Kabanata XIV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga mambabasang hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ang ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawing kathang isip lamang ng may akda. NICHOLAS PAGKAABOT sa akin ni Aling Inicia ng susi ay agad na sana akong aalis. Ngunit bigla namang sumulpot mula sa aking likuran si Don Juancho na hindi ko rin inaasahan na kakausapin ako. “Kulas, naparito ka,” aniya saka ako tinapik sa aking kanang balikat. “Oh, Don Juancho,” ang tangi kong bungad sa kanya dahil wala rin akong alam na sabihin. “Anong sadya mo rito?” Tanong niya saka humakbang. “Naparito lamang po ako sapagkat ihinati