Chapter 18
Ana's POV
MAAGA akong nagising sa palasyo. Ang ganda kasi ng gising. Hindi dahil sa halik ni Zackery sa noo o kagabi, kundi dahil unti-unti ko ng nagagalamay ang mga kapangyarihan ko. Dahil maaga akong nagising, maaga rin akong naligo. Matapos akong maligo ay nag-toothbrush na ako. Habang nagto-toothbrush ako ng ngipin ay nagulat ako ng mapatingin ako sa harap ng salamin. May mga green ng highlights 'yung buhok ko.
Ano 'to? Sinubukan kong punasan ang buhok ko at baka namanstyahan lang pero ayaw talagang mawala. Anong nangyayari sa buhok ko?
Dahil maaga pa ngayong umaga ay nagliwaliw muna ako sa labas. Ang sarap ng hangin, sariwang-sariwa. Ang sarap sa pakiramdam. Ibang iba ang hangin dito kesa sa mundo ng mga tao.Naalala ko tuloy si Mami Pasing. Kamusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako? Parang gusto ko tuloy umuwi. Namimiss ko na siya.
“Ang aga mo atang nagising?” Kilala ko ang boses na'yun. Himala, ang aga din niyang nagising.
“Magandang umaga, Zackery.” Bati ko sa kanya.
“Magandang umaga din, Miss Ana,” Bati niya.
Napansin ko na napatingin siya sa buhok ko. “Oh, saan ka nagpakulay ng buhok? Bakit may green na highlights ang buhok mo?" tanong niya bigla.
“Hindi ako nag-pakulay ng buhok. Nagulat na nga lang din ako ng biglang nagka-ganyan.”
“Ha? Gusto mo dalin ka kita sa Hospital. May hospital din sila dito," aya niya saakin. Naks. Ang bait na talaga niya.
“'Wag na. Hindi naman masama pakiramdam ko. Saka hayaan mo na'yan kusa din siguro 'yang matatanggal."
“Siguro nga.” Pang sasang-ayon niya. Mayamaya ay samandali kaming natahimik. Tila parehas kaming may malalim na iniisip. Ang totoo ay iniisip ko kung bakit kakaiba nga ang kapangyarihan ko sa kanila. Bakit ako lang may ganito? Gustong-gusto ko ng malaman ang pagka-tao ko. Sino ba talaga ako?
“Masaya kaba dito sa palasyo?” Biglang tanong ni Zackery na kingulat ko.
“Oo, naman. Bakit mo natanong?”
“Wala lang. Baka kasi nalulungkot ka.” Seryoso niyang sabi. Habang tumatagal ay nakukuha na niya ang loob ko. Gustong gusto ko ang Zackery ngayon.
“Salamat, Zackery. Pero hindi naman ako nalulungkot. Ang totoo nga niyan ay masaya ako.” May naisip ko. Naisip kong baka kaya natanong ni Zackery ‘yun ay baka siya ang nalulungkot. “Sandali may papakita ako sa'yo. Alam kong hindi ka pa nag aalmusal kaya, mag almusal tayo dito.”
“Ha? Paano? Magluluto ka?” Naguguluhan niyang tanong.
Tumayo ako at humarap sa madamong bahagi ng palasyo. "Basta manuod ka nalang," sagot ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa isip ko ay nag imagine ako ng halamang kayang magpalabas ng pagkain. Matapos nun ay itinapat ko ang kamay ko sa damuhan. Mula sa damuhan ay may unti-unting tumubo na kakaibang halaman. Halaman na kayang magpalabas ng kahit anong pagkain.
Manghang-magha si Zackery sa nakita niya. “Ano 'yan? Baka mapanganib na naman 'yan ah!" Sambit niya na napa-atras pa.
“Safe 'yan. Halaman lang 'yan na kayang magpalabas ng pagkain,” saad ko.
“Sige nga,” wika niya na tila hindi naniniwala.
“Manuod ka,” sambit ko at saka ako tumingin sa halaman ko. “Magpalabas ka ng cake ngayon," utos ko.
Mayamaya ay lumaki ang dahon ng halaman. Mula sa mga dahon nun ay unti-unting lumabas ang tilang napaka-sarap na cake.
“Wow! Ang galing!” Sambit ni Zackery na tuwang-tuwa. Lumapit pa siya sa halaman at siya ang kumuha sa cake.
“Teka, Ako din. Gusto ko ng inihaw na manok. Nagugutom ako." Aniya pa
“Sige ba,” sagot ko at ‘yun na nga ang inutos ko sa halaman ko. Tumaba na ulit ang dahon ng halaman ko at do’n ay lumabas ang maamoy at bagong luto na inihaw na manok.
“Ang astig talaga ng kapangyarihan mo.” Pamumuri niya saakin. “So, paano galit galit muna. Lalantakan ko muna 'to. Natatakam na ako sa manok na’to," Aniya sabay subo sa inihaw na manok. “Wow! Pati ang lasa ang sarapdin. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong kasarap na manok,” sambit niya habang haplit ng kaka-kain sa manok.
“Ako din, Miss Ana. Gusto ko ng pancake.” Nagulat kami sa biglang pag sulpot ni Shawn.
"Masusunod po mahal na Prinsipe,” Sagot ko.
Gaya ni Zackery ay tuwang-tuwa din si Shawn sa nasaksihan niya. Paglabas ng pancake ay agad ko ‘yung ini-abot kay Shawn. Agad naman niya 'yung kinain.
“Maraming salamat, Miss Ana,” aniya.
“Your welcome po,” sagot ko.
“Oh my goodness! Ang sarap! Masarap pa'to sa luto ng mga kusinera sa palasyo." Ani Shawn na tila hindi prinsipe kung kumain. Sarap na sarap siya sa pancake na ginawa ng halaman ko.
“Miss Ana, maari bang mag-palabas ka ng coffee?" request ni Zackery na habang nagsasalita ay punong-puno ng pagkain ang bibig.
“'Yung akin, pineapple juice please!" sabi naman ni Shawn.
“Okay.” Sagot ko at saka ko inutusan ulit ang halaman ko.
Paglabas nang coffee at pineapple juice ay ini-abot ko na agad ‘yun sa kanila. Sarap na sarap talaga sila sa mga gawa ng halaman ko. Habang kumakain kami ay nag-bonding pa kaming tatlo. Marami kaming napag-usapan na tungkol sa palasyo. Nakakatuwa nga na ganoon palang kadaldal ang prinsipeng si Shawn.
Matapos naming kumain ay nagsimula na ulit kami sa training naming ni Shawn. Bumalik muna si Zackery sa kwarto niya dahil maliligo daw muna siya.
Nang makarating kami sa training field ng palasyo ay agad na din kaming nag-umpisa.
“Okay, Miss Ana, anong pasabog naman ang ipapakita mo saakin ngayon?" Tanong ng nakangising si Shawn.
“May naisip ako, Shawn.” Saad ko
“Ano?” Nalilito niyang tanong.
“Basta manuod ka nalang.”
Pumikit ako. Nag imagine ako ng maaliwalas na lugar. Inisip ko na lumulutang ako. Iniisip kong makakalipad ako.
Sinunukan kong idilat ang mata ko. Nagulat pa ako at naulala ng makitang nakatingala at nakanganga si Shawn habang nakatingin saakin.
‘Nagawa ko. Nakalipad nga ako.’
“Hala! Nagawa ko. Nakalipad nga ako.” sigaw ko.
“Grabe! Nakakalipad ka din?”
Sinunukan kong gumalaw. Ang galing nakakalipad ako habang umiikot ikot pa. Para bang ako si Wonderwoman. Kita ko ang buong gubat sa labas ng palasyo. Ang astig. Ang dami ko na talagang natutunan.
Unti-unti akong bumababa. Maayos naman akong nakalapag sa lupa. Ang saya lang na may natutunan na naman ako. Pakiramdam ko ay lumalakas na talaga ako.
Nakitang kong biglang sumiryoso ng tingin si Shawn. “Maglalaban tayo. 'Wag mong masyadong seryosohin Miss Ana at baka masaktan mo ako. Ang gagawin mo lang ay iiwasan mo ang mga atake kong blade. Kailangan alisto at mabilis ka. Ready?” Medyo kinakabahan ako. Baka kasi matamaan ako.
“Pwede mo rin akong atakihin, pero hinaan mo lang at baka mapuruhan mo ako.” Sambit pa niya.
“Okay. Sige, handa na ako.” Humanda na siya at ganun din ako.
“Ito na!” Nagpalabas na siya ng dalawang blade at pilit niya ‘yung pinapatama saakin. Mabilis ang blade kaya agad agad akong tumakbo sa kanan.
Kakatakbo ko palang pero umatake na agad siya. Ngayon, tatlong blade na ang inatake niya. Tumayo agad ako at tumakbo. Nailagan ko ng malabilis ang tatlong blade.
“Magaling, Miss Ana. Alisto at mabilis ka.”
“Ako naman ngayon,” sambit ko.
Itinapat ko ang kamay ko sa kanya at nagpalabas ako ng malilit na fireball na hinati ko sa apat. Agad ko 'yung pinatama sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mata niya. Parang hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nataranta siya sa unang pag-atake ko.
Napangisi ako ng sinuwerte siya at nailagan niya ang apat na fireball ko.
“Grabe ka, Miss Ana. Ginulat mo naman ako sa apat na fireball na'yun,” hingal na hingal na sabi ni Shawn.
“Hindi pa ako tapos, ‘to pa.” Nagpalabas naman ako ng tatlong maliliit na iceball na may kidlat. Nakita kong nanlaki na naman ang mata ni Shawn. Mabilis akong mag-isip. Sa nakikita ko ay tila si Shawn ang tini-training ko.
“Sh*t! Miss Ana, 'wag mong seryosohin. Nagte-training lang tayo!" sigaw niya habang iniiwasan ang pinatama kong iceball ko sa kanya. Minalas si Shawn dahil tinamaan siya ng isa doon.
“Ouch!” Sigaw niya. Kinabahan ako. Tinamaan ko siya. Agad ko siyang nilapitan. Napa-upo siya ng mag-yelo ang kanan niyang binti. Manhid 'yun dahil may halong kuryente ang Iceball ko.
“Bakit ba hinaluan mo pa ng kuryente ang iceball mo? Ang sakit at manhid tuloy ang binti ko!” Reklamo niya. Pero nakangiti.
“Sorry. 'Wag kang mag alala, gagamutin kita.” Hinawakan ko ang binti. Ginamitan ko siya ng healing power ko. Mayamaya ay umilaw na naman ang kamay ko at ang binti niya. Sa ilang sandali ay gumaling din agad siya.
“Wala na ang sakit. Okay na. Salamat Miss Ana,” saad niya habang ngingisi-ngisi. “Siguro ay dapat magpahinga muna tayo. Bukas nalang ulit. Mag-liwaliw ka nalang muna buong maghapon sa palasyo. Mas makakabuti ang nakakalanghap ka ng hangin. Nakakapagpalakas kasi ng kapangyarihan ang pagmumuni,” dagdag pa niyang sabi.
“Sige, salamat sa pagtuturo. And sorry ulit kung tinamaan ka ng iceball ko.”
“Wala 'yun, part ng training ang nasasaktan. Hindi ka lalakas kung hindi masasaktan. 'Yan ang isa sa tatandaan mo.” Lumakad na siya paalis. Mukhang napagod siya sa training namin.
Nanatili parin ako sa training Field. Inisip ko, saan ko kaya namana ang mga kapangyarihan ko? Saka bakit ang dami kong special ability? Saka sino ba ang mga pamilya ko? Sino ba talaga ako? Ang dami kong gustong malaman. Sino ba talaga ang tunay na Ana? Ano ba ang tunay kong pagkatao? Ang daming biglang tumakbo sa isip ko.