Stacey's POV Araw ng linggo pinayagan kami ni Nana Fe na magsimba, ako si Odessa, Mabel at Yengyeng. Nadismaya ako ng mapagtanto na wala pala akong sapatos na maisusuot. Dahil may katangkaran ako sa height na 5'6 ay may kalakihan din ang aking mga paa, kaya naman walang magkasya sa akin buhat sa tatlong nag boluntaryong pahiramin ako ng kanikanilang mga sapatos . Ngunit gano'n pa man ay 'di iyon naging dahilan upang hindi ako sumama. "Okay lang naman, Ate kahit naka tsinelas ka lang ang ganda-ganda naman ng mga paa mo, tapos ang pupula pa ng mga talampakan mo, parang di sumasayad sa lupa," inosenteng sabi ni Yengyeng. "Hindi sumasayad sa lupa? Ano'ng palagay mo kay, Ana, white lady? mataray na sabat ni Odessa. Natawa ako sa sinabi nito, gayundin si Mabel. Napakamot naman ng ulo si Y