Kabanata VIII
Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang.
NICHOLAS
HINDI NA AKO NAKAPAGPIGIL PA, NGUNIT NAKONTROL KO BAGO MAHULI ANG LAHAT.
Agad kong hinugot at agad ko na rin siyang pinagbihis upang sa ganon ay makalabas na siya at sundan ko sa ubasan.
Laking pagsisisi ko sa ginawa ko dahil hindi ako nagbigay ng kontrol sa sarili ko. Alam ko ang ginawa ko at alam ko rin na sobra akong apektado sa mga nangyayari kanina.
Nadala ako sa ganda niya, sa kaniyang kaunting ka-inosentehan at sa kaniyang kakaibang karisma na sa kanya ko pa lang nakita.
Alam kong mayroon na siyang asawa, alam ko rin naman na hindi siya masaya sa kanyang asawa dahil sa mga nakita ko kagabi. Hindi maikakaila sa kanyang mga mata ang pagtingin niya sa akin at sising sisi ako dahil ginamit ko ang mga bagay na iyon upang halos maisakatuparan ko ang paglalabas ng init ng aking katawan.
Hindi ako ganitong klase ng lalaki, aaminin kong mayroon din akong pantasya ngunit hindi ako ganito. Marahil ay dahil nadala ako at nais ko siyang dalain at parusahan upang matakot na siya sa akin.
Katangahan ang ginawa ko at sising sisi ako ngayon.
Ano pa kaya ang mukhang maihaharap ko sa kanya?
Nagmadali akong nagtungo sa ubasan at nagtuon ng buong atensyon sa mga gawain doon. Alam kong maya-maya ay susunod siya ngunit sa ngayon ay ramdam ko rin na nahihiya siya.
Habang nagbibisita ako ng mga pinoprosesong ubas ay naglakad siya palapit sa akin.
Ayaw ko siyang tingnan o kaya ay bigyan ng atensyon man lang. Namuo ang hiya sa aking damdamin at hindi ko maikakaila na namamawis ako ng dahil doon.
"Kulas, mag-usap nga tayo," tumayo siya sa malapit sa akin.
Hindi ako kumibo at nagbigay ng kahit na ano mang reaksyon.
"Huwag kang magbingi-bingihan, mag-usap tayo," aniya saka lumipat sa kabilang bahagi.
Tumayo ako ng matuwid at saka ako huminga ng malalim at tumingin sa kanya.
"Ano bang nais mong mangyari?" Namewang ako at saka ako tumitig sa kanyang mga mata.
Nakikipagtuos sa akin ang kanyang mga tingin na para bang kaya niya na ako ngayong tingnan ng deretso sa aking mga mata. Hindi na kagaya ng kahapon na halos hindi siya makatitig sa akin.
"Ipaliwanag mo nga sa akin ang bagay na iyon?" Aniya.
"Mali ang bagay na iyon at hindi ko dapat ginawa," saka ako naglakad paalis.
Ngunit naghabol siya sa akin at saka ako pinilit na ipaharap sa kanya.
"Kung alam mo palang mali, bakit mo sinimulan?" Tuluyan na akong nakaharap sa kanya.
Tumingin muna ako sa kanyang mga mata bago ako tumingala at bumuga ng hangin mula sa aking dibdib at muli namang tumitig sa kanya.
"Ang bagay na iyon ay pinagsisisihan ko na. Maaari mo akong isumbong sa Don o kaya ay sa asawa mo, gawin mo kung ano ang nararapat, ngunit isa lang ang sasabihin ko, maling mali ang bagay na iyon at pinagsisisihan ko ng sobra," madiin ang pagkakasabi ko nito sa kanya at alam kong nais niya akong tanungin kung ano ang motibo ko sa aking paggawa ng bagay na iyon sa kanya.
"Kulas, hindi ko maintindihan," aniya.
"Alin ang hindi mo maintindihan Jimena?"
"Ang lahat lahat," sinigawan niya ako.
"Puwes huwag mo nang intindihin, huwag mo nang isipin," inilahad ko sa kanya ang mga kamay ko upang sa ganon ay bigyang diin ang bawat bagay na nais kong sabihin sa kanya.
Ang akala ko ay magsasalita pa siya ngunit nagulat ako nang magkakasunod na sampal ang inabot ko sa kanya. Kaliwa't kanan na sampal ang inabot ko at saka niya isinunod na suntukin ang dibdib ko.
"Bastos ka, walang hiya ka, bastardo ka," iyon ang mga namutawi sa kanyang mga labi habang ginagawa niya iyon sa akin.
Ngunit hinayaan ko lamang siyang gawin iyon. Nauunawaan ko siya sapagkat mali talaga ang ginawa ko.
"Kulas, bakit?" Saka siya nagtanong sa akin ng bagay na hindi ko alam kung paano sagutin.
"Ginang, mali ang bagay na iyon at kulang pa ang pisikalin mo ako upang makabayad ako sa ginawa ko sa'yo," hinawakan ko ang mga kamay niya at pinilit ko siyang saktan pa ako.
Ngunit hindi iyon ang ginawa niya, agad niyang ikinawit sa aking leeg ang kanyang mga kamay at nagulat na lamang ako nang sibasibin niya ang mga labi ko.
Napaatras ako at pinilit ko siyang ilayo sa akin ngunit napaka-higpit ng kanyang mga kamay at halos ayaw niyang bitawan ang mga labi ko.
"Mali ito Jimena, mali, uhhhmtsssspp," panay ang pagkakasabi ko nito ngunit patuloy kong pinagtatagpo ang mga labi naming dalawa.
"Ituloy mo ang bagay na iyon Kulas, ituloy mo," hinawakan niya ang laylayan ng aking suot na sando at saka iyon matagumpay na itinaas at tuluyan na niyang nahubad.
Bumagsak na lamang iyon sa sahig at saka niya ako itinulak. Nadama ko ang malamig na pader sa aking likuran at doon niya ako ginawang bihag sa kanyang mga halik.
"Kulas, nilalason mo ako at hinding hindi ko magawang kalimutan ang bagay na ito nang ganun-ganun na lamang," siya na rin ang nagmadaling magtanggal ng butones ng pantalon ko at saka iyon ibinaba hanggang tuhod ko.
Naiwang nakasuot ang itim kong panloob bago niya ako muling hagkan at lasapin ang aking mga labi.
"Kulas, binabaliw mo ako, alam mo ba iyon? Ipinapakita mo sa akin ang bagay na hindi ko matagpuan sa aking asawa kaya't bakit hindi ko pagbibigyan ang sarili ko," iyon ang wika niya bago pa man niya ako halikan sa aking leeg, sa aking lalagukan, sa likod ng tenga at sa aking mga labi habang malayang naglalakbay at hinahaplos ng kanyang mga kamay ang katawan ko.
"Jimena, itigil mo na ito," hinigit ko ang mga pupulsuhan niya ngunit hindi siya tumigil sa ginagawa.
"Kulas, pinasasabik mo lamang ako sa tuwing tumatanggi ka," aniya saka siya humalik sa pagitan ng aking dibdib.
Napasinghap ako at napapikit dahil sa kiliti na hatid ng kanyang malambot na labi.
"Kung ayaw mong gawin ay ako ang gagawa sa'yo nito. Kaya't huwag ka nang pumalag, kung ayaw mong isumbong kita sa papa ko," iyon ang wika niya bago niya ako muling puspusin ng halik sa aking mga labi, sa katawan ko at sa mga parte ng katawan kong nais niyang mahalikan.
Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako dinomina ng babae pagdating sa pagtatalik.
Ngayon lang talaga.
Kung kaya't hindi ko alam kung paano ito mangyayari.
Bahala na.
Pagtatapos ng Ika-walong Kabanata.