EPILOGUE

280 Words
"Okay ka lang ba rito? I'm sorry, if I'm trying to ask you that, kahit na nakikita ko naman na hindi ka komportable sa lugar na 'to," nag-aalangang wika ni Caleb sa kaibigang si Jaztice. Ngiti ang naging tugon ni Justice sa kaibigan nyang si Caleb sa tanong nito kung ayos lang ba siya sa lugar na pinagdalhan nito sa kaniya. Wala na rin naman siyang pagpipilian pa— hindi na rin naman siya masaya sa lugar ng tiyahin niyang si Belen. "Kung may kailangan ka, magsabi ka lang ha. Kumpleto naman ang pagkain sa ref maging sa maliit na pantry namin. I want you to be comfortable here, Jaz. Hope na you will." "Don't bother yourself, Caleb. I'm fine. Medyo may mga iniisip lang din ako. Pero huwag kang mag-aalala, kaunting adjustment lang 'to." "I want to give everything the thing that you needed, Jaz. Hope one day, I'll see you fine again. Hindi madali ang proseso pero umaasa ako na magiging okay ka ulit." Paano ba ang maging okay ulit? Iyan ang paulit-ulit na narinig ni Justice na bulong ng isip niya. Kung siya lang ang tatanungin mukhang mahihirapan na siya, ni hindi na nga siya sigurado kung makakabangon pa ba siya mula sa madilim na pagkakalugmok niya sa mga nagdaang pagsubok sa buhay niya. Hinahawakan niya na lang din talaga ng madalas ang laging bilin sa kaniya ng lola niya n'on bago ito namatay— na hanggang humihinga siya hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Lalaban siya sa abot ng kaniyang makakaya at sa kaibuturan ng puso niya nand'on ang pangakong makakaganti rin siya sa lahat ng nanhamak sa kaniyang pagkatao— kabilang na ang pamilya Falcon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD