Chapter 16 Alvira “Get out of my kitchen and leave!” Mariin na utos ni Lander sa akin. Abala ako sa pagbabati ng itlog na ipalaman sa tinapay nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. “Ayaw mo ba na paglutuan kita? Alam ko na nabawasan ang lakas mo.’’ Tiim bagang siyang tumingin sa akin dahil sa sinabi kong iyon. “Paglulutuan mo ako para may ilagay ka na naman sa pagkain ko? Umalis ka na, Alvira!’’ maawturidad at may pagbabanta niyang pagtaboy sa akin. Binitiwan ko ang tinidor at humarap sa kaniya. “Pagkatapos mong magpakasarap sa katawan ko, itataboy mo lang ako ng ganoon, Lander? Ganiyan ka ba talaga? Wala ka ba talagang puso?’’ Hinawakan niya ang panga ko, kung kaya’t napatingala ako sa kaniya. Hanggang balikat lang ako ni Lander. “Oo, wala akong puso sa’yo. Kung inaasahan mo na