Chapter 3

717 Words
Chapter 3 Andrea's POV Pagkatapos lang ng unang subject namin, doon palang inamin sa akin ni Jade na kapatid pala niya ang isa sa limang ungas na iyon. Si Seth. Ang twin brother niya. Well, kahit na magkapatid sila, hindi raw sila ganoon kaclose, since lumaki raw kasi si Seth sa Daddy nila while Jade raise by her mother. 2 years old palang ay separated na ang dalawa at tinakbo raw ng Daddy niya si Seth abroad until their 13th birthday, nang biglang umuwi galing chicago si Seth only to inform his family in the Philippines that his father hit by a truck pauwi galing sa trabaho. Tapos noon ay doon na tumira sa bahay nila si Seth. Noong una siyempre nagkakaiyakan dahil sa nangyari and time goes by nakilala ni Jade ang ugali ng kaniyang twin brother, burara, basagulero at palaaway pero infairness naman raw pagdating sa pagaaral nito, magaganda ang credentials niya from his past schools. Kaya sabay silang pinasok sa Treston Academy ng kanilang Mommy. Natigilan siya nang napansin niyang parang siya lang raw ang kwento ng kwento ng buhay, samantala ako tahimik lang. Siyempre, ayaw ko naman na manginterrupt sa pagkukwento niya, at ano bang ikukwento ko? Wala na akong nagawa kasi nagcorner na niya ako so, nagkwento na rin ako. I told her that i am the only child in the family, sadly few years ago both of them tragically died, habang sumabog at lumubog ang bangkang kanilang sinakyan pauwi. Since then, ako nalang mag-isang namumuhay. Good thing, may ilang mga kamag-anak si Papa sa lugar namin pero ayaw ko namang umasa sa kanila. Bata pa lang ako masasabi ko nang independent akong tao. Ako ang naghahanap ng paraan kung paano ako magkakabaon, nandiyan na iyong gagawan ko ng project or assignment ang mga classmates or schoolmates ko, magtinda ng kamoteng kahoy, magstudent assistant, sumali sa dance contest, singing contest at quizbee para lang magkapera, sabi nga nila napaka-raketera ko, bata palang ako. Kaya nga noong nalaman ko na ako ang napili para maging scholar ng Treston Academy, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat makapagtapos lang. Napansin kong tila naluluha si Jade pagkatapos kong magkwento, tinanong ko siya kung bakit siya naiiyak, anong nakakaiyak sa kwento ko? Hanggang sa sinabi niyang lahat raw, lahat raw nang kinuwento ko, nakakaiyak. Maswerte pa raw siya, hindi niya raw narasanan ang mga ganoong bagay, lahat nang gusto niya nakukuha niya, hanggang sa dumating si Seth sa buhay niya, nahati ang atensyon ng kanilang Mommy at napunta ito kay Seth. Sabi ko, dahil marahil matagal niyang hindi nakasama ang kapatid nito, pero di raw niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang ugali ng kaniyang Mommy. Si Jade iyong typical na babaeng, mayaman, sopistikada, makinis pero may drama sa buhay. Sinabi ko nalang na in time, magiging okay din sila ni Seth, lalo na kung bubuksan nito ang kaniyang sarili para mas maging close sila at magkakilanlan dalawa. Hanggang sa sinabi ni Jade sa akin na birthday nilang dal'wa sa weekened, saturday. At iniimbitahan niya ako, kaagad akong humindi. Una, hindi ako party person. Pangalawa, alam kong may alak doon at alergic ako sa alak, naalala ko noong party namin last year napilit ako ng bestfriend ko at sumama naman ako kasi iniyakan niya ako at talagang nagmakaawa siya, sobrang naniwala ako hanggang sa pinainom nila ako ng juice na may alak. Ayun, namantal ako ng sobra. At pangatlo, ipinangako ko sa sarili ko na magfofocus ako sa pagaaral ko, kaso… Mukhang umipekto rin sa akin iyong pagmamakaawa effect ni Jade at sinabi pa niya na hindi na niya itutuloy ang birthday party kung hindi ako sasama. Parang napaka-unfair naman kung ganoon, bakit kailangan na ako iyong maging dahilan kung bakit 'di matutuloy? Napabuntong hingina ako at bigla niyang sinabi na kung problema ko raw ay ang isusuot ko, siya na raw ang bahala. Mas lalo tuloy akong nakonsensya. Hindi naman sa pagiging materialistic, o gold digger, libre na iyon. At, kailan pa ba noong huli akong nagkaroon ng bagong damit? Kaya kahit na hindi ko gustong sumama ay pumayag na rin ako, basta pinapangako niya uuwi ako sa tamang oras at higit sa lahat hindi ako iinom ng alak. Kaya napapayag na rin ako. Sana walang aberyang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD