Kabanata X Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang JIMENA “SINASADYA mo ba ang mga bagay na ito?” Agad akong tumayo at nagtaas ng aking kasuotan nang matapos akong umihi. Nakangiti lamang siya na ngayon ay nagtataas na rin ng kanyang zipper. Nakasumbrero siya ng payabyab at walang suot na pang-itaas. Puro putik ang kanyang pantalon at mayroon ding mga putik ang kanyang itaas na bahagi ng kanyang katawan kasama ang nangingintab niyang pawis. “Ginaya lamang kita, ginang. Dito ka umihi kung kaya’t dito din ako iihi,