A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE
CHAPTER 15
Eunice pov;
Kabado at nanalalamig ang kamay ko ,hindi ko alam paano ang gagawin ko para pakalmahin ang sarili ko, mamaya kasi first time ko mamemeet ang pamilya ni Cian at isa pa nahihiya ako humarap sa ina niya matapos mangyari noong isang nakaraang gabi,natatakot ako baka husgahan o maliitin ako ng pamilya ni Cian,naagaw ang atensyon ko sa kamay na humawak sa nanlalamig kong mga kamay .
“Love Calm down!” sabi nito.
“L-ove kinakabahan talaga ako! Huwag na lang kaya ako sumama? Hatid mo nalang ako sa condo ko!? P-ano kung di nila ako magustuhan? Paano kung di nila ako gusto para sayo? Pano kung di sila boto sakin para sa iyo?” Pag amin ko.
“So? E ano Kung di ka man nila magustuhan ? wala ako pake ,hindi naman sila ang makakasama ko habang buhay kahit di ka nila magustuhan lagi mo lang tatandaan na ako gusto kita at ginusto kita makasama habang buhay!”.sabi nito.
“E-kasi —--!”
“Don’t worry hindi ganun sila Mom and Dad!! Sa katunayan nga excited nga sila mameet ka lalo na si Mom!” Pagpapagaan ng loob kong sabi nito.
“Love?” Tawag ko at napatingin naman ito sa akin.
“Mahal na Mahal kita !” Sabi ko na kinatitigan ako sandali saka tumugon sa akin.
“Mas Mahal na Mahal kita my Love Eunice!”.
***************
Magkahawak kamay kame ni Cian na naglakad papasok sa Mansion nila ,kaarawan ng ina ni Cian nais ni Cian sumama ako para ipakilala sa pamilya niya nung una tumanggi ako kasi nahihiya ako ,makulit si Cian hindi ako nito tinantanan at nakakainis pa nung nasa point kame ng maiinit na bakbakan tapos bigla nalang ako nito inudlot sa sarap hindi niya raw tatapusin kung hindi raw ako papayag syempre ako naman itong di mapakali kaya naman pumayag na ako,bahagyang na paungol pa ako ng malakas dahil bigla nito sinagad ng Todo,ibang kalase si Cian pagkasama mo lumalabas ang tunay na siya,malambing sweet ,maalalahanin ,at makulit talaga siya pag kame lang dalawa,pero nakakatakot pag dating sa trabaho.
Pagkapasok namin ng pintuan naagaw namin ang atensyon ng lahat ng bisita ng Mommy ni Cian na kahit pa ang mga magulang nito.
“Hi Mom happy birthday!” si Cian sa ina at inabot ang regalong dala.
“Thanks anak!”
“Happy birthday day po Maam!”bati ko.
“Thanks !! Mommy nalang Eunice parang di kana iba! “ Masayanag sabi ng nanay ni Cian.
“Ok po!” Sabi ko ,bigla naman yumakap ang ina ni Cian sa akin.
“Namiss kita! “Makahulugang sabi nito.
“Po?”
“I’mean Namiss kita makita kasi unang pagkikita natin masyadong pang Climax!” Biro nito na kina init ng mukha ko ,bulong pa ito ng bahagya bago ako bintawan sa pagkakaakap.
“May laman naba Eunice Anak?” Masayang tanong nito na kinangiti ko ng alanganin.
“Mom ,Stop huwag mo i pressure si Eunice!” Saway ni Cian sa ina.
“Felix pagsabihan mo nga yang Anak mo! Huwag pa bagal bagal hindi na siya bata!” Sumbong ng ina ni Cian na napakamot nalang sa batok.
“Tssk Mom stop!” awat muli ni Cian ,ngumisi naman ang ina nito .
“Asus inlababo ang anak ko!? Nahihiya pero pagnagpapatuwad walang hiya!” Biro ng ina ni Cian na talagang kinapula ng mukha ko na halos masamid pa ako sa laway ko .
“Let's go Eunice !” Yaya nito sa akin at sabay hatak sa bewang ko,tumango ako sa ina ni Cian bilang paggalang ,na kinakindat naman sakin at nagsign pa ng ok??!.
Masaya kasama ang pamilya ni Cian halos lahat ng bisita na narito ay kamag anak lang niya ,narito rin si Attorney Levie na pinsan din pala niya sa side ng Father niya,iniwan ako saglit ni Cian para may kausapin, kanina pa kasi nahahalata ko ring ng ring ang cellphone niya pero sinasawalang bahala niya lamang ito pero kalaunan ay sinagot din ng may mabasa ito na kung ano sa Cellphone niya.
“Eunice?” napalingon ako sa tumawag sa akin.
“Yes Attorney?” Sabi ko.
“Levie nalanag !” pormal na Sabi nito na kinatango ko.
“Asan si Cian?” Usisa pa nito.
“Nasa labas siya may kinausap lang ,bakit may kailangan kaba sa kanya? Gusto mo tawagin ko para sayo?” Sabi ko at akmang aalis na ako ng pigilan ako nito ,napatingin ako sa palapulsuan ko kung saan nakahawak si attorney mabilis na binitawan ito ni Attorney ng mapansin na doon nakatuon ang tingin ko.
“Im Sorry!” Paghingi ng paumanhin nito.
“Ok lang attorney!” Sabi ko.
“Actually ikaw talaga sadya ko!” Sabi nito na kinataka ko .
“A-ko??” pagkumpirma ko.
“Yes kung mamarapatin mo ?”
“Ok !” Sabi at tumango naman ito at niyaya ako palabas ,nakasunod lang ako sa likuran niya papunta kameng Garden nila Cian sa may likuran ng bahay nila,huminto si Attorney Levie kaya napatigil din ako at tinitigan ang likod nito na nakaharap sa akin.
“Ano ba talaga plano mo Elona Eunice?” Makahulugang tanong nito.
“A-nong—--?” naudlot ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito .
“Kilala kita Eunice!” Pagputol nito sa sasabihin ko,hindi ako umimik,nanatili lang ako nakatayo at nakamasid sa kanya,pumihit ito paharap sa akin at pinagmasdan ang reaksyon ko na nanatili parin tahimik at walang imik.
“Ayoko may masaktan sa inyo dalawa kaya ngayon palang tigilan mo na,baka dumating ang araw na pareho lang kayo magkasakitan at magsisi sa huli !”...
“hindi ko alam ang sinasabi mo Attorney!” Sabi ko.
“Alam kong alam mo ! hindi kita pipilitin at pipigilan pero sana pakinggan mo ang sinisigaw ng puso mo huwag kang magpakabulag diyan sa isipan mo!” Mas pinili ko nalang manahimik para hindi na humaba pa ang usapan alam kong kahit anong sabihin ko hindi ito maniniwala sa akin.
Naiwan ako mag isa sa may harap ng Fountain dito sa may Garden nila Cian,lumanghap ako ng sariwang hangin bago mapagpasyahan bumalik na sa loob ng bahay nila,nakakailang hakbang palang ako ng makarinig ako na mahinang boses na nagmumula sa may kadilimang parte ng bahay nila Cian,hindi ko na sana pa papansinin ng para bang nagtatalo ito.
“Kelan kapa bumalik?”
“Kanina lang !”
“Bakit naman nagpunta ka dito at sino nagsabi sayo nanaririto ako?”
“Wala nais ko lang bisitahin sila tita,siguro naman walang masama kung bisitahin ko ang —--!”
Naudlot ang saaabihin nito ng di ko sinasadya na madanggi ang flower base ng garden nila Cian.,na lumikha ng ingay at naagaw ang atensyon ng dalawang nagtatalo ,nakita ko ang rebulto ng isang lalaki na palapit sa pwesto ko kaya naman nagmadali ako pumasok sa loob ,nagtago ako sa Restroom na naraan ko ayoko makita ang ng dalawang nag uusap sa labas baka ano na lang isipin nila na masyado ako chismosa nakikinig sa usapan ng iba.
Sapo ko ang dibdib ko dahil sa kaba habang hingal na hingal ,nakakaba naman talaga pagganitong eksena na para bang may pinagtataguan ka o may kasalanan ka,ilan minuto muna ako namalagi sa Cr at maya lang ay napagpasyahan kong lumabas na sinipat kona ang aking sarili bago lumabas .
Palingon lingon pa ako baka kasi makita ako nang pingtataguan ko mahirap na paliko na ako ng mabungaran ko si Cian na bakas ang pagkagulat sa mukha na mabilis rin napalitan .
“Kanina pa kita hinahanap !” Sabi nito .
“Nag Cr lang ako,bakit uuwi naba tayo?” Tanong ko .
“Nope dito na tayo matulog !” Sabi nito .
“D-ito? “
“Yes sa Room ko! Bukas nalang kita hahatid sa Condo mo!” Sabi pa nito,kaya pumayag narin ako ayoko naman sabihin na KJ o nag iinarte ako.
“No Love ! Huwag mo isipin yan kung di ka kumportable dito sige sa bahay nalang tayo!” Sabi nito at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya ,tumitig ako sa mga mata niya.
“Ok lang talaga sakin Love kung saan basta kasama ka!” Malambing na sabi ko,tumango ito at niyaya na ako magtungo sa Room niya.
Napahanga ako sa ganda ng disenyo ng kwarto niya ang ganda sa mata at maaliwas na nakakagaan din sa pakiramdam ,nagtungo ako sa terrace ng kwarto ni Cian at pinagmasdan ang buwan,marami ang pumapasok sa isipan ko na iyon ng biglang may brasong pumulupot sa bewang ko ,naramdaman ko ang natitipunong dibdib ni Cian habang ang ulo nito ay nakadantay sa leeg ko .
“Do you like my Place Love?” sa malambing na tinig nito,tumango lang ako bilang pagsang ayon at bahagyang hinaplos ang mukha ni Cian,nasa ganoon lang kame posisyon ni Cian habang pinagmamasdan ng sabay ang maliwanag at bilog na bilog na buwan.
“Sana hindi na matapos ang mga oras na ito! At sana lang tama ang desisyon ko!” Tanging bulalas ko sa aking isipan.