Chapter 35 "Lia?" "O?" tugon ng dalaga kay Gino habang nakaupo siya sa sofa at abala siyang naglalaro sa tablet. "Ano’ng araw ngayon?" "February 14? Bakit?" "Wala kang date?" Napatunghay na ang dalaga sa tanong na iyon ng binata. Kalalabas lang niya sa school at ito naman ay galing sa opisina. Mabuti na nga lang at half day siya, hindi niya masiyadong nakita ang mga couples na naglalandian kahit sa school. Team bahay sila ni Jane dahil pareho silang walang mga kadate. Ayaw naman nilang gumala dahil nauuta sila sa tamis ng mga trying hard couples na nagkalat. "Ikaw meron?" balik tanong niya. "Wala nga, eh. Tara date tayo? Monthsary natin ngayon, eh." "A-Ano’ng monthsary ka di