Habang nagprepara kami sa mga lulutuin sa haponan ng Moonzarte. Sobrang layo na ng iniiisip ko kapag nakita ko na ang totoo kong ama. Na-excite na kinakabahan. Ganito pala ang feeling na iyon. Nangangarap lang ako noon na makita siya pero ngayon abot kamay ko na siya. Kahit ano'ng oras puwede ko siyang masilayan. Sa naririnig ko sa mansyon, nasa mahabang lamesa ang buong pamilya nila ngayon sa kanilang haponan. Hindi na ako mapakali habang niluluto ko ang sarili kong recipe. Sabi ni Manang Marites dapat mahumaling ko ang pamilyang Moonzarte sa luto ko. Kaya todo effort ako sa pagpapasarap nito. Mabuti na lang tinulungan rin ako ng isa pang katulong na si Aiza kaya hindi na ako nahirapan mag-adjust sa seasoning at mga sangkap. Dahil first timer ko rito, nagpatulong rin ako kung paano g