Chapter 41 "Lia! Lia! Gising hoy!" Napabalikwas siya nang parang may yumuyugyog sa katawan niya. "Jane?" takang tawag niya sa kaibigan. "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala, tulog mantika ka, ah? Boring ba movie?" Napakunot noo siya at napalingon sa paligid. Bakit nandoon siya sa loob ng movie booth?!Tapos na nga ang movie dahil wala ng palabas sa wide projector at nag-aalisan na ang mga estudiyante at bukas na rin ang ilaw. "Asan si Fatum?! Bakit ako nandito?" lito niyang tanong. "Ano’ng bakit ka nandito? ‘Di ba sabi mo kanina manunuod ka habang inaantay mo kong matapos sa blind date? At saka sinong Fatum?" bakas na rin ang pagtataka sa mukha ni Jane. "Si Fatum ‘yong fortune teller!" giit niya. "Fortune teller as in manghuhula?" "Oo! Halika!" bulalas niya at hinatak na