Kabanata 28 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA HINDI ko alam kung bakit siya namatay, ngunit hindi malinaw sa akin kung saan ba siya natagpuan sa ganitong kalagayan. Dinala na si Kulas sa isang silid at naiwan ako sa labas na nakatitig pa rin sa bangkay ng babaeng kagabi lang ay kahalikan ni Kulas sa aming mansion. Sinundan ko siya at hindi na muna inasikaso si Kulas. Nandoon na rin naman siya sa kamay ng mga manggagamot kaya't nag-aksaya ako ng oras sa pag-uusyoso sa kinahinatnan ni Minerva. "Sanda