Dumaan kami sa hallway na wala masiyadong estudyante. Kaladkad niya ako, samantalang hindi ko naman alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Medyo naguguluhan ako sa pinapakita niyang galit sa akin. Nangalaiti siya at tagis ang bagang. Klaro ko ang kanyang panga dahil naka-side-view siya sa akin. Pilit kong kinuha ang braso ko sa kanyang pagkakahawak pero hindi niya talaga binitawan hangga't hindi kami makarating sa kanyang kotse na nasa loob lang ng parking lot ng school. Tahimik rito at tago ang parte ng kanyang kotse kung saan niya ito pinipuwesto. Pinatunog niya ang kanyang kotse, pagkatapos binuksan ang pintuan. Pinasok niya ako sa loob ng pabagsak. May sasabihin pa sana ako pero nanlaki na ang mga mata ko nang matingnan ko ang seryoso niyang tingin sa akin, umurong tuloy ang dila ko