Kabanata XXV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga mambabasang hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ang ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang ng may akda. JIMENA MAAGA AKONG UMUWI. Sinundo ako ni Aling Inicia sa unang pagkakataon gamit ang kalesa ng mansion. Ngunit hindi muna kami kaagad umalis sapagkat mayroon pang naging pag-uusap sina Kulas at ang matanda. Hindi na ako nakisali sa kanilang usapan sapagkat nakadama ako ng antok. Nasa loob lamang ako ng kalesa hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo ni Aling Inicia sa aking tabi. “Umusog ka doon hija, at nang magkasya tayo,” aniya. Nakapiki