Chapter 02
Ana's POV
BINILISAN ko ang pagkain ng hapunan ng gabing 'yun. Bigla kasi akong nagka-interest na basahin ang kakaibang libro na nilagay ni Natalia sa bag ko. Matapos akong maghugas ng mga pinggan ay pumunta agad ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw at saka kinuha ang libro na nilapag ko sa kama kanina.
Ang ganda talaga ng book cover nito. Sa harap ng libro ay makikita ang isang academy na pagkalaki-laki. Bago ka makapunta sa pinaka academy ay maglalakad ka muna sa mahabang hagdan na para bang garden dahil sa dami ng halaman na nakatanim. May mga maliliit din na lawa doon. Ang ganda talaga.
Sa sobrang sabik ko ay binuksan ko na ang libro patungo sa unang pahina. Doon nakita ko ang dalawang mag asawa na may hawak na sanggol. Nakalagay sa libro na sila ang Royal family. Si King Zeus, Queen Tiana at Princess Zuzana.
Astig! Sila ang Royal Family sa Magenta Academy sa librong ito. Ang galling at ang astig ng author nito. Siguro kapag nangyari sa totoong buhay ito aysigurado sikat na sikat na ang royal family.
Teka, ano itong nabasa ko sa may ibaba? Sila din daw ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa Magenta Academy. “Wow! May mga magic sila? Astig talaga. Akala ko ay simpleng mga hari, reyna at princessa lang sila. May magic din pala.”
Si King Zeus ay may majikang apoy at tubig, habang si Queen Tiana naman ay kidlat at Yelo.
“Pero bakit hindi manlang nilagay sa libro ang majika ni Princess Zuzana? Mukang may nakalimutan ang author nito?’
Tinuloy ko nalang ang pagbabasa. Umabot ako hanggang sa pahina 10. Napag alaman ko na kaya pala wala pang majika si Princesa Zuzana ay dahil sa edad 18 pa pala lalabas at malalaman 'yun. Nakakasabik! Ano kaya ang kapangyarihan niya? Nakakainggit. Sana sa totoong buhay ay may mga magic-magic din. Sana meron din ako kahit manlang 'yung lumilipad , para sa tuwing binu-bully ako nila Sandy ay makakatakas ako at liliparan ko lang sila. Ang astig nun! Pero malambong mangyari 'yun dahil alam kong kathang isip lang ang mga majikang 'yan.
Dahil lumalim na ang gabi ay napagpasiyahan kong matulog na. Namumugto narin kasi ang mata ko dahil sa pagbabasa. Inilapag ko nalang muna ang libro sa mini table ko at saka ako nahiga't natulog.
-**-
KINABUKASAN, maaga akong gumayak dahil gusto kong makita ang naging pinsala ng lumabas na malaking halaman sa School namin. Pagdating ko sa School ay doon agad ako dumiretsyo sa higanting halaman. Ang daming student na nakatingin doon. Ang gara! Ang laki talaga nung halaman at may mga bulaklak na’yun na kulay Rainbow. Ang cool! Pero bawal lumapit dahil nakakalason daw 'yan. Kaya naman lahat kaming student ay nakalayo at ingat na ingat na lumapit doon.
“Grabe! Ang ganda ng halamang 'yan. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.”
“Oo nga. Kakaiba, pero mapanganib. Sila Sandy daw, hindi pa nagigising until now.”
‘Karma nila.'yun. Ang dami nilang inapi kaya tama lang sa kanila 'yun.”
Sari-saring komento ang nadidinig ko. Nang masyado ng nag gigitgitan doon ay umalis narin ako . Pumunta na ako sa room namin para hanapin si Natalia. Pagdating ko doon ay wala parin siya. Nakapagtataka. Ngayon lang nangyari na nauna ako kay Natalia na pumasok sa School. May problema kaya? Sabi pa naman niya ay may emergency kahapon kaya nagmamadali siya.
Dumaan ang buong maghapon pero walang dumating na Natalia sa School. Nag alala ako para sa kanya. Ano kayang problema at hindi siya pumasok ngayon?
Uwian na at marami na namang nag-tingin sa higating halaman. Palaki na ng palaki ang halaman na'yun. Marami na ang natatakot. Mapa student, teacher at kahit ang principal namin. Baka daw kasi makalason pa ng makalason ng tao 'yun at maubos ang nag aaral na studyante dito.
Sa sobrang intriga ko ay lumapit ulit ako doon. Pinagmasdan ko ang higating halaman. Napakadami na niyang bulaklak. Ang ganda talaga. Gusto ko ngang hawakan pero, natatakot naman ako.
Naisip ko si Natalia kaya naisipang kong umalis na. Kaya lang, papaalis na ako ng bigla akong naitulak ng isang lalaki. Malakas ang pagkakatulak niya kaya naman nasubsob ako sa malambot na bagay na para bang madakta. Hindi! Nadikit ba ako sa halaman?
“Hala! Nadikit siya!”
“Lagot ka Bryan. Tinulak mo siya!”
Ang daming salitaan ang nadinig ko. Nadikit nga ako! Patay! Anong mangyayari saakin?
Sa gitna ng pag-aalala ko ay biglang umilaw ng sobrang lakas ang higanting halaman. Ilaw 'yun ng sari-saring kulay na para bang rainbow. Sobra siyang nakakasilaw.
“Anong nangyayari?”
“Oo nga!”
“Kulay rainbow 'yung kulay! Astig!”
“Ang ganda!”
Sari-sari namang salita ang nadidinig ko habang ako naman ay takot na takot at naghihintay kung ano bang mangyayari saakin.
Sumunod doon ay biglang yumanig ang lupaan. Kasabay nun ang biglang paglipad ng mga bulaklak ng higanteng halaman. Lahat ng bulaklak ay pumupunta saakin na para bang inililibing at pinaliliguan ako.
Nagpupumiglas ako, pero sobrang dami ng petals kaya tuluyan na akong tinabunan na mga petals na’yun. “Mamatay na ba ako?”
Hindi na ako makahinga. Wala na din akong makita. Mayamaya ay bumigat nalang ng bumigat ang talukap ng aking mata at doon tuluyan na akong nilamon na ng kadiliman.
--**--
NANG imulat ko ang aking mga mata ay nasa isang kagubatan na ako. Kagubatan na pinaliligiran ng mga higanting halaman na kagaya ng tumubo sa School namin. Teka, paano ako napunta dito? Dinala ba ako ng halamang 'yun sa lugar nila? Patay! Paano ako makakalis dito? Sigurado akong lalasunin nila ako.
Mayamaya ay may biglang lumabas na labing dalawang liwanag sa paligid ko. Kumorte isa-isa ang mga liwanag na para bang tao pero mayamaya ay bigla ding nag iba at unti unting naging mga bato. Kung hindi ako nagkakamali ay para bang mga birthstone ang mga ito. Isa-isang gumalaw ang mga bato at pinalibutan ako.
Diamond, Pearl, Emerald, Amethyst, Sapphire, Garnet, Bloodstone, Ruby, Peridot, Topaz, Opal at turquoise ang mga ito. Iniikutan nila ako ng dahan dahan at mayamaya'y unti unti ding bumilis at biglang nagtungo sa itaas ng ulo ko. Nagsama-sama ang lahat ng bato sa itaas ko. Lumiwanag ng malakas doon at mayamaya ay naging isang bato nalang ang kaninang labing dalawang bato. Kulay rainbow 'yun. Ang ganda! Lumipad ang batong ‘yun sa harap ko. Kumikinang -kinang siya na para bang inaakit ako. Mayamaya ay nagulat nalang ako ng bigla 'yung tumama sa noo ng ulo ko at unti-unti ay naramdaman kong lumusot ang batong 'yun sa loob ng ulo ko. Nakaramdam ako ng kakaibang lakas. Pakiramdam ko ay ang init, ang lamig, ang init ang lamig. Pabago-bago.
“Anong nangyayari saakin?” Tanong ko sa sarili ko. Unti unti kasing umilaw ang katawan ko. Anong klaseng pangyayari ito? Nananaginip ba ako?
Hanggang sa bigla nalang akong napasigaw ng malakas na malakas. Bigla kasing sumakit ng sobra ang ulo ko. Saaking pag-sigaw ay biglang yumanig ang buong kapaligiran. Lumabas ang sari saring elemento. Apoy, tubig, hangin, Yelo at nagkaroon pa ng ipo-ipo na may kidlat pa sa loob. Sa sobrang takot ko ay lalo akong napasigaw. Pakiramdam ko ay lalong nagalit ang mga elemento. Hanggang sa bigla akong nanghina at doon nawalan na ulit ako ng malay-tao.
--**--
NAGISING ako na nasa puting kwarto na ako. Nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko ay nakita ko ulit ang nag aalalang mukha ni Mami Pasing.
“Salamat sa diyos at nagising ka narin. Akala ko ay gaya ng ibang mga studyante sa school niyo e, hindi ka nadin magigising,” ani Mami Pasing habang yakap yakap ako.
“Ano po bang nangyari?” Tanong ko.
“Bumagsak na daw kasi ang higanting halaman sa School niyo simula ng madikit ka doon. Lahat daw ng bulaklak nun ay napunta sa katawan mo at pinaligiran ka. Akala namin ay nalason ka narin, pero laking tuwa ko na okay at nagising ka,” mahaba niyang kwento.
Oo nga pala. Nadikit nga pala ako doon. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa panaginip ko. Ang weird nun. Nakakatakot. Galit na galit dun 'yung apoy, tubig, lupa at kidlat. Hmp! Bangungot.
"Mami, maiihi po ako," wika ko bigla sa kanya.
Tinulungan niya akong tumayo para makapunta sa loob ng comport room. Pagpasok ko sa loob ay agad na akong naupo. Matapos umihi ay nagsalamin ako sa malaking salamin doon. Pinagmasdan ko ang sarili ko, maputla at mukhang may sakit talaga ako. Sa harap din ng salamin ay nakita kong biglang may lumitaw na batong kulay rainbow sa noo ko.
Sa sobrang gulat ko ay napatapik ako sa noo ko. Hinawakan ko bigla ang noo ko pero wala na 'yung batong kulay Rainbow doo. Guni-guni ko lang ba 'yun o, epekto ito ng higanting halaman na nadikitan ko?
Konting konti nalang, malapit na talaga akong mabaliw.