KASAMA ang ina ay pinuntahan na naman nila ang kanyang kapatid sa presento. Nasangkot na naman ito sa illegal na gawain. He knew that Fernan had done something illegal again every time he didn't come home. At age 26, he has been in jail three times, and each time, his family goes deeper into debt because of the bail. Mabuti sana kung nagbibigay ito ng pera sa Mama nila pero hindi dahil ang pera nito ay para lang sa barkada at sa babae. Sakit ng ulo si Fernan sa pamilya nila. Wala lang siyang magawa dahil kapatid niya ito.
He has his dirty little secrets. He is guilty of doing horrible things, which he keeps to himself; he does not want to clean up. Iyon nga lang ay mas maingat siya sa kanyang mga ginagawa.
Twenty four years old na siya at nakapagtapos sa kursong business management dahil iyon ang gusto ng kanyang ama. Half brother niya si Fernan dahil ang ama niya ay Italyano samantalang ito ay Pinoy. Palaging ipaalala sa kanya ng ina na 'wag na wag niyang susukuan si Fernan dahil kapatid niya ito----ang tanging kakampi niya sa mundo.
"Fernan Salvador, laya ka na!" sigaw ng pulis sa kanyang kapatid.
Ngumisi ang kanyang kapatid sa sinabi ng pulis.
"Sabi ko sa inyo, makakalaya ako rito," pagmamalaki pa nito sa mga nahuling kasama. Napailing nalang siya sa inasal ng kapatid. Hindi nakapagtapos si Fernan sa pag-aaral nito pero hanga siya sa talino ng kapatid. Kung minsan nga ay napapaikot din siya nito. Napapaniwala.
Paglabas nito ng kulungan ay kaagad itong niyakap ng kanilang ina.
"Bakit ang tagal ninyo? Inabot pa ako ng tatlong araw sa kulungan," reklamo ni Fernan.
"Hindi madaling maghagilap ng thirty thousand para mapiyansahan ka," sabat niyang naiinis.
"Bakit hindi mo kinontak ang bilyonaryo mong ama para naman makatulong sa atin? Ang mahirap kasi ikaw lang itong nakikinabang. Paano naman kami ni Mama?" sagot ni Fernan sa kanya.
"Hindi niya obligasyon na linisin ang kalat mo," sagot niyang napipikon na.
Galit na hinampas siya ng tshirt ni Fernan.
"Tumigil na nga kayo? Para kayong hindi magkapatid," saway sa kanila ng kanilang ina.
"Hindi naman talaga! Apelyido pa nga lang. Salvador ang apelyido ko at siya naman ay Martini!" sigaw ni Fernan na nauna ng lumabas ng presento pagkatapos nitong pirmahan ang released paper nito.
Napailing nalang siya sa inasal ng kapatid.
"Ikaw na ang umintindi sa kapatid mo," wika ng kanyang ina. Iyon naman ang lagi niyang ginagawa--- ang intindihin ang kapatid kahit na minsan ay nakakapikon na.
Inalalayan niya ang ina.
Hindi man lang sila pinansin ni Fernan at nauna ng sumakay ng jeep upang umuwi. Natitiyak niyang pupuntahan na naman nito ang ama na tulak din ng droga. Hiwalay na ang ina niya at ang ama ni Fernan.
Walang pinagkaiba ang ugali ni Fernan sa ama nito. Parehong mabisyo at siga. Palaging naghahamon ng away at walang ginawa kundi bwisetin ang buhay nila ---lalo na ang kanyang ina.
Konting pagtitiis nalang ay sa Italy na siya mananatili. Kapiling ang kanyang ama. Doon ay makakaipon siya upang makuha rin ang kanyang ina. Gusto niyang ibigay rito ang buhay na nararapat.
Vito was about to go to bed when his friend Ken called him. He only gets involved when he has something to rip off. Illegal work---usually, it's human trafficking. He needs money to provide for his family's other necessities at home. He doesn't rely on his father in Italy because his mother doesn't want him to ask him about things that aren't related to school.
"Bakit?"
"Dating gawi, Vito. May darating na container van mamayang madaling araw at kailangan ni boss ng mga tao, libre ka ba?" tanong sa kanya ni Ken.
"Oo naman," sagot niya. Kailangan niya pa naman ng pera para mabayaran kaagad ang kanilang inutang para mapalaya lang ang kapatid.
"Saan ba dadalhin ang mga babae na 'yan?" tanong niya pa kay Ken.
"Labas na tayo diyan. Alam mo naman ang rules ng grupo hindi ba? Bawal ang magtanong at makialam," paalala pa nito sa kanya.
All of that changed when he moved to Italy. He ran the family business that his father built. He understands why his dad wants to go into business management. The reason for this is their business. After his father's death, he took over control of the public firm and took care of the investors. At first, it was tough, but now that he's been in Italy for seven years, he's wholly adjusted. He has been everywhere in the world---he has everything—the money and position.
Another reason was that he didn't mind being away from the Philippines as much because Fernan was with him. When his father took him, he took Ferman, especially after their mother died. Fernan is an entirely different person now. He has also become responsible, and he can rely on anything. They work together to help run his father's company.
Akala ni Vito ay iyon na ang simula nang kanilang bagong buhay but he is alleged to have taken part in a multi-million-dollar scheme to defraud thousands of investors in the stock of a public company incorporated in Italy. Thousands of investors lost over a million dollars, and they blamed all of that on him.
It was unclear to him what had happened. The investors' funds he had in his possession vanished everything. They chased him to the point that the company they had worked hard are disappeared instantly. What makes matters worse is that he is now hiding from the authorities.
Kasunod ng pagkawala ng lahat sa kanya ay ang pagkawala rin ni Fernan. Upang makalaya ay binayaran niya ang lahat ng investors gamit ang sarili niyang pera. Alam niyang si Fernan ang gumawa nang lahat ng ito upang mahirapan siya. Ang hindi nito alam ay may pera siya mula sa kanyang ama. Kahit na maglabas siya ng pera ay may matitira pa rin sa kanya.
After finishing his case in Italy, he returned to the Philippines immediately. Gusto niyang pagbayarin ang kapatid. Ngayon niya lang napagtanto na kahit kadugo mo ay hindi dapat na pagkatiwalaan. He will do everything it takes to force his brother to pay, gaya ng pagbagsak nito sa kanya. Kailangan niyang makabangon kahit ano pa ang mangyari.
Makikita ni Fernan kung sino ang totoong Vito Martini na niloko nito.