A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE
CHAPTER 5
EUNICE;
Maaga ako gumayak para sa pagpasok ko sa opisina need ko na kasi pumasok at ang boss ko ay nagiging halimaw na sa galit at baka tambak narin ang gawain ko,habang nakatingin ako sa salamin bigla kong napansin ang suot kong sing sing hindi ko malaman pero bigla akong napangiti ng maalala ang gabing iyon kung saan nakipaglaro ako ng kasal kasalan na para kaming mga batang naglalaro lang,pero ng biglang sumagi sa isip ko ang mainit naming tagpuan ng gabi ring iyon bigla ako nahimasmasan .
“Sh*t bakit ba ganito pakiramdam ko bakit sa tuwing sasagi sa isip ko iyong mga nangyari samin bigla nalang nag iinit ang katawan ko? Ano Eunice landi lang? Hinahanap ? Gosh erase! Erase! Erase! Hindi pwede maging tanga ah di kapa ba nadala?” Saway ko sa aking sarili .
Pinakalma ko ang aking sarili bago tuluyang umalis na ,paniguradong umuusok na ang ilong ng Boss ko mahirap na baka tuluyan na ako isuplong nito .
**********
Nagmamadali na nagtungo ako sa elevator ng Makita ko pasarado na ito ,para akong tanga na nagmamadaling tumakbo buti nalang napansin ako ni Maylene ,hingal na pumasok ako sa loob talagang nakakapagod ikaw ba naman tumakbo na akala mo hinahabol ng Aso,buti nalang ay si Maylene lang ang nasa loob nito..
“Nyare?”si Maylene
“S-alamat girl!” Hingal na sabi ko.
“Grabe ano ba nangyayari sayo?kahapon di ka pumasok tapos ngayon naman para kang hinahabol ng aso? Nagdadrugs kaba naku girl tigilan mo yan masama yan ganyan nangyari sa japit bahay namin ayun naglalakad ng nakahubo babae pa naman din?” Walang prenong sabi nito kaya umayos ako ng tayo .
“Hala sya grabe mang husga walang preno ? Di ba pwede pagod lang kahapon kaya hindi nakapasok? Tapos na traffic lang kaya nalate pumasok?drugs talaga anteh! Wagas naman sa adik?” sabi ko na kinatawa nito.
“Eto naman di mabiro ! Bakit ang init ng ulo natin ngayon?ganyan ba talaga ang walang dilig?” Nasamid ako sa sinabi nito kaya naman ,ngumisi ito at tumingin sakin.
“What?” Sita ko .
“Oh? Defensive agad wala pa nga ako sinsabi galit yarn?” Biro pa nito.
“Di wow!” Sabi ko at hinawi ang hibla ng buhok na nagpunta sa mukha ko.
“Wow Wedding ring?” Usisa ni Maylene ng makita ang Singsing na hindi ko parin pala nahuhubad kanina.
“A-h eto?b-inigay ng friend ko! Oo binigay ng friend ko !” Natatarantang sabi na kinangiti lang ni Maylene.
“Ah kaibigan mukhang especial at mamahalin ah!”makahulugang sabi nito,na kinatawa ko.
“Especial? mamahalin? Naku Maylene nabili lang to sa Tiangge yung tig 50 pesos galing no? Pati ikaw na daya!” Sabi ko.
“Seryoso? Patingin nga!” Sabi nito at hinablot nalang bigla ang kamay ko.
“Aray ah !” Sabi ko kasi nasaktan din ako sa biglang paghablot nito.
“Sorry naman hubarin mo nga patingin ako?”sabi nito syempre ako naman itong hinubad at inabot sa kanya hinayaan ko nalang siya na suriin ang singsing ayaw maniwala na mura lang .
Bumukas ang pinto ng elevator kaya naman nagmadali na ako lumabas at iniwan si Maylene hindi ko na nagawang magpaalam dahil mukha busy naman ito sa pagsesearch.
Pasalampak na naupo ako sa upuan ko sinilip kopa kung nasa opisina na niya ang boss kong busangot,laking pasasalamat ko na sarado pa ito at mukhang may dinaanan pa.
Malamang sa alamang katakot takot na seremonya ang aabutin ko mamaya dahil sa pagliban ko kahapon ,ilan beses na kasi ako absent at madalas natetyempuhan na maraming tambak na gawain ,at kahapon nabalitaan ko daming dapat asikasuhin at pirmahan kaya ang Boss ko ayun inumaga ng uwi na talaga patay ako ngayon,dinatnan ako ng antok dahil sa aga ko nagising kaya naman habang wala pa si Boss ay yumukyok muna ako sa table ko at naidlip.
“ELONA EUNICE! “ napabalikwas ako ng tayo ,dahil doon parang binibiyak ang ulo ko sa sakit at kamuntikan pang matumba dahil sa biglaang pagtayo ,umangat ako ng tingin .
“Nakakahiya ka sa Client ko ! Alam mo bang nakauwi na lahat tulog ka parin !? Ano nalang sasabihin na sarap buhay ng Secretary ko patulog tulog sa oras ng trabaho,mukhang bitin pa ang bakasyon mo pwede kana umuwi!” Galit na asik nito.
“Grabe naman diba pwede namahinga lang,saka umidlip lang ako boss! bakasyon agad? May bayad ba ang pagliban ko boss? “ Pilosopong sagot ko.
“Really na idlip? 3hours kang tulog nadaanan kapa ng Client ko hanggang palabas?”sabi nito kaya napasilip ako sa orasan at talagang 3 hours nga ako nakatulog.
“Sus parang yun lang ,masyado naman ito,saka mo na ako pagalitan pag yang client mo hindi natutulog sa opisina niya ng oras ng trabaho!” Sabi ko nalang na kinahimas ng sintido niya .
“Maaga ako tatanda sayo Eunice! Hindi basta Client lang yun !” Sabi pa nito.
“Matanda ka na naman talaga ano tingin mo bumabata?” bulong ko sa aking sarili na mukhang narinig ata nito.
“Anong sabi mo?”
“A-no ah eh,sabi ko hindi na mauulit Boss!”
“Tsk Next week babalik iyon dito kailangan kita kaya huwag kang aabsent o matutulog! Kailangan natin makuha siya para mag invest dito sa atin !”
“Ako? Bakit ako?”
“Sino ba secretary ko?”
“Ako!”
“So alam mona kung bakit kaya huwag ka nang madaming reklamo !” Sabi nito at umalis na sa harap ko at muling bumalik sa opisina niya.
Pabalya na umupo ako sa upuan ko “shutaness ang sakit ng ulo ko bakit ba kasi nanggugulat pa siya ?” pagkausap ko sa aking sarili.
Maya maya lang ay bumaba na muna ako para bumili sa cafeteria kailangan ko idaan sa kape baka di ako makapagpigil gerahin ko boss ko sa opisina niya dahil siya may kasalanan bakit napakasakit ng ulo ko,pagkakuha ko ng order kong Coffee talagang binili ko yung matapang BARAKO para naman mawala sakit ng ulo ko,umupo ako sa pang dalawahang chair ng marinig ko ang pag uusap ng dalawang Staff sa malapit sa kinauupuan ko .
“Ui Girl nakita mo yung kasama ni Sir.Dexter ?” Sabi ng babaeng parang pinaputukan ang nguso sa pula ng lipstick.
“Ah oo yung gwapo at hot grabe girl makalaglag panty!” Kinikilig na sabi ng babaeng putpot ang bangs.
“Tsk buti may panty kapa ngayon!” Kastigo ko sa aking isipan.
“Kaso girl balita ko sa isang Staff dito Taken na,!” Ramdam ko ang panghihinayang ni redlips..
“Sus asawa nga naagaw Jowa pa kaya!?” Proud na sabi ni Bangs na halata ang pagiging mang aagaw .
“Sabagay ! Balita ko babalik yun dito pagkakataon mona Girl!”si Redlips.
“Talaga ?” Kinikilig na sabi ni Bangs.
“Sus nanaginip na naman itong dalawang mahaderang ito! Asa naman ipagpalit kayo sa asawa nun o jowa ? Kayo na nagsabi gwapo at Hot sa tingin niyo papatol sa inyo? Sabagay pwede naman kung idadaan sa gayuma!” Natatawang kastigo ko sa aking isipan.
Bahagya pa ako nagulat ng tumingin ang dalawa sa akin na para bang naririnig ang sinasabi ng Isipan ko,may lahi atang mangkukulam itong dalawa,kaya bago pa sakin mabaling ang usapan ng dalawa ay tumayo na ako para sa taas ko nalang ito iinumin baka mawalan pa ako ng gana sa mga pagpapatansya ng dalawang feelingerang ito.