CHAPTER 1

1219 Words
CELINE’S POV            Ako si Celine Lopez isang ulilang lubos at bente anyos na taong gulang. Sampung taon lang ako nang mamatay ang aking mga magulang sa isang car accident. Ang masaganang buhay na kinagisnan ko noon ay biglang naglaho dahil ang mga magulang ko’y walang natira para sa akin dahil sila ay namatay na may malaking utang sa bangko.            Nang mabalitaan ng aking Lolo Ben, ama ng aking ina ang nangyari sa aking mga magulang, ako’y kanilang pinuntahan at inalagaan. Dito sa Isla Funtaverde na ako nadalaga at lumaking ignorante sa lahat ng bagay.            Lumaki akong ignorante at walang alam dahil hindi ako nakapag-aral. Tumigil ako sa aking pag-aaral dahil hirap ang mga lolo ko sa buhay. Isang kahig at isang tuka ang aking mga lolo. Nagkaroon lang sila ng sariling tahanan dito sa Isla Funtaverde dahil tinulungan sila ng aking daddy na makabili ng maliit na lupain dito, na hanggang ngayon ay ang siyang tinitirhan namin.            Nagwawalis ako ngayon dito sa aminNagwawalis ako ngayon dito sa aming harapan nang bigla kong marinig ang boses ni Lolo Ben. “Celine, apo, pumasok ka muna dito sa loob. At bantayan mo ang lola mo. Aalis muna ako at bibili lang ako ng gamot niya,” tawag sa akin ni Lolo Ruben Ventura.            “Opo, lolo,” mabilis kong tugon.            Itinigil ko ang aking ginagawa at nagpasok na ako sa loob ng aming munting bahay.            Si Lolo Ben ay dating mangingisda noon at aking Lolo Ana naman ay isang tindera ng isda noon nang siya’y malakas pa. Ngayon ang aking lola ay mahina na dahil nagkaroon siya ng sakit sa puso. Simula nang magkasakit si lola ay ako na ang gumawa ng mga gawain niya dito sa bahay. Dahil hindi ako nakapag-aral ay hindi ako makahanap ng trabaho at tanging pagtitinda lang din ng isda ang ginagawa ko ngayon, upang makatulong sa aking lolo at lola.            “Sige, apo, bantayan mo ang lola mo at ang sabi niya’y sumasakit ang dibdib niya ngayon,” bilin sa akin ni Lolo Ben at umalis na siya.            Tumango ako bilang tugon sa aking lolo.            Si Lolo Ben ay nag-a-asin na lang ngayon at gumagawa ng tuyo upang may pagkunan kami ng aming kakainin. Si lolo ay sixty years old na ngayon at sa edad niya ngayon ay tanging pag-a-asin lang ang kaya niyang gawin.            Nanng tuluyan nang nakaalis ng bahay si Lolo Ben ay pumasok na ako sa loob ng silid kung nasaan si Lola Ana.            “Lola, kumusta na po ang pakiramdam ninyo?” magalang kong tanong sa aking lola.            Tumingin sa akin si Lola Ana. “Apo, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa akin,’’ sabi ni Lola Ana habang himas-himas niya ang kanyang dibdib.            Ngumiti ako. “Lola, ako po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil kinupkop at inalagaan n’yo po ako simula nang maaksidente sina Papa at Mama,” tugo ko sa aking lola.            Nang mamatay ang aking mga magulang ay kinuha ako sa ng mga DSWD dahil walang magbabantay sa akin noon. Ibibigay lang daw nila ako sa mga taong makakapagpatunay na kamag-anak ko. Ang mga lolo at lola ko sa side ng aking daddy ay hindi ako kinikilalang apo dahil galit sila sa aking ina, dahil nagmula raw sa mahirap na pamilya ang aking ina. Samantalang ang aking ama’y nagmula sa isang mayaman na pamilya. Kumbaga langit at lupa ang aking mga magulang. Nang nabalitaan nina Lolo Ben ang nangyari sa aking mga magulang ay agad silang lumuwas ng Manila at kinuha ako mula sa DSWD.            Sa hirap ng buhay namin dito sa isla ay hindi na ako nakapag-aral at tumulong na lang ako kay Lola Ana sa pagtitinda ng isda sa palengke.            Habang binabantayan ko si Lola Ana ay bigla siyang kumapit nang mahigpit sa akin habang sapo-sapo niya ang kanyang dibdib.            “Lola, ano pong nangyayari sa ‘yo?” tanong ko na may kasamang kaba.            Hindi na nagsalita si Lola Ana. Tumingin lang siya sa akin at pagkatapos ay ipinikit na niya ang kaniyang mga mata.            “Lola!” sigaw ko nang mapansin kong tumigil na sa paghinga ang aking Lola Ana.            Nanginginig ang aking mga kamay na niyakap ko ang aking lola. Sobrang sakit sa dibdib na iniwan na ako ng aking lola, na siyang nag-alaga sa akin at naging ina ko na rin.            “Lola, gumising ka!” sigaw ko kasabay nang pagpatak ng aking mga luha.             Tumayo ako at pumunta sa may bintana upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.            “Mga kapitbahay, tulungan n’yo po kami!” malakas kong sigaw na narinig naman ng aking mga kapitbahay.            Mabilis na nagdatingan ang aming mga kapitbahay at tiningnan nila si Lola Ana.            “Celine, anong nangyari?” tanong sa akin ni Dominic ang manliligaw ko.            Tumingin ako sa aking lola na ngayon ay nire-revived ni Vivian, kaibigan ko at kapitbahay namin na isang nurse sa bayan. “Kanina nagsasalita pa si Lola. Pagkatapos bigla siyanhg kumapit sa akin at ipinikit niya ang kanyang mga mata, habang sapo-sapo niya ang kanyang dibdib,” tugon ko kay Dominic. Magsasalita pa sana si Dominic nang biglang magsalita ang nurse. “Celine, I’m sorry, pero wala na ang lola mo,” sabi nig matalik kong kaibigan na si Vivian. Tuluyan na akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang mga katagang binitiwan ni Vivian.            Dahan-dahan akong lumapit sa aking lola na ngayon ay wala ng buhay. Niyakap ko nang mahigpit si Lola Ana. Malaki ang utang na loob ko sa aking lola na siyang nangturo sa akin ng magandang asal at nagturo sa mga gawaing bahay. Malimit niyang sabihin sa akin na hindi man nila ako napag-aral sa school ay nahubog naman nila ako na maging mabuting tao.            Habang yakap-yakap ko si Lola Ana ay dumating na si Lolo Ben dala ang mga gamot niyang binili sa bayan.            “Apo, anong nangyayari dito? Bakit maraming tao?” tanong sa akin ni Lolo Ben sa nanginginig niyang boses.            Tumingin ako sa aking Lolo Ben na ngayon ay nanginginig na nakatingin sa aking lola. “Lolo, iniwan na po tayo ni lola,” sabi ko habang umiiyak.            Napailing si Lolo Ben at tuluyang umiyak nang makalapit siya sa amin.            “Ana! Asawa ko, gumising ka!” malakas na sigaw ng aking lolo at niyakap na niya ang aking lola.            Kung masakit sa akin na nawala si Lola Ana ay mas masakit para kay Lolo Ben ang pagkawala ng aking lola dahil mahal na mahal ni Lolo Ben ang aking Lola Ana. Simula nang kupkupin nila ako’y nakita ko na ang pagmamahal ni Lolo Ben kay lola. At masasabi kong napakaswerte ni Lola Ana sa aking Lolo Ben. Lumapit ako sa aking lolo at niyakap ko siya. “Lolo, tama na po. Baka kung mapaano pa po kayo,” sabi ko na may kasamang pag-aalala sa aking lolo. Lumipas ang sandali’y nahimasmasan na rin ang aking lolo. At sa tulong ng aming mga kapitbahay ay tumawag sila ng funeral service upang iayos ang labi ng aking lola. Ngayong wala na ang aking lola ay ako na lang at ang lolo ang tanging magkasama sa buhay. Kaya naman sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Sa ngayon ay hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buhay na wala ang aking lola. Ngunit kinakailangan kong magpakatatag para sa aking pinakamamahal na lolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD