Pagkagising ko may mabigat na braso at binti ang nakapatong sa akin. May malalim din na paghinga akong naramdaman sa may leegan ko. Nakayapos ang lalaki sa akin habang hindi naman ako mapakali. Tulala akong nakatingin sa kisame. Actually kanina pa ako gising pero hindi ko talaga kayang tumayo sa sakit ng katawan ko. Kanina pa naglandasan ang luha ko. I felt like a trash, para akong patapon na babae na basta-basta na lang sumuko at nanghina dahil lang sa isang lalaki na hindi ko kilala. Para akong lalagnatin. Pakiramdam ko binabalik-balikan ako ng bangungot na nangyari kagabi. Ang gitnang bahagi ko naman halos mapapikit ako sa sakit sa tuwing pinapakiramdaman ko ito. Ganito pala ang feeling na first time mong makalasap ng ganoon. Sa tuwing naalala ko, agad akong nanghina. Agad akong n