was planning to f*ck her pero wala sa mood ang aking alaga na ayaw tumigas kahit anong gawin niya. Kaya inutusan ko siya'ng umalis na. Para hindi ako magalit, umalis na lang siya ng kusa at baka ako pa mismo ang magtulak sa kanya palabas. Binato ko ang baso sa tabi, huminga ako ng malalim para kalmahin ang aking sarili.
Kilala ako na isang walang puso, a monster of a guy, with no mercy in his body at all. I can kill someone, I can destroy something immediately if they cross me over. Ako na ang namumuno, ako ang Master ng Mangietti House, matapos ipasa sa akin ng aking ama ang title na yon limang taon na ang nakakalipas.
Five years ago, a tragedy happened, namatay ang aking ama at muntik na rin akong mawala sa mundo kung hindi lang ako niligtas ng isang anghel na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan. Niligtas ako ng isang black haired angel na may mga matang kulay asul na dagat, ang boses niya ang nagpanatiling buhay sa akin. Even I was in a coma, nando'n siya lagi para sa akin, sa aking panaginip. Pero noong magising ako, wala na siya!
Hinanap ko siya, pinagbantaan ang ospital na pinagdalhan niya sa akin, kung nasaan siya, kung sino siya! Pero wala silang masagot dahil hindi rin nila alam! Hinanap ko siya kung saan-saan. Bawat bansa na pupuntahan ko, pinapahanap ko siya. Nag-hire pa ako ng mga tao para hanapin siya, pero wala pa rin! Lalo pa yong nagpadagdag sa inis ko! Five years of searching her at nakakapagod na! Ilang beses na akong sumuko, pinilit ko na makisama sa mga babaeng nakikilala ko para mawala siya sa isip ko, sa puso ko, pero wala pa ring nangyari, bumabalik pa rin ako sa kanya… Nasaan ka na ba angel? Napatingin ako sa pinto ng may malakas na kumakatok roon. Narinig ko ang boses ng aking kanang kamay na tauhan kaya agad ko itong binuksan.
"What is it Marcos?" matigas kong tanong na may kasamang inis. Kung may problema na naman, sisiguraduhin kong papatayin ko siya at wala akong pakialam kahit sino pa siya!
"Capo (Boss), nandito siya..." sagot niya at nagtataka akong tumingin sa kanya. “Ang babaeng matagal mo ng hinahanap, pinapahanap, nandito siya mismo sa hotel.” natigilan ako saglit hanggang sa na-realize ko ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya, tumango siya at ngumiti. Hindi ko alam kung may time ba na bumilis ng husto ang t***k ng aking puso. Pero sa sinabi ng kaibigan ko, parang naging buo ulit ako.
Agad kaming bumaba para puntahan si Damien na kasalukuyan na binabantayan siya. Nong tinawagan namin siya sabi niya na naglalakad daw ito malapit sa beach. Nang makarating ako sa kinaroroonan nito, agad ko siyang hinanap.
"Where is she?" agad kong tanong nang lumabas na kami. He turned his head on the beach and I froze when I saw my woman. Walking gracefully on the sand, holding her high heels. Mabagal siyang naglalakad sa buhangin at kapansin-pansin na malungkot siya.
I wonder what happened? All I wanted to do now was to put a smile on her face, to hold her in my arms and kiss her senseless. Pero kailangan ko na kumalma muna, hindi ako sigurado kung makikilala niya ako. With all that blood on my body and face, I may have look like s**t back then. Pero nagpapasalamat ako at eager niya akong tinulungan. "Is she with someone?" I ask again as I look at her, the moon serves as her lighting. I'm really gonna be pissed if he's with a guy, especially that she left her out here all alone.
"I asked the concierge, nag-iisa lang siya and he said she's planning a long vacation. Umiinom siya sa bar kanina at sabi ng bartender sa akin, marami na siyang nainom. So, she may be a little bit drunk. But goddamn! Mas maganda pala siya sa personal, hindi lang pala siya imagination mo boss.” sabi ni Damien at matalim ko siya na tinignan. Umiwas naman siya ng tingin at nagkamot siya ng kanyang ulo.
“Alam niyo na ba kung saang suite siya naka-stay?” tanong ko sa dalawa at sabay silang tumango. “Let everyone know, all the staff to treat her like a queen, lahat ng kailangan niya, gusto niya, ibigay nila, capiche?” matigas kong sabi sa kanila at sabay din silang sumagot. “Bene, puoi andartene ora (Okay, you may leave now.)” tumango ulit sila at lumakad na palayo.
Inayos ko naman ang aking sarili, inamoy ng konti ang aking suit jacket at baka dumikit sa akin ang pabango ng babaeng nakasama ko kanina. What the hell am I even thinking? Wala na nga akong gana sa ibang babae, nagdala pa ako sa penthouse ko? I will need to order the housekeeping to clean my place immediately. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at nilapitan ko ang aking angel. I will not let her slip on my fingers again.
Lexine’s POV
Napatingin ako sa suit jacket na nakabalot sa'kin and I turn my face to the man who gave it to me. He is absolutely gorgeous, with a black button down shirt that's quite fit on his chiseled body. Dark slacks covering his long, perfectly legs. He's tall, tan skin, dark silver eyes that's like piercing my soul and making me shiver, not because of the cold, but how intense it was. He's a stranger but I feel like I've seen him before, I just can't seem to grasp when or where?
"Thank you..." I softly said as I pulled the coat comfortably, a spicy musk scent permeated through the fabric. His wonderful scent makes me smile. "Uhm, you understand english right?" I ask because obviously he's Italian, baka hindi niya ko maintindihan.
"Yes I do, carina... You should not be here alone at night, especially when you had a drink." napakunot noo ako at nagtataka na tumingin sa kanya.
“How did you know that I drank some alcohol? And it’s just a little one, I’m just tipsy…” sabi ko sa kanya. Natulos ako sa aking kinatatayuan ng lumapit siya. Hinawakan niya ang jacket na pinatong niya sa aking balikat at tinakip pa ito lalo sa aking katawan.
“Your face is red…” huminga siya ng malalim at nangingislap ang mga mata niyang tumingin sa akin. “And you reek of alcohol…” malalim ang boses niyang sabi.
“Really? That’s kind of embarrassing…” at napahagikgik ako. “Look, I just want to relax and clear my head. I am not going to dive in the cold sea if that’s what you’re thinking and I am not crazy to do that. I… I just need a break, that's all.” napayuko ako at pinigilan ko ang aking pag-iyak.
"Break from what, carina? Did something happen?" alala niyang tanong na nagpagulo sa aking isipan. Bakit bigla na lang kasi siyang sumulpot? I’m so vulnerable right now at ayoko na may nakakakita sa akin sa kahinaan ko. Huminga ako ng malalim at tumingin ulit ako sa kanya. Tinitigan ko siyang mabuti, itinaas ang aking kamay at hinawakan ko ang kanyang pisngi and I heard him sigh in contentment.
"You're so familiar... I just can't place it if we've really met or not..." I say softly. There was a glint in his eyes and his sexy lips smiled lightly that made my heart flutter. Hahawakan niya sana ako pero bigla akong umatras at nakita kong na-dissappoint ang kanyang mukha. "I-I'll go back to my r-room.” At napadila ako ng aking labi na feeling ko ay dry na. “I hope I'll see you again." Nakangiti kong sabi sa kanya at nagilan ako ng kinuha niya ang aking kamay at dinampian niya ito ng halik na nagdulot ng init na dumaloy sa aking katawan.
It is so weird and this guy is really hot and very handsome that he came to me! Tumingin ako sa paligid at parang kami na lang ang naroon. Hindi ko feel na dangerous siya, in fact, I feel comfortable with him. Kaya lang pag tumagal pa ako na kasama siya, baka makalimutan ko kung anong dahilan kung bakit ako narito. I ran away from my own wedding damn it! Ano toh? May kapalit agad?!
"You will, angel..." he said with all the seriousness na parang sigurado siyang magkikita kami ulit. Well, maybe he’s a guest too, dito sa hotel. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, saglit ko siyang niyakap, nagpasalamat at mabilis na akong lumakad pabalik sa hotel.
Nag-wave pa ako sa kanya at pumasok na ako with a smile on my lips. Saka ko lang na-realize na sa'kin pa rin ang coat niya ng makapasok ako sa suite ko. I place the expensive material on my nose inhaling his delicious scent. Oh my god, I escaped from the guy who broke my heart, and now I met a charming and mysterious guy by the beach na pinagaan ang pakiramdam ko. I giggle and shake my head, maybe I'm really drunk thinking about these things. Well, baka makita ko siya ulit at isasauli ko ang coat niya. This is Italy afterall, the place of romance.
Isinabit ko ang coat sa likod ng isang upuan at pumasok ako sa banyo to get ready for bed. Tinignan ko ang aking mukha sa salamin at namumula nga siya, my breath even stinks at naamoy ni guy. I didn't even get his name, I’m sure it will be bold and sexy like him. God, bakit niyo ba ginagawa sa akin ito? Masyado ba akong naging mabait at may binigay agad kayo sa akin na isang italian hunk? Bumuntong hininga ako at hinanda ko na ang aking sarili sa pagtulog. Wearing my silk pajamas, pinatay ko na ang ilaw maliban sa wall lamp na nasa side ng kama. Pero bumangon ulit ako at kinuha ang coat. I lay down in the soft bed and bring the coat close to my nose as I imagine the Italian guy beside me, holding me, comforting me, at nakatulog na ako ng mahimbing.