Kabanata XXII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga mambabasang hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ang ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang ng may akda. JIMENA NATIGIL lang kami sa aming ginagawa nang marinig naming dalawa mula sa di kalayuan ang sigaw ni Aling Inicia. “Kulas! Kulas!” Agad lumabas si Kulas mula sa gawaan ng alak at sumunod naman ako sa kanya. “Bakit po, Aling Inicia?” Bungad na tanong ni Kulas sa matanda. “Nagdala ako ng inyong pananghalian ni Jimena. Heto, mananghalian na kayo,” sabi pa ng matanda. Inilapag nito ang isang basket sa mesa na nasal abas ng gawaan ng al