Kabanata XI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA NAWALA AKO SA AKING TAMANG HUWISYO nang nalasahan ko ang matamis niyang mga labi. Malambot iyon at talaga namang napapikit ako sapagkat damang dama ko ang nag-aalab niyang pagnanasa na parusahan ako. Itinulak ko siya nang mapagtanto ko na hindi na naman maganda ang kalalabasan nito kung sakali. "Kulas, anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya at napahinto siya saka tumingin sa aking mga mata. "Nararapat lamang sa'yo na gawin ko ito dahil matigas ang ulo m