Chapter 39 "Hoy Lia, bruha tumulong ka naman at ng madali tayo, mamaya niyan darating na ang mga tao!" tulak sa kanya ni Jane habang nakapangalumbaba at nakatanga siya sa kawalan. "Kaya mo na ‘yan. Para booth lang, eh." "Oi ikaw! Halika rito kuya!" baling ni Jane sa isang kaklase nila. "Ako?" sagot nang tinawag na lalake. "Oo ikaw! Lalake ka di ba? Hindi naman siguro kita tatawagin ng kuya kung hindi ka lalake." buska ni Jane. Napakamot na lang tuloy ito ng batok at lumapit kay Jane. Kung tutuusin sanay na ang ilan sa pag-uugali nila. May kung ano’ng inutos dito si Jane at sinunod naman agad ng inuuto-san. Ikatlong araw at last day na ng students activity day. Kaya sagkalat din ang mga booths sa paligid. Kissing booth, wedding booth, abubooth. K. Korni. Natoka sa course nila ang pho