Chapter 1

837 Words
Chapter 1 Andrea's POV Hay, salamat. Nakarating din sa wakas. Hindi ko inaasahan na makakarating ako dito ng ganoon kabilis. Sa layo ba naman ng pinanggalingan ko, at first time ko lang makatapak sa maynila. At totoo nga ang bali-balita, sobrang laki nito. At totoo din ang tsimis na sobrang traffic sa maynila at mausok. Mabuti nalang at may budget pa ako, although 'di ko naman sana kailangan mag grab, at unang araw ko ito sa Treston Academy, nakakahiya kapag nalate ka. Ngayon, alam ko na ang papunta at medyo, medyo malapit lapit lang pala ito sa apartment. kaya, kaya ko nang lakarin ito mamaya pauwi. Ako nga pala si Andrea Bautista, Grade 8 student. Dati akong nagaaral sa Occidental Mindoro City University at ngayon ay sa Treston Academy na. Isang scholar. Sa libo-libong aplikante ng scholarship para sa Treston Academy ay ako ang maswerteng napili. Marahil na rin siguro sa lungkot ng kwento ng buhay ko, Hindi ko alam, pero thankful ako kasi mayroon akong chance para ipagpatuloy ko ang pangarap kong makapagtapos. Ang kailangan ko lang gawin ay magfocus, magfocus at magfocus para makapagtapos. Oy, rhyme iyon ah? Pagpasok ko ay tsinek ng guard ang gamit ko, hindi kaagad ako nito pinapasok at pinatabi muna ako nang pumasok ang grupo ng mga basketball players na akala mo diyos ang tingin sa kanilang mga sarili. Sa haba ng pinila ko aakalain mong mayroon ng pila ng NFA rice dito, o audition para sa bagong housemate ni Kuya sa pbb. Pero, nang pumasok ang limang iyon, ni pagtsek sa gamit nila ay di na ginawa ng mga guard. "Feeling gwapo," rinig kong sabi ng babaeng nasa likuran ko, napatingin ako sa kaniya ng minutong iyon at saka sumangayon sa sinabi niya. Sa wakas, mayroon akong isang taong kakampi sa mga taong nababaliw sa mga amoy pawis na mga lalaking iyon. "Hi," bati ko sa kaniya. "Yes?" tanong niya sa akin. "Hate mo rin sila?" tanong ko sa kaniya, laking gulat ko nang bigla siyang ngumisi. "I mean, i don't hate them literally but you know, i hate their guts, feeling entitled sa lahat ng bagay." saka siy tumawa ng malakas. Nagtaka ako siyempre, ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Hanggang sa inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka sa kinikilos niya. Hanggang sa tumigil na siya sa pag tawa. "Jade," 'Okay? " sabi ko. "And you are?" tanong niya sa akin. "Andrea," sagot ko. "Nice to meet you, Andrea." nakakatomboy ang ganda niya. Kamukha niya si Yassi Pressman, at halatang may lahi siya. Pagkatapos ay pinapasok na kami ng guard. Sabay kaming pumasok ni Jade sa loob ng campus. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking school. Hindi lang siya basta-basta malaki, sobrang laki niya. At state of the art ang buildings dito. Since naramdaman ni Jade na bago palang ako dito, naginsist na siya na ilibot ako sa buong campus, mayroon pa kasing 1hour kaming natitira bago magsimula ang klase at nalaman ko na pareho pala kami ng room ni Jade and sadly those five jerks awhile ago are also my classmates. Gaya ng sabi ko kanina, sobrang ganda dito sa Treston Academy, noong iprinesent palang ito sa amin sa school, isa na ito sa mga kinonsider ko na pagapplayan for scholarship, since 'di ko naman kaya na pag-aralin magisa ang sarili ko. Luckily, nakapasok ako. Thank you so much, Lord! Una niya akong dinala sa soccer stadium. Ngayon lang ako nakakita ng stadium at sobrang laki nito. Tapos, sunod naman ang student park, sunod ang student locker room, tapos cafeteria at huli ay ang basketball stadium at doon ko ulit nakita ang mga lalaking iyon, hanggang sa laking gulat ko nang tinawag nila si Jade. "Hey, sis!" tawag ng isa sa kanila na parang kahawig ni Jade. Tapos biglang tumawa ang mga kasama niya. Sinabi ni Jade na hwag ko raw silang paninsin at magpatuloy lang raw ako sa paglalakad nang biglang may tumama sa ulo ko, at pagtingin ko, bola pala ito. Napatingin ako sa kanila at bigla nilang tinuro ang isang lalaki. Na nakatayo ang buhok. Kinuha ko ang bola sa paanan ko at lumapit ako sa kanila, tapos tinignan nila ako ng masama, pero tinuon ko ang masama kong titig sa lalaking tinuro nila. Nagsasalita sila nang kung ano ano pero di ko sila pinapakinggan. Nakatuon parin ang tingin ko sa lalaking ito, hanggang sa narinig ko ang boses ni Jade, at sinabi nitong pabayaan ko nalang sila. Huminga ako ng malalim at saka ko kinuha ang ballpen sa loob ng bulsa ko't saka ko binutas ang bola sa harap niya at hinampas ito sa dibdib niya saka ako tumalikod, narinig ko ang bulonh bulungan ng mga taong nakakita sa ginawa ko, hanggang sa narinig ko ang boses niya. "Hey, who are you? " muli akong humarap saka huminto at ipinakilala ko ang sarili ko. "It's for you to find out, jerk." sagot ko saka ako tumalikod at muling lumapit kay Jade
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD