13

1117 Words
The wind had chilled Lester to the bone. Unang beses niyang nakatuntong sa Boston at tunay na nakakapanibago ang klima sa panig na iyon ng America. Madalas na sa California lang siya nagtutungo kapag nandito siya sa US. Why did I come here on the first place? Naitanong niya sa sarili. Nasa harbor area sila ng Boston para sa dinner na inorganisa ng mga kaibigan ni Jillian. Kanina pa siya naiingayan sa loob ng restaurant kaya nagpasya siyang lumabas at panoorin ang marine vessels na nasa daungan. Such a beautiful sight, naisip niya Ibinuka niya ang kanyang palad na nababalot ng gwantes at sinubukang iharang sa namumuong snowflakes na nalaglag mula sa itaas. “Are you all right?” tanong ni Jillian mula sa kanyang likuran. Lumapit ito at umupo sa tabi niya. “You seemed so preoccupied lately.” Tila may tinutumbok ito sa sinabi. Sa halip na patulan ang sinabi nito ay tahimik na tinungga lang niya ang bote ng root beer. Hindi niya pinagkaabalahang tingnan ito. “Why don’t you go back inside? Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo.” he enjoyed the serenity. Ayaw niyang sirain iyon ng kahit na sino, even Jillian. “May problem aba tayo?” kapagkuwan ay tanong nito. “Wala.” Ako ang may problema at hindi ikaw, Jillian. “Babae?” Tiningnan niya ito- ang mukhang sa matagal na panahon ay hindi niya pinagsasawaang titigan, ang mukhang naging laman ng kanyang mga panaginip at pangarap sa hinaharap. But at the moment, it was just a mere face. Suddenly, Jillian seemed like a stranger to him. Maaatim ba niyang tahasang sabihin dito kung ano ang estado ng kanyang puso? Pero kaya pa rin ba niyang patuloy na magpapanggap? Yes, nagpapanggap lamang siya na mahal pa rin niya ito dahil ang totoo ay matagal nang may pumalit sa puwesto nito sa puso niya. He was torn between love and duty. Kung pipiliin niya ang tama wghich was to continue pretending that he loved Jillian and that he wanted to go on with the wedding ay siya ang masasaktan. Kung ang puso naman ang susundin niya ay malalagay sa kapahamakan ang babaeng mahal niya. Nanimbang siya sa magkasalungat na tugon ng kanyang puso at isip. “What is the sense in us getting married?” tanong niya nang sa wakas ay pinili niyang magpakatotoo. Matalino si Jillian. Alam niyang alam nito kung ano ang pinapahiwatig ng mga ikinikilos at pananamlay niya. “Let’s call everything off,” sa wakas ay namutawi sa kanyang bibig. Jillian just sat there gazing at him. Sa mukha nito ay nagpapalit-pakit ang iba’t ibang ekspresyon. Tila hindi ito makapaniwala ngunit mas nangibabaw ang galit nito higit sa ano pa man. Ang maamo at magandang mukha nito ay napintahan ng galit at poot. “How dare you do this to me?” Napatayo na ito dahil sa matinding galit. “I’m not happy anymore, Jillian. Kung itutulooy natin ang lahat ng ito ay mauuwi rin lang tayo sa hiwalayan. Kaya habang may natitira pang respeto at pagkakaibigan sa ating dalawa ay itigil na natin ang kahibangang ito.” “Who is the woman?” mariing tanong nito. Ang galit na pinigil nito ay tuluyan nang humulagpos kasabay ng pagdapo ng magkasunod na sampal sa mukha niya. Kung iyon ang paraan para pakawalan siya nito ay buong puso niyang tatanggapin ang mga mura at sampal nito. ni ang salagin ang kamay nito ay hindi niya ginawa. Hanggang sa mapagod ito. kusa itong sumuko at napahagulgol sa kanyang harap. “I’m sorry, Jillian.” Hindi ito sumagot. “I came here to offer you marriage. But when I finally saw you, napatotohanan ang hinala ko. Hindi na kita mahal. Matagal na ngunit pinilit ko lang na labanan ang lahat. But that was long ago. Iba na ang takbo at isip niya ngayon. Kung kinakailangan ay ibaba niya ang pride at dignidad para lang matakasan ang isang posibleng kulungan na kahahantungan kapag natuloy ang kasal nila ni Jillian. “I’m beggibg you to please let me go.” “And what makes you think na pakakawalan kita when the only person I’ve ever loved is you, ha?” Minahal din naman niya ito ng lubos. Nang dahil sa pagmamahal na iyon ay nagawa niyang kamuhian si Clarissa dahil sa labis na sakit na ibinigay nito sa kalooban ni Jillian. Wala siyang ibang hinangad kundi ang protektahan ito sa mga taong nais manakit dito. Isa na nga si Clarissa ayon sa paniniwala nito. Nasasaktan siya kapag nakikitang nahihirapan ang kalooban nito kaya mas naging sympathetic siya sa babae. “Mark my words, Lester. Ikakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo,” nagbabantang sabi nito bago ito tuluyang umalis. Alam niyang nasasaktan lang ang pride nito kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon nito. Kapag humupa na ang galit nito ay maiisip din nitong tama siya at magdedesisyon itong umatras sa kasal. Napabuga siya ng hangin. Nasabi na niya ang totoo. Ang dapat niyang gawin ay umuwi ng Pilipinas- back to where his heart really belonged. Nang makauwi siya sa tinutulyang hotel ay kaagad siyang nag-empake at dumiretso sa airport. He was hoping na may makuhang biyahe pabalik sa Maynila bilang isang chance passenger, and thankfully, mayroon nga. Habang lulan ng eroplano ay kung anu-ano ang sumasagi sa isip niya. Kung magagawa lang sana niyang pabilisin ang oars ay ginawa na niya para muling masilayan si Clarissa. Noon ay nagdalawang-isip pa siya  tungkol sa nararamdaman niay sa dalaga. Ang buong akala niya ay natutuwa lang siya sa company nito. Suicide ang gagawin niya. Maraming magagalit sa kanya. But why should he care about other people’s opinion? He might sound selfish pero iyon ang alam niyang tama. Nang masilayan sa wakas ang NAIA ay matinding kasiyahan ang naramdaman niya. the long wait was over. Nakipag-unahan siya sa gitna ng mga taong papalabas ng airport. Thankfully ay madali siyang nakakuha ng taxi. “Manong, bilisan n’yo po.” Kung pwede lang na siya na ang magmaneho ay kanina pa niya ginawa. Nang makarating siya sa bahay ni Clarissa ay agad siyang sinalubong ni Nympha, isa sa mg katulong doon. “Tatawagin ko lang si Ate Clarissa,” sabi nito saka pumasok sa kabahayan. Mas pinili niyang sa pool araea hintayin si Clarissa dahil anuman ang mapapag-usapan nila ay hindi malalagay sa alanganin ang dalaga. Habang nakaupo sa steel bench ay kung anu-ano ang naiisip niyag sabihin sa dalaga. Kung saan siya magsisimula at kung paano iahahayag dito ang pag-ibig. Sa unang pagkakataon ay dedepende siya sa tadhana. Fate would decide for him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD