CHAPTER 44 VITORIO Hapon na ako nagising sa sofa sa sobrang pagod at antok ko. Sakto naman tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag na iyon. "Who’s this?" tanong ko so kabilang linya. “Someone wants to talk to you. His name is Ferdinand Escobar, the Mafia Lord of Red Tiger." turan ng isang tauhan ko na nasa Amerika. “Give the phone to him." Ilang sandali pa narinig ko ang boses ng isang lalake. Kumusta na, Mr. Vitorio Casadie? Ako ito si Mr. Ferdinand Escobar, ang chairman ng Snake Diamond," pakilala nito sa kabilang linya. “Narito ako sa bakasyon, Mr. Escobar. Ano ang maitutulong ko sa'yo?” daretsahan kong tanong sa kaniya. “Gusto ko sana humingi ng tulong sa'yo, Mr. Casadie. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, pero kailangan ko talaga ang tulong mo," aniya at mabigat na pa