Chapter 49 VITORIO Pumasok kaming dalawa ni Vida sa loob ng conference room. Napaawang ang mga labi ng mga tauhan na naroon nang makita ako. Nakakasuya ang mga titig nila sa akin. Hindi siguro nila inaasahan na ang pangit kong mukha ang makikita nila. Habang si Sandro naman nakaupo lang at naka de kuwatro. "Sandro, ipakilala mo na ang boss ng KOW sa kanila," taas ang dalawang kilay ni Vida na utos kay Alessandro at umupo ito sa bakanting upuan na katabi ni Alessandro. Malawak ang mga ngiti ni Alessandro nang makita ako. "He is Vitorio Casadie, the beast boss of KOW. So you must respect him and everything he commands you will obey," saad ni Vitorio sa kanila. Isa-isa akong pinakilala ni Alessandro sa mga tauhan na may mataas na katungkulan sa kompanya. Tahimik lang si Vida habang nasa