Kabanata VI

1119 Words
Kabanata VI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA HINDI AKO makakain ng maayos dahil sa kanyang mga titig sa akin. Panay ang pag-inom ko ng tubig sapagkat hindi ko manguya ng maayos ang aking kinakain. Hindi ko rin magawang maituon ng mabuti ang aking atensyon sa aking kinakain sapagkat sa bawat galaw ko ay nakikita niya ako. Panay ang pag-uusap nila ngunit nananatili aking tahimik sapagkat sa loob loob ko ay nalulusaw na ako sa hindi ko malamang dahilan. "Hindi nga ba Jimena?" Boses iyon ni papa. "Ano nga ulit iyon,papa?" Napalingon ako sa kinaroroonan ng aking papa at pinaulit kung ano ang sinabi niya. "Aba'y kanina pa tayo nag-uusap, hindi ka ba nakikinig?" Tanong ng papa at saka ako biglang kinabahan. Naririnig ko silang nag-uusap ngunit hindi ako nakikinig sa kanila sapagka't mas malakas ang dagundong ng aking dibdib kaysa sa mga bagay na naririnig ko mula sa kanila. "Pasensya na papa, hindi ko po kayo narinig ng mabuti," pag-amin ko naman. "Ang aming pinag-uusapan ay ang tungkol sa pagnanais mong matuto sa mga gawain sa ubasan. Balak ni papa na italaga ko doon upang hindi ka nakakulong sa mansion," si Herman na ang nagsabi ng tungkol dito kaya naman naunawaan ko na. "Ay ganon po ba. Oo nga po, sapagkat pakiramdam ko ay nakakulong ako sa ating mansion sa tuwing wala akong magawa. Mas mabuti ngang magsanay ako ng mabuti sa mga gawain sa ubasan upang mas lalo akong maging bihasa," pagsang-ayon ko sa kanila. "Kung kaya't inimbitahan ko si Kulas dito ngayon sa ating hapunan upang sa ganon ay makausap ko siya patungkol sa mga bagay na kailangan niyang ihanda para sa iyong pagsasanay doon hija," dagdag pa ni papa saka tumingin kay Kulas. Tahimik lang ang ginoo at wala ring ekpresyon sa kanyang mukha. "Kulas, anong masasabi mo tungkol sa bagay na ito?" Tanong ni papa. Ngumuya muna ang ginoo bago pa siya sumagot. "Ayos lamang po ang inyong desisyon Don Juancho. Mabuti nga pong magkaroon ng tagapamahala sa ubasan mula sa mansion upang makita po ninyo ang kalagayan doon," aniya. Nagpabalik-balik ang tingin niya mula sa akin at kay papa. Mayroong kakaiba sa kanyang mga mata na sa kanya ko lamang nakikita. Nakangiti ang mga iyon ngunit ang kanyang mga labi ay hindi. Nakakaakit din ang patubo na niyang balbas at ang hugis ng kanyang mukha ay iyong tipong pang batak sa trabaho talaga. Teka, bakit ba ako nakatitig lamang sa kanya? Baka mahalata ako ni Herman. "Kulas, ikaw na ang bahala sa anak ko. Kung ano man ang hindi niya gagawin na dapat niyang gampanan ay laging bukas ang bahay at ang opisina ko para sa iyo," ani papa na ngayon ay seryosong nakatingin sa isa. "Maraming salamat po at binuksan niyo ang pagkakataon na iyon upang sa ganon ay makapagbibigay ako ng aking mga personal na opinyon sa kung ano man ang mga gawain ni ginang Jimena sa ubasan," sagot ni Kulas. Panay ang pagtaas-baba ng kanyang lalagukan at nakatitig lamang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. Ngunit ang sinabi niya ang gumising sa akin sa kung ano ang pinag-uusapan nila. "Tratuhin mo siya bilang isa sa mga tauhan natin hijo. Huwag mong iisipin na anak ko siya. Ipagawa mo sa kanya ang mga dapat niyang gawin ng walang pag-aalinlangan. Basta't siguruhin lamang na ligtas siya," dagdag pa ni papa. "Makakaasa po kayo Don Juancho. Kung gayon ay panghahawakan ko po ang mga bagay na sinabi ninyo sa akin," saka siya tumingin sa akin. Matalim ang kanyang mga mata at huling huli niya ako sa kanyang ginawang iyon. Napayuko na lamang ako at itinuon sa aking kinakain ang aking atensyon. Nanatili akong walang kibo dahil sa mga bagay na kanilang napag-uusapan. Wala rin kasi akong masabi at maidagdag sa kanilang pag-uusap kaya't mas mabuting manahimik na lamang ako. "Herman, ayos lang ba na ganito ang aking desisyon?" Tanong ni papa sa aking asawa na wala ring kibo sa aking tabi. "Oo papa, ayos lang," pagsang-ayon ng asawa ko. "Kung sana ay mayroon na kayong anak ay mayroon ka na ring pagkakaabalahan Jimena," komento pa ni papa, bagay na ikinatahimik naming dalawa ni Herman.. Hindi pa alam ng papa ang tungkol sa bagay na aming pinagdadaanan. Ang seryosong bagay na ito ang hindi namin masabi sa aking papa sapagkat hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi kami magkakaanak ni Herman at hindi namin siya mabibigyan ng apo. "Bueno, kumain na kayo ng maayos at ako'y matatapos na," sabi pa ni papa bago magpunas ng kanyang labi at uminom. NATAPOS ang hapunan nang magpaalam na si Kulas sa amin. Nakatitig lamang ako sa kanya habang paalis siya. Kanina lamang ay nakayakap ako mula sa kanyang likuran habang tumatakbo ang kabayo. Nalalanghap ko ang natural na amoy niya at lalaking lalaki iyon, napakatapang. Pinagmasdan ko rin ang matipuno rin niyang nga hita at binti na tila ba napakalakas din. "Tara na?" Umakbay sa akin ang asawa ko at ikinagulat ko ang bagay na iyon. "Ta-tara," tumango pa ako saka ako bahagyang tumingin sa kanyang mga mata. Umakyat na kami patungo sa aming silid. Naligo muna si Herman bago siya tumabi sa akin sa aming higaan. KINAUMAGAHAN AY nagising ako dahil sa paggising sa akin ni Herman. Naka-uniporme na siya at ngayon ay alam kong hindi pa siya kumakain. "Halika na, handa na ang hapag-kainan," aniya. Tumayo ako at naghilamos. Sumunod na rin ako sa kanya sa kusina upang sabayan sila ni papa na kumain. UMALIS na rin si Herman pagkatapos kumain. Ako naman ay naghanda na para sa aking pagtungo sa ubasan. Ihahatid akong muli ng kalesa ng mansion. Ngayon ay hindi na sasama si Aling Inicia. Pagdating ko doon ay wala pang tao. Tawag ako ng tawag kay Kulas ngunit wala akong mahanap na Kulas sa loob. Kaya naman naisipan kong baka nasa amingan siya ngayon. Hindi ako nagpamalay na papunta ako sa kanyang kinaroroonan. Pagdating ko doon ay agad kong tinungo ang kinaroroonan ng palikuran at laking gulat ko nang makita ko siyang nakahubo at naliligo sa labas, sa may tabi ng palikuran. Dios ko, bakit naman sa labas siya naliligo? At bakit nakahubo pa? Ang mga mata ko. Paano na? Hindi ako nadala at saka ako sumilip ulit. Naku po, ang ahas, ang haba! Nagkakasala na ako. Pagtatapos ng Ika-Anim na Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD