Kabanata IX

1050 Words
Kabanata IX Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA WALA NA AKO sa tamang huwisyo. Hindi ko na rin alam kung alin ang tama at mali sa mga pinagagawa ko. Ayaw kong magtaksil ngunit ito ang nadarama ko ngayon. Nararamdaman ko ang pangangailangan ko sa bagay na ito sapagkat pakiramdam ko ay salat ako sa atensyon at sa bagay na ito. "Mali ang ginagawa mo Jimena," agad niyang hinawakan ang kamay ko at napakalakas niya lang dahilan upang madali niya akong pigilan sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung paano ako titingin sa kanyang mga mata sapagkat nadama ko kaagad ang kahihiyang ginawa ko. Napaatras ako at saka tumalikod na lamang. Narinig ko siyang humakbang palapit at ang pagtaas ng zipper ng kanyang pantalon. Pinulot niya ang damit niyang nahulog na lamang kaninang tanggalin ko iyon sa kanya. "Alam kong masama ang loob mo dahil hindi ko itinuloy ang bagay na sinimulan ko kanina. Kaya't sinabi ko sa iyo na hindi iyon tama. Pinagsisisihan ko na iyon ginang, kaya't huwag mo na lang isipin iyon. Patas na tayo, ngayon ay nararapat sigurong umuwi ka na, ipagpabukas na lamang natin ang pagsasanay mo," saka siya naglakad palayo sa akin. Inayos ko ang sarili ko at saka nagtaas noo na tila ba walang nangyari. Mayroon akong kahihiyan sa sarili ko ngunit ang bagay na ito ay kailangan kong kalimutan dahil mas lalo akong magiging apektado kapag nagkita kaming muli. Alas nuwebe pa lamang ng umaga ay pinauuwi niya na ako. Magtataka ang papa kapag umuwi ako. Kailangan kong gumawa ng paraan para matuto ngayon. Hindi ako uuwi. Naglakad na rin ako paalis sa kinatatayuan ko at hinabol siya. "Kulas!" Sigaw ko sa kanya. Nangingintab ang kanyang mga balikat dahil sa init ng araw na tumatama dito. "Kulas, hintayin mo ako," sigaw ko habang naghahabol sa kanya. Lumingon siya at nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. "Kulas, turuan mo ako ngayong araw. Hindi ako maaaring umuwi ngayon," hinihingal kong wika habang papalapit sa kanya. "Mayroon akong kailangang gawin ngayon at hindi sa ubasan nakatuon ang atensyon ko ngayon," seryoso lamang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. "Kulas, sasama ako sa'yo," nagpatuloy din ako sa paghahabol sa kanya hanggang sa maging pantay kaming dalawa. Tumigil siya at saka tumingin sa malayo saka nakakunot ang noo na tumitig sa akin. "Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa'yo kanina? Umuwi ka na at hindi kita mahaharap ngayon. May iba akong kailangang gawin," panay ang paggalaw ng kanyang lalagukan dahil sa pagsasalita niya. Nanatili akong walang kibo hanggang sa gumalaw siya at naglakad muli. "Kulas, sasama ako kung saan ka pupunta," sigaw ko at saka muling naghabol. "Magiging pabigat ka lamang doon at hindi mo nanaising magtagal sa pupuntahan ko," aniya. Ngunit dahil determinado akong sumunod sa kanya ay wala akong kibong sumunod na lamang. Bahala na. "SINABI KO KASING HUWAG KA NANG SUMAMA." Puro putik na ang mga paa ko dahil sa bukirin. Nasa initan kami ngayon dahil nag-aararo siya. Nasa tabi naman ako ng inaararo niyang palayan, sa kubo na mayroong upuan. Nakiupo siya dahil gusto niyang magpahinga. Hinubad niya ang suot niyang damit at tanging ang putikang pantalon lamang ang suot niya ngayon. Kumbaga, naliligo siya ngayon ng pawis dahil tagaktak talaga ito. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang kanyang katawan na ngayon ay nangingintab sa pawis. "Kung nagugutom ka na, mayroong kamote diyan. Mamaya pa ako uuwi. Kailangan ko pang tapusin ang ginagawa ko," wika niya saka kinuha ang baso at uminom mula sa garapon ng tubig. "Kamote?" Tanong ko. "Bakit, hindi ka ba kumakain ng kamote?" "Sa pananghalian?" "Mamaya na ako manananghalian sa amingan, pag-uwi ko," aniya. Ayaw kong sabihin sa kanya na nagugutom na ako at hindi ako kumakain ng kamote lamang para sa pananghalian. "Kung sana ay sumunod ka na lang kanina sa sinabi kong umuwi ka na, e di sana ay hindi ka nagugutom ngayon," aniya saka umupong muli sa mahabang upuan. "Anong oras mo ba matatapos ito at bakit ikaw ang gumagawa?" "Dahil mayroong dinaramdam na sakit si Mang Ernesto na siyang nakatalaga dito kaya't ako na lang muna ang gagawa dahil nakakaawa naman ang matanda," napatanaw siya sa palayan. Mabait naman pala talaga. "Anong oras mo matatapos?" Tumingin siya sa akin at sa mga Paa kong puro putik. "Huwag mo akong mandohan at orasan. Kung gusto mo ay umuwi ka na lamang. Mas makakabuti pa para sa ating dalawa," saka siya akmang tatayo. "Kulas," hinawakan ko ang kamay niya. Napalingon naman siya at saka tumingin sa kamay ko na nakakapit sa kanyang kamay. "W-wala," sabi ko saka tinanggal ang mga kamay kong nakakapit sa kanya. Saka siya naglakad palayo. Hindi ko alam kung saan ako iihi dahil sa totoo lang ay naiihi na ako. Hindi ako sanay na umihi sa kung saan saan lamang at wala akong makita na kahit na anong lugar na magiging komportable para ako'y makaihi. Nang makalusong na siyang muli sa putikan ay naglakad ako palayo. Naghanap ako ng maaaring ihian dahil hindi ko na talaga kaya. Hanggang sa hindi ko na kaya. Ibinaba ko na ang aking kasuotan at nagsimula nang umihi. Nasa isang lilim ako ng puno sa di kalayuan at habang umiihi ako ay dinama ko kung paano gumiginhawa ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay nakalabas na rin ang kanina ko pa pinipigilan. Hanggang sa marinig ko ang pagtulo rin ng tila ba tubig mula sa tabi ko, isang metro ang layo sa akin. Tumingala ako at bumaba ang tingin ko sa kung sino iyon. Hindi pa ako natatapos sa pag-ihi ay halos gusto ko nang tumayo dahil nasa tabi ko si Kulas na umiihi na rin sa tabi ko. "Hindi naman siguro masamang sumabay sa'yo sa pag-ihi hindi ba?" Wika niya saka nakangiti lamang sa tabi ko. Ayaw pang makisama ng pantog ko. Hindi pa ako tapos at hindi makatakas sa mga mata ko ang kanyang pang-araro na ngayon ay umiihi na rin. Sinasadya niya ba? Pagtatapos ng Ika-Siyam na Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD