Chapter 37 "Hmm! Lamig, haha!" bulalas ni Francis habang kumakain sila ng banana split. Humantong sila sa isang icecream parlor dahil medyo mainit din naman ang panahon. Tama lang dahil kakatapos nga lang din ng game nito. "Malamang nasa ice cream parlor tayo, hanap ka ng hot cream parlor para mainit." nakangiting pambubuska niya. "Huwag na hot na ‘yang ulo mo, eh." ganti nito kaya napailing na lang siya. Nang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Gino. Napalunok siya. Bigla kasing sumagi sa isip niya ang bilin nito kanina... Don't talk to other guys, specially suitors. Pero hindi naman niya suitor si Francis. "Sagutin ko lang, ah?" paalam niya kay Francis. "Go ahead." nakangiting sagot nito kaya tumayo siya at lumabas saglit ng ice cream parlor. "H-Hello?" bungad niya. "Asan k