"Palabasin niyo ako rito! Wala akong kasalanan!" paghagulhol ko sa loob ng rehas. Maraming mga pulis ang nadaanan ko sa aking harapan. Tiningnan lang nila ako sandali pagkatapos nagpatuloy na sa kanilang ginagawa. Hindi man lang ako pinapansin na kanina pa ngumangawa rito para palabasin. Ilang beses akong nagmakaawa sa kanila sa pagkat wala naman akong kasalanan. Para lang akong hangin sa loob ng rehas. Walang pumapansin sa akin. Napahilamos na lang ako ng mukha ko. I'm frustrated right now. I don't know what to do to get out of here. Wala naman akong kasalanan para ikulong nila rito. Wala silang ebedensiya. Hindi ako nagnakaw sa mga Moonzarte, kaya paano nagawa ni Rebecca na ipakulong ako kahit wala naman akong kasalanan? Posible bang magawa niya iyon? Kung sa bagay, wala naman akong