Kabanata VII

1332 Words
Kabanata VII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA "ARF. ARF. ARF." "AAAAYYYYYY!" Napatakbo ako palapit kay Kulas nang habulin ako ng asong tila ba nagngingitngit sa galit dahil nakalabas lahat ng pangil nito. "Hoy, anong ginagawa mo?" Agad-agad inilagay ni Kulas ang kanyang mga kamay sa maselang bahagi ng kanyang katawan nang patakbo akong lumapit sa kanya at magtago sa kanyang likuran. Mula doon ay pinaaalis niya ako. "Nananadya ka ba? Bumalik ka na sa ubasan at magbibihis muna ako," galit niyang utos. Hindi ako kumibo dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Mas gusto ko na lamang makakita ng puwet ng lalaki kaysa naman makagat ng aso ang aking puwet. Teka, pinagpala ang puwet niya ha? Maumbok, perpektong perpekto. Napalunok ako nang mga sandaling iyon. Maya maya ay tinanggal niya na ang mga kamay niya sa maselang bahagi niya at saka humarap sa akin. Dali-dali kong inangat ang mukha ko at tumingin lang sa kanya dahil natitiyak kong mas lalo kong makikita ng malapitan ang bagay na iyon na sa malayo ko lamang natatanaw kanina. Bakit ba kasi hubo't hubad siyang naliligo dito sa labas? "Kung ayaw mong makita ito, tumalikod ka na at kunin mo ang tuwalya sa loob ng amingan," utos niya sa akin. Ngunit nandoon ang aso. Paano ako lalapit? "Ngunit paano kung…," hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil naglakad na siya paalis. Kahit pa gusto kong iwasan na makita ang bagay na iyon ay bakit tila minamagnet ang mga mata ko at napipilitan ang mga iyon na tingnan ang nakalaylay na bagay sa pagitan ng mga hita niya. Dios ko. Nakakita na ako ng ganito sa asawa ko ngunit ibang iba ito. Bakit ba ako tumitingin? Sa palagay ko ay namumula na ang mga pisngi ko dahil nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga ito. Hanggang sa ilang sandali pa ay lumabas na siya ng amingan. Nagmamadali siyang naglakad palayo at saka ako humabol. "Sandali lang," wika ko at saka ako kumapit sa kanya dahil nakasunod sa amin ang aso. "Huwag mo akong hahawakan," aniya saka tinanggal ang kamay ko na nakakapit sa kanyang braso. Nakasuot siya ng sando na kulay itim at maong na pantalon saka nakatsinelas. Amoy na amoy ko rin ang tapang ng sabon na gamit niya at bahagyang tumutulo mula sa kanyang leeg ang mga butil ng tubig mula sa kanyang ulo. "Bakit ba kasi naliligo ka sa labas ng walang saplot?" Tanong ko sa kanya saka siya huminto sa paglalakad at tiningnan ako sa aking mga mata. "Wala ka nang pakialaman doon dahil matagal ko na iyong ginagawa. Ikaw, bakit ka ba kasi nagpupunta doon? Hindi ba pwedeng hintayin mo ako sa aking pagdating?" Umigting ang panga niya nang sabihin niya iyon at halatang galit siya. Napayuko ako at nag-isip ng sasabihin sa kanya. Hanggang sa makapag-isip ako ng sasabihin at saka ako tumingin sa kanyang mga mata na naghihintay pa rin ng kasagutan. "Bakit ba kasi wala ka pa sa gawaan ng alak? Alam mo bang tanghali na? Hindi ka dapat nahuhuli," taas noo kong wika. "Alam mo ba kung saan ako galing ha?" Lumapit siya sa akin at saka mahigpit na hinawakan ang braso ko. Pinilit kong maging matatag kahit pa nadarama ko na ang sakit ng pagkakahawak niya sa aking mga kamay. "Bitawan mo ako," sabi ko pa ngunit malakas talaga siya. "Galing ako sa manggahan dahil namitas ako ng mga mangga, nangati ako dahil sa di malamang dahilan kaya't naligo ako. Kaya't kung iisipin mong huli ako sa trabaho ay nagkakamali ka," mahina ang boses niya at napakalalim niyon kaya naman nadama ko ang takot na baka saktan niya ako. Napakalaki niyang tao at kung tutuusin ay kayang kaya niya lamang akong ibalibag sa oras hindi niya mapigilang magalit sa akin. Natitiyak kong mapuputol ang mga buto ko kapag nangyari iyon. "Nasasaktan ako, ano ba?" Saka ko buong pwersang hinila ang kamay ko at walang anu-ano ay sinampal siya sa kanyang mukha ng napakalakas. Nagmadali akong naglakad paalis dala dala ang takot sa aking dibdib dahil baka gumanti siya sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Maging ako ay nabigla rin sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Kaya naman upang makatakas sa kung ano man ang balak niyang paghihiganti sa ginawa ko ay kailangan kong magmadaling umalis sa lugar na ito. Natatakot ako. Hanggang sa maramdaman ko na lang na mayroong humablot sa kamay ko at saka ako biglang hinila palapit sa isang matigas na bagay na sa huli ay napagtanto kong katawan pala ng isang lalaki. Magkadikit ang mga katawan naming dalawa ni Kulas habang nakatitig siya sa aking mga mata. Punong puno ng galit ang mga iyon at tila ba lalapain niya ako ng buhay dahil sa sobrang dilim na paningin niya sa akin. Napakabilis ng t***k ng puso ko at hindi ko mawari kung dahil ba sa takot o kung dahil sa bagay na hindi ko maipaliwanag kung ano at kung bakit. "Huwag mo akong susubukang galitin Jimena. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag pinilit mo akong magalit," buong buo ang kanyang boses habang sinasabi iyon at hinding hindi ako makaiiwas dito. "Bitawan mo ako Kulas, isusumbong kita sa papa ko," nagpumiglas ako. "Narinig mo ba ang sabi ng Don kagabi? Dapat kitang tratuhin na parang ordinaryong tao lang at hindi bilang anak ng may-ari ng mansion. Kaya't nasa kamay kita ngayon, ginang," saka niya hinawakan ang pisngi ko at tila ba mayroon siyang balak na gawin. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at saka ako napapikit. "Huwag kang pumikit, panoorin mo kung paano kita parurusahan sa bagay na kahapon ko pa nakikitang ginagawa mo at iniisip mo," saka niya ako biglang hinalikan sa aking mga labi. Nagulat ako dahil ginawa niya iyon at mas lalo akong nagulat dahil ni hindi ako nagreklamo. Nagpaubaya ako sa kanya, sa kanyang mapagparusang halik at tila ba nalalasing ako sa hatid nitong tamis at pananabik. Gumapang ang mga kamay niya sa aking katawan at huli na nang malaman kong buhat buhat niya na pala ako at naglalakad na papunta sa kanyang amingan. Handa na ba ako? Dahan dahan niya akong inilapag sa papag, sa loob ng kanyang kwarto at siya na mismo ang nagtanggal ng mga kasuotan niya. Muli ay tumambad sa akin ang maganda niyang pangangatawan at ang ngayon ay naninigas na niyang kahabaan. Napalunok ako nang makita iyon. "Anong hinihintay mo? Hindi ka ba maghuhubad?" Tanong niya. Para akong kontrolado ng kanyang mga utos kaya't dali dali akong naghubad sa harapan niya habang nakatitig lang sa kanya. At nang i-pwesto niya ang sarili niya sa pagitan ng aking mga hita ay napagtanto kong mali ito ngunit mayroong kung ano sa isipan ko na nagsasabing gusto kong gawin iyon. At saka ako nakadama ng tila ba bumubulusok na matigas na bagay sa aking kaibuturan at nagmamadali iyong naglabas masok sa akin. Napakapit ako sa matipuno niyang bisig at napakagat labi. "Kulas, dahan-dahan," pakiusap ko. "Walang lugar para sa pagdadahan-dahan, Jimena. Ginusto mo ito, magdusa ka," aniya saka nakatitig lamang sa akin at mabilis akong binabayo na parang wala lang sa kanya. Marahas, mabigat, mabilis at malalim ang ginagawa niyang pag-ulos. Napapikit ako ngunit mas gusto kong makita ang mukha niya. "Malapit naaaa," ungol ko nang madama ko ang nalalapit kong pagdating. Sa buong pagkadismaya ko ay hinugot niya ang kahabaan niya at saka agad nagbihis. "Anong problema?" Dismayado kong tanong. "Nagbago na ang isip ko. Magbihis ka na at sumunod ka sa akin sa ubasan," saka niya dinampot ang sando at nakamaong lang na lumabas ng amingan. Bwisit na lalaking ito. Damuho. Pagtatapos ng Ika-Pitong Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD