Kabanata 1

2139 Words
Marriage 4 years later... "Ipaalam mo na sa kanya, kapag tumanda yan si Sync hahanapin niya na ang tatay niya at lalo kang mahihirapan." Pinagmasdan ko ang aking anak na halatang wala pang kamuwang muwang pa sa mundo. "Hindi, ayaw kong masira ang buhay niya dahil sa akin." Hinampas naman ako ni Michelle sa aking braso na may kalakasan. "Baliw! Ako na ang nagsasabi sayo, hindi masisira ang buhay ng anak mo. Kaya tumigil ka na diyan sa mga iniisip mo. Malapit na magkaisip si Sync. Anong ipapaliwanag mo diyan kapag hinanap niya ang tatay niya? Na bigla nalang lumaki ang tiyan mo at nabuntis ka nalang nang ganun ganun nalang." Desidido na ako na hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Sync. Isa rin sa mga kinakatakot ko ang mga posibilidad na baka hindi ko kayanin. Ang hindi niya kami matanggap at baka mas lalong masasaktan si Sync at maging ako. "Hindi ganun yun kadali Michelle. Hindi pwede dahil may girlfriend na siya." Napatayo si Michelle sa sagot ko at napalagay pa ang kanyang kanang kamay sa kanyang noo. "Diyos ko! Girlfriend palang naman at bakit ka kasi nagpabuntis kung di mo rin naman pala ipapaalam sa tatay yan?" Namomoblema nitong saad. Anong alam ko na mabubuntis pala ako nang ganun ganun na lang. 2011 "Matagal na kitang gusto Zeus Uy." Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko ngayon at lumabas na rin ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya. Nasa condo niya kami dahil sa mas lasing pa siya sa akin ay hinatid ko muna siya. Pero bago ako makaalis ay gusto kong ipagtapat sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko na matagal ko nang tinatago. Gusto kong sabihin ito sa kanya kahit na, di niya pa matandaan. Kahit na anong maging reaksyon niya ay tatanggapin ko dahil ito na ang last na tsansa ko para sabihin sa kanya ang lahat ng to. "Phoebe?" Mabilis na bumakas sa aking mukha ang sakit na marinig ko ang ibang pangalan. "Mahal na mahal kita Phoebe." Bago pa tumulo ang luha ko ay mabilis niyang naidampi ang labi niya sa labi ko. Siguro nga ay hindi ako ang nasa isip niya habang ginagawa to pero ako parin ang kasama niya. Hindi ko alam kung pano sumagot sa mga halik na yun. Halik na hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko. Ilang minuto lang ay natutunan ko rin na sumabay sa paghalik niya. Hindi ko nalalaman na unti unti na pala kaming napupunta sa ikakapahamak naming dalawa. Unti unti niya akong nadala sa kwarto niya. Maging ang mga suot kong samplot ay naglaho na sa aking balat. Wala na akong pakialam kung anong mawawala sa akin basta maibigay ko ang gusto niya dahil mahal ko siya. Hanggang sa matapos ang mga nangyari ang tanging narinig ko na lamang sa boses niya. "I love you so much." Hanggang sa parehas kaming nakatulog. Narinig ko ang ingay ng doorbell at bigat ng nakaragan sa aking tiyan kaya naimulat ko ang aking mata upang tingnan kung anong nangyayari. "WAAH!" Napasigaw ako nang makita ko na nasa tabi niya ako hanggang sa unti unti kong matandaan ang lahat. Gaya ko ay nagising na rin siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Agatha? Bakit...." Halata sa boses niya ang pagsisisi at pagkabigla. At halatang hindi ako ang nasa isip niya habang ginagawa namin ang mga bagay na yun. "Sorry." Yun nalang ang nasabi ko. Muling umalingawngaw na ang tunog ng doorbell mula sa kwarto kung saan parehas kaming walang saplot. "Teka, mag-usap tayo mamaya." Tumayo siya at nagsuot ng pang-ibaba. Lumabas rin siya ng kwarto upang buksan ang pintuan. Kinuha ko ang tsansa yun upang ayusin ang aking sarili. Ngunit hawak ko palang ang aking mga damit nang marinig ko naman ang ingay mula sa labas ng kwarto. "Phoebe! Wag kang pumasok diyan!" Pagpigil ni Zeus. Mabilis kong ipinasok ang aking sarili sa malaking aparador. Sa maliit na butas kitang kita ko ang mukha ni Phoebe. Doon ko lang napatunayan na wala nga akong kalaban laban sa kanya. "Phoebe, mamaya na tayo mag-usap. Umuwi ka muna pupuntahan nalang kita sa inyo." Rinig ko ang boses ni Zeus. Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Phoebe, kitang kita ng dalawang mata ko ang paghahalikan nilang dalawa, hindi ko na nagawang tingnan. That's make me feel awful. Hindi ko dapat nararamdaman to dahil dapat ako ang wala rito. Ramdam ko ang t***k ng puso ko sa kaba at sakit na ngayon na mas nagpapatunay na wala akong karapatan sa kanya. Alam ko ang dahilan kung bakit ako nagtatago dahil para akong isang kabit na nagtatago sa tunay na asawa. Gustong kong lumabas sa pinagtataguan ko para ipaalam na andun pa ako pero natatakot ako dahil wala akong karapatan. "Stop it Phoebe!" Muli akong sumilip at mas lalo lang akong nasaktan ng makita silang dalawa na nasa kama. Tumayo si Zeus at maging si Phoebe ay tumayo na rin. Inayos niya ang kanyang buhok at postura. "Let me explain, Zeus." Hinawakan niya sa kamay si Zeus at halatang nagmamakaawa. "I will talk to you but not here. Give me another time, Phoebe." Umupo ito sa kama habang nakahawak ang mga kamay niya sa kanyang buhok na halatang naguguluhan sa nangyayari sa kanya. "Please, Phoebe." Pagmamakaawa nito. Wala na itong nagawa kundi sundin ang gusto ni Zeus. Umikot ito sa kama at kinuha ang bag niya. "Bakit may dugo dito?" Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko iyon. Ayun ang nagpapatunay na may nawala sa akin ng gabing yun. Lumingon siya kay Zeus. "May sugat ka ba? Saan? Saan?" Natotoreteng tanong niya kay Zeus. "Mamaya na tayo mag-usap, Phoebe." Mabilis naman na dinala ni Zeus si Phoebe sa labas ng kwarto. Doon ay nakahinga ako ng maluwag. Ilang minuto lang ng pag-aantay ay bumalik muli si Zeus. "Agatha?" Lumabas na ako ng aparador na nakabalot ng kumot habang hawak hawak ang aking mga damit. "Sorry." Yun ang narinig ko sa kanya na parang magpapaguho ng mundo ko. "Saan ang banyo dito?" Gusto kong maghanap ng lugar na hindi niya ako makikitang umiiyak. Sa banyo, ilang minuto ako nakabalik bago ko natanggap ang lahat. Na isa lang ito sa pagkakamali niya. Na hindi niya sinasadya ang lahat, na ako ang may kasalanan. Ako ang nasa tamang isip noon pero hindi ko siya pinigilan. Bumungad agad ang kama sa aking harapan. Makikita ang nagpapatunay na nawala na ang bagay na kinaiingatan ko. "Aalis na ako." Pambungad ko sa kanya. "Agatha?" Ramdam ko sa boses niya ang guilt. "Wag kang mag-alala, walang makakaalam nito. I'm sorry again. Let's forget everything happened and let's not see each other again." Pangunguna ko sa kanya. Alam kong yun ang lalabas sa mga bibig niya at mas maganda na siguro na sa akin ito manggaling. Pagkatapos ng araw na yun ay lumipat na ako ng bahay maging ang business ko ay binitawan ko at pinagkatiwala sa iba upang di niya na ako matunton pa. Ayaw ko ng mapahiya at ayaw kong makilala bilang isang sulotera. Mag-iisang buwan na noong malaman ko na buntis na pala ako kay Sync. Hindi ko naman naisip na uminom ng pills pagkatapos ng araw na iyon dahil alam kong hindi niya ako mabubuntis dahil alam kong may nangyayari na sa kanila ni Phoebe kaya alam kong alam niya ang gagawin niya. Pero nagkamali ako. 2015 Naninirahan ako ngayon sa Ilocos. Isa sa pagmamay-ari ng magulang ko. Nang malaman nila ang nangyari, una ay hindi matanggap ngunit natanggap din nila nang manganak na ako. To make myself busy, I help my parents to their business. I'm also a part timer, a wedding organizer. But I'm a full time mom now. "Nakapagdesisyon na ako Michelle. Kasalanan ko naman ang lahat. Alam kong maiintindihan ni Sync at matatanggap niya ang lahat." "Ikaw ang bahala, buhay mo yan. Basta sinabihan kita. Just make sure, you don't regret this." "Bakit ka pala napadpad dito? Imposible naman pumunta ka dito para pagsabihan na ipakikila ko na si Sync sa tatay niya." Pag-iiba ko ng usapan. "It's one of my reason. I just want you know, Zeus will getting married." Nang sabihin niya yun ay tila paulit ulit na umalingawngaw ang salitang married sa aking tainga. Napahinto ako at hindi ko alam ang isasagot. "Agatha, may oras ka pa para mahinto ang kasal. Kapag nakasal si Zeus, tuluyang magiging anak sa labas si Sync. So I'm here to tell you face to face to do the right thing and let him know the truth." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa narinig ko never naging tama ang nangyari sa akin, masaya ako na nagbunga ang isang gabing pagkakamali ng isang tama at si Sync yun pero alam kong hindi magiging masaya si Zeus kapag nalaman niya dahil mahal na mahal niya si Phoebe at isa lang akong babaeng nakasiping niya ng isang gabi at yun na yun. "No, hindi magiging anak sa labas ang anak ko dahil never ko siyang ipapakilala sa kanya. Hindi rin ibig sabihin na kapag nalaman niyang may anak kami ay ititigil niya ang kasal. Let me hold my pride, Michelle. Let's accept the fact that I'm not the one for him." Tumayo na ako sa aking kinauupuan at niyakap ang aking anak. "Mom, are you sick?" Ngumiti ako sa kanya. Habang tinitingnan ko siya ay nakikita ko ang mukha ng kanyang ama. Kahit alam kong hindi kami para sa isa't isa siguro nga ay ang taong para sa akin ay si Sync. "I need your magic kiss to make Mom feel better." Mabilis naman niyang binigay ang aking hiling, na mas lalong nagpadaloy ng luha ko sa aking mga mata. "I'm really sorry Sync, I'm really sorry." Niyakap ko siya ng mahigpit. Tanging siya na lamang ang meron ako. Hindi ako papayagan na mawala pa siya sa akin. ※※※⊙⊙⊙※※※ "Papa, napabisita ka?" Hawak ko si Sync nang dumating si Papa. Matanda na siya at mahina na. Kaya minsan ko na lamang siya makitang dumalaw sa bahay. "Sync, apo!" Nakalahad ang kanyang dalawang kamay upang abutin ang aking anak. "Lolo!" Tuwang tuwa nitong niyakap ang kanyang Lolo. "Huwag kang masyadong magulo, Sync. Your Lolo is too old." Mabilis namang sumunod si Sync sa aking inutos. Pumasok na kami sa loob at pinahawak ko muna si Sync sa kasambahay. "Agatha, I will give you an important task." "Ano po yun?" "Our company needs you." Nakita ko na naman sa kanyang mukha ang pagiging problemado. Matanda na si Dad at hindi na ganun kalakas kagaya noon. Kahit ayaw kong hawakan ang resort ay wala na akog magawa. "We have two option, one of our option is to merge JC Enterprise to San Manuel Corporation by making them deal with us and our second option..." Hindi maituloy ni Dad ang sasabihin niya pero ramdam ko ang kaba sa sasabihin niya. "What is the second option?" "Make yourself ready for a marriage." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. ☆☆☆☆☆ EPILOGUE OF CHAPTER 1 "Will you marry me?" Mabilis na kumalat ang ingay sa buong kwarto dahil galing ni Zeus gumanap sa kanyang role. "Ah, eh." Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na boses sa aking bibig habang nakaluhod sa aking harapan ang aking love of my life. "Hala di na siya nakapagsalita! Naoverwhelmed na!" Pang-aasar ng isa sa maingay kong kaklase. Naiingit lang kasi siya dahil ako at si Zeus ang bida. "Boo!" Mahirap talaga maraming makalaban sa isang lalaki dahil mas marami ang babae sa buong klase mas marami ang nagkakagusto sa Zeus ko! "Class! Quiet!" Galit na tawag na atensyon ni Ma'am sa lahat. Dahil dun hindi na ako ang naging bida at iba na ang naging leading lady ni Zeus. Mag-isa aking nakaupo sa aking upuan dahil recess ay wala ang karamihan ng aking kaklase, maging si Michelle ay nasa canteen para makipag-agawan ng pila. Nakatulala ako sa kalawakan na hindi alam ang pinagmamasdan dahil sa nangyari kanina. "Wag mong isipin yun. Okay lang yun, mahal ka rin nun." Mabilis na napaikot ako sa aking upuan nang marinig ko kung sino ang nagsalita. "Ewan ko sayo!" Kunwari nainis ko siyang sinigawan upang di niya mapansin na sobra na akong kinikilig. "Sino ba yun?" Pangungulit niya sa akin ngunit hindi ako sumagot nang dumating ang iba naming kaklase na nagpaawkward ng lahat. Nang mangyari yun ay mas lalo akong umasa sa salitang CHANCE. Chance na baka tama nga siya na baka mahal niya ako? Chance na isang araw na mapapansin niya rin ako. Pero mali pala, dahil kaya niya ako kinausap ay naguguilty lang siya sa mga nangyari kanina. Siguro masyado nga lang siyang mabait sa lahat ng babae. To be continue......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD