Kabanata XIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. NICHOLAS NAGANAP na ang unang bahagi ng plano ko. Nakuha ko na siya at alam ko na ang susunod na mangyayari dito. Hahanap-hanapin niya na ako at hindi niya ako makakalimutan. Pagkatapos ng naganap sa aming dalawa ay nahiga ako sa tabi niya at siya naman ay nakatulala lamang na nakahiga rin sa aking tabi. “Kulas, hinding hindi ko makakalimutan ang bagay na ito. Pinunan mo ang isa sa aking mga panangangailangan,” lumingon siya sa akin saka siya tumagilid at pin